CHAPTER 9

2330 Words
Habang nasa terrace si Reymund napatingin sya sa oras naisip nya ganung oras ang dating ni Ana galing sa school. Kuntento na lang sya na pinagmamasdan ito mula sa terrace. Ginawa na niya ang lahat pero mas lalong lumalayo si Ana kaya nagpasya siyang huwag na muna itong kulitin. Umuulan ng oras na yun iniisip nya kung nahirapan kaya ito makasakay o may dala kaya itong payong. Maya maya ay may kotse na huminto sa tapat ng bahay nila Ana at bumaba ito. Bumaba din ang lalakeng nagdadrive ng sasakyan. Nakita niya na nagusap ang dalawa at nagtatawanan pa. Dahil nakaramdam ng selos agad agad lumabas ng bahay si Reymund para puntahan si Ana. Nakita nyang sumakay na uli ang lalake sa kotse at umalis. Nakita ni Ana na papalapit sa kanya si Reymund kaya nagmadali syang buksan ang gate. "Ana sino yun?" tanong sa kanya ni Reymund. "Kaklase ko" sagot nya. "Bakit kasama mo" tanong uli ni Reymund. "Umuulan kasi kaya sinakay nya ko. Kung hindi malamang hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakauwi" sabi ni Ana na naiirita sa mga tanong ni Reymund. "Pwede mo namang itext si Marc o Dexter para isabay ka pareho lang naman ang oras ng uwi nyo" "Eh bakit ba? umuulan gusto ko na umuwi lumapit sya sakin para isabay ako choosy pa ba ko??wag ka na nga lang makialam sakin". Pasigaw na sabi ni Ana sabay pasok sa gate at sinara ito. Naiwang nagpupuyos sa galit at selos si Reymund. Kinabukasan pagtapos ng klase ni Ana ay nilapitan sya ni Jeoff. "Hi Ana pauwi ka na. Pwede ba kita ihatid uli" sabi ni Joeff sa kanya. "Ha eh" naisip ni Ana na baka makita na naman ito ni Reymund at magalit uli ito. "May dadaanan pa kasi ko eh" sabi nya. "Ah ganun ba gusto ko kasi na mas makilala ka pa eh" sabi nito. Hindi maipaliwanag ni Ana pero may iba syang pakiramdam dito. Alam nya sa sarili nya na mahal pa rin nya si Reymund pero masaya sya sa binibigay na pansin ni Jeoff sa kanya. Pumayag sya na magpahatid dito pero hanggang sa kanto ng subdivision lang sya nagpapababa sa pag aalalang makita uli ito ni Reymund. Ilang beses na naulit pa ito. Isang araw naisip ni Reymund na daanan si Ana sa school nito. Naisip nya na suyuin uli ito. Mahal na mahal nya si Ana kaya naisip nya gagawin nya lahat para bumalik na ito sa kanya. Habang naghihintay sa gate nakita nya si Ana na kasama na naman yung lalakeng naghatid sa kanya. Nilapitan nya ito. "Love!" Napatingin si Ana sa likod pagkarinig ng boses ni Reymund. "Bat nandito ka?" mahinang sabi ni Ana. "Sinusundo kita" sabay hawak ni reymund sa kamay ni Ana. "sino sya Ana?" tanong ni Jeoff. "Eh sino ka rin ba" nag iinit na ang dugo ni Reymund dahil sa selos ng mga oras na yun "Reymund hindi ka pa rin ba tumitigil?? Hindi ako sasama sayo" sabay hila ni Ana sa kamay nyang hawak ni Reymund. "Love" sabay titig nito kay Ana. Umiwas naman siya ng tingin dito. Maya maya ay nagalit na ito "Tang*na naman eh ano mo ba tong lalakeng to" sabay turo ni Reymund kay Joeff. "Tang*na pare ano bang problema mo?" nag init na din ang dugo ni Joeff ng mga oras na yun. "Tang*namo huwag ka makekealam dito gf ko to." sabay hawak ni Reymund sa braso ni Ana at hinila ito. "Ano ba Reymund" pilit hinihila ni Ana ang braso nyang mahigpit na kinapitan ni Reymund. Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan. "Bitawan mo sya tang*naka" sa inis ni Joeff ay tinulak nya si Reymund. Nagalit si Reymund kaya sinapak nya si Joeff sa mukha at natumba ito. Akmang lalapitan pa ni Reymund si Joeff pero pinigilan sya ni Ana. "Reymund tigilan mo na. Bf ko sya!" sa inis ni Ana ay sinabi nya yun para tumigil na si Reymund. Natigilan si Reymund sa narinig. "Ano?" sabi nito na natahimik ng ilang segundo. "Tang*na naman Ana ang bilis mo naman makalimot ilang araw pa lang ah. O matagal na to? Ginagawa mo lang dahilan yung ginawa ko para makapaglandi ka jan sa put*nginang yan." Dala ng galit ay hindi na nakapag isip si Reymund. Ang alam lang niya ay nasaktan siya sinabi ni Ana na bf nito ang lalake. Nag init ang dugo ni Ana sa narinig kaya nasampal nya si Reymund. "Ikaw ang nanggago sakin kaya umabot tayo sa ganito. Huwag mo kong babaliktarin. Umalis ka na, ayoko ng makita ka pa. May mahal na kong iba. Kaya tigilan mo na ko!" pinagtutulak nya si Reymund palayo. Nagpasya na lang si Reymund na umalis na lang. Bago ito tumalikod ay kitang kita ni Ana sa mga mata nito ang sakit na naramdaman. Nakatitig si Ana kay Reymund habang papalayo ito sa kinaroroonan nila. Nakaramdam din sya ng kirot sa puso niya. Maya maya ay lumapit si Joeff sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya. "Totoo ba yung narinig ko tayo na ba sinasagot mo na ba ko ha?!" sabi ng nakangiting si Joeff na may bahid pa ng dugo sa labi. "Ha?" Nasambit ni Ana. Dala ng nararamdamang kirot sa puso niya ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Ang nasa isip lang niya ay mawala na ang sakit na nararamdaman niyang yun. Hanggang nagpasya siyang sagutin na si Joeff. Naisip rin nya na gusto na nyang mag move on. Naisip nya sirang sira na sila ni Reymund. Mahal na mahal pa rin nya ito pero sa tuwing nakikita nya ito ay hindi nawawala sa isip nya ang ginawa nito sa kanya. Nakipaginuman si Reymund kasama ang mga kaibigan. "Pare ilang buwan naman na kayong hiwalay ni Ana hayaan mo na lang kung nagdesisyon ng mag moveon. Ginawa mo naman lahat para bumalik sayo." Sabi ni Marc sabay lagok ng alak. "Gago ka kasi!" Sambit ni Dexter. "Mahal ka ni Ana pare nasaktan lang sya sa ginawa mo kaya huwag mo sukuan. Ituloy mo lang panunuyo mo." Sabi ni Darwin Walang naiintindihan si Reymund sa mga sinasabi ng mga kaibigan nya ng mga oras na yun. Paulit ulit na pumapasok lang sa isip nya ay meron ng iba si Ana. Pagkaraan ng ilang araw birthday ni Ana inimbitahan sila ng Tita Tess niya na icelebrate sa resort nito sa Batangas. Dahil nalalapit na din ang graduation ng magkakaibigan nagdesisyon silang pag isahin na din ang selebrasyon. Habang nagkakasiyahan sa resort ay may tensyon namang nangyayari kay Ana at Reymund dahil isinama ni Ana doon ang bf nyang si Joeff. "Aning bat isinama mo pa dito sa resort yang jowa mo hindi mo man lang inisip mararamdaman ng bayaw namin" Sabi ni Kuya Erick habang kumukuha ng tubig sa kusina. "Eh bf ko nga eh. Birthday ko ngayon natural lang na isama ko. Kaya Kuya sana pakitunguhan nyo din sya ng maayos" sagot ni Ana. Yung isinama nya si Joeff para hindi na talaga umasa si Reymund pati na rin ang mga kaibigan at pamilya na magkakabalikan pa sila ni Reymund. Nang kinahapunan ay umuwi na sa Manila ang mga Kuya at mama ni Ana. Plano naman nilang magkakaibigan na bukas na umuwi. Habang nagkakasiyahan at nagkakainuman ay walang tigil si Suzet sa pag iyak dahil sa problema nila ng bf nyang si Jared na nasa Canada. "Kasi naman bes hiwalayan mo na yang Jared na yan. Huwag ka maniniwala dun na gf ng boardmate nya yung babaeng kasama nya. Madaling araw bes kasama nya yung gf ng boardmate nya. Ano yun?. Walang lugar sa mundo ang mga 2 timer na kagaya nya!" Pagdidiin ni Ana. "Hindi lahat ng nadala lang sa tukso eh 2 timer. Nagkamali oo!" sabi ni Reymund sabay lagok ng alak. "Kung pinagsabay mo ang dalawang babae kahit ano pa ang rason mo natukso ka man o nagkamali, 2 timer ang tawag dun." sagot ni Ana "Kung taos puso namang humihingi ng tawad at lubusang nagsisisi. Kung mahal mo talaga yung tao pipiliin mong magpatawad, bibigyan mo ng second chance. Hindi yung maghahanap ka kaagad ng kapalit." Sabi ni Reymund sabay lagok uli ng alak. "Kahit mahal mo pa yung tao kung sobra sobra ka namang sinaktan pipiliin mo na lang umayaw." Sabi ni Ana "So mahal mo pa nga?" tanong ni Reymund. Natigilan naman si Ana at umiwas ng tingin kay Reymund. Hindi na lang siya nagsalita pa. Nakatingin na lang ang mga kaibigan nila sa palitan nila ng salita. Maya maya ay lalong nag iiyak si Suzet. "Kayong mag bestfriend tigilan nyo na nga yang pag inom nyo puro kayo emote eh" sabi ni Dexter. "Ana tong jowa mo tulog na oh. Mahina pala to sa inuman eh" sabi ni Marc Pagtingin ni Ana kay Joeff ay tulog ito sa kinauupuan nya. "Ipasok mo na sa kwarto nyo" dagdag pa nito. Habang naglalakad papunta sa kwarto nila si Ana nakaalalay ito sa bf na si Joeff. Si Reymund ay tahimik lang na nakamasid sa kanila. Si Suzet naman ay pumasok na rin sa kwarto nya. "Kayong dalawa may contest ba kayo ng paramihan ng nainom na alak?" Sabi ni Dexter kay Reymund at Darwin. Pareho kasing mga masasama ang loob ng dalawa dahil kay Ana na kasama ang bagong bf na si Joeff at si Suzet na iniiyakan ang bf na si Jared. Nagtawanan na lang sa inis si Reymund at Darwin. "Cheers pare!" Tinaas ni Reymund ang bote ng alak. "Cheers!" sagot ni Darwin. Habang nasa kwarto si Ana ay nakatingin siya kay Joeff na nakahiga sa kama. Naisip niyang mabuti na lang ay tulog na ito. Hindi sya komportable na kasama ito sa iisang kwarto. Biglang naalala ni Ana ang pagtatalo nila ni Joeff noong nakaraang linggo. Napapansin kasi ni Joeff na kapag magkasama sila at hinahawakan nito ang kamay nya ay ilang segundo lang na bibitiw siya. Kapag nagkakadikit sila ay agad siyang lalayo. At nung minsang hinalikan siya nito sa labi ay agad agad siyang umiwas. Naalala ni Ana ang nangyari nung isang araw. "Mahal mo ba talaga ko?" tanong noon ng naiinis na si Joeff. " Oo naman. Sorry para kasing hindi pa ko handang gawin yung ganito" sagot ni Ana. "ano tayo bata" natatawa sa inis si Joeff "o baka dahil sa mahal mo pa rin yung ex mo" tanong pa nito kay ana. Naikuwento kasi ni Ana kay Joeff yung tungkol kay Reymund at yung istorya nilang dalawa kaya alam ni Joeff kung gaano niya kamahal si Reymund. "Mahal kita Ana kaya hanggat kaya kong intindihin ka gagawin ko" sabi ni Joeff sa kanya. Habang nasa kwarto kasama ang natutulog na si Joeff dahil hindi komportable ay naisip ni Ana na sa sofa na lang matutulog. First time pa lang nila ni Joeff ngayon na magkasama sa iisang kwarto. Naisip nya na pagkatapos ng relasyon nila ni Reymund ay hindi pa sya handang ibigay ang sarili nya sa iba. Naligo muna sya bago matulog. Pagtapos nya maligo at habang nagpapatuyo ng buhok narinig nyang may kumakatok sa pintuan ng kwarto nya. Binuksan niya ito at nakita si Reymund. "Ano ba Reymund anong kailangan mo?" Mahinang sabi ni Ana, natatakot kasi ito na baka magising sa pagkakatulog si Jeoff. Lasing na lasing si Jeoff kaya pagpasok nila ng kwarto ay nakatulog agad ito. "Please Ana wag mo naman gawin sakin to. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang may kasama kang iba." Mangiyak ngiyak na sabi ni Reymund. "Ano ba Reymund wala na tayo. Huwag ka gumawa ng gulo dito. Umalis ka na baka magising pa si Jeoff ano ba!" Tinulak nya si Reymund palayo sa pinto. Isasara na sana ni Ana ang pinto ng pigilan ito ni Reymund. Pagtulak ni Reymund ng pinto ay pumasok siya sa loob at niyakap si Ana. Agad niya itong hinalikan sa labi. Maririin ang mga halik ni Reymund kay Ana. Bakas doon ang pagkasabik niya sa dating kasintahan. Si Ana naman ay panay ang pag pumiglas ngunit hindi nya kaya si Reymund hanggang sa mapaupo siya sa sofa. Napaupo din si Reymund na panay pa rin ang halik sa kanya. Hindi namalayan ni Ana na nadadala na siya sa mga halik nito sa labi niya. Pakiramdam niya ay namiss niya bigla si Reymund sa mga halik nito. Mahal na mahal nya si Reymund. Binigay niya ang lahat dito, hindi siya nagkulang dahil binuhos niya lahat ng pagmamahal niya ngunit nagawa pa rin siya nitong lokohin sa ibang babae. Hindi nya matanggap ang ginawa nitong panloloko sa kanya. Gusto na niyang mawala ang nararamdaman niyang pagmamahal para kay Reymund kaya ng manligaw sa kanya ang kaklase nyang si Jeoff ay agad nya itong sinagot. Mainit niyang tinugon ang halik ni Reymund. Maya maya ay napahiga siya sa couch. Umibabaw naman sa kanya si Reymund. Tinanggal ni Reymund sa pagkakabuhol ang bathrobe niya. "I miss you so much Love, mahal na mahal kita!" Bulong sa kanya ni Reymund. Hinalik halikan siya nito sa leeg pababa sa dibdib niya. Sinu*uso nito ang isang dibdib niya habang panay naman ang masahe sa kabila. Nagtatalo ang isipan ni Ana. Gustong gusto nya ang nangyayari. Miss na miss na niya si Reymund kaya pakiramdam niya ay nadadarang siya sa ginagawa nito sa kanya. Bigla niyang naisip na baka magising bigla si Jeoff. Maya maya ay nawalan ng kuryente biglang natigil si Reymund sa ginagawa nito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ana na pigilan na ito. Malakas niyang tinulak si Reymund. Bumagsak ito sa sahig kaya agad siyang tumayo. Pinagtutulak pa niya ito hanggang sa pintuan. Pinipigilan siya ni Reymund pero dahil pursigido siyang pigilan ang nais nitong mangyari ay hindi siya nagpatalo hanggang sa maitulak niya ito sa labas. "Tumigil ka na Reymund, tapos na tayo. Hinding hindi na ko babalik pa sayo!" Hindi na nagpumilit pa si Reymund. Naisip niyang baka masaktan pa si Ana kaya hinayaan na lang niyang maitulak siya nito sa labas. Pagkalabas ni Reymund ay agad sinara ni Ana ang pinto at nilock iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD