Mabilis na lumipas ang panahon. Graduate na sila ng college.
Nagkaroon ng despedida party si Suzet. Pupunta ito ng U.S para magbakasyon.
Matapos ng party ay sabay na umalis si Ana at Reymund. Dumaan sila sa park na madalas nila puntahan nung sila pa. Naupo sila sa swing na madalas nilang upuan. Maya maya mula sa kung saan ay biglang tumugtog ang theme song nilang dalawa.
? I wanna make you smile whenever you’re sad
Carry you around when your arthritis is bad
Oh all I wanna do is grow old with you
I’ll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you
I’ll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control
So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed when you’ve had too much to drink
I could be the man who grows old with you?
Nagkatinginan sila at nagtawanan na lang. Maya maya ay panay na ang pagpatak ng mga luha nila habang pinakikinggan ang kanta.
"Naalala mo parati kitang tinutugtugan ng gitara habang kinakanta yan." napapangiting sabi ni Reymund habang lumuluha.
"oo nga eh kapag nabibwisit ako sayo kantahan mo lang ako nyan okay na eh." natatawang sabi ni Ana.
"Reymund sa dami ng pinagdaanan natin sa ganito pala mauuwi ang lahat." sobrang sakit ng pakiramdam ni Ana ng mga oras na yun.
"Kasalanan ko eh. Kung hindi lang ako naging gag* masaya pa rin tayo ngayon" sabi ni Reymund na nakakaramdam ng galit sa sarili ng mga oras na yun.
"Siguro hindi lang talaga tayong dalawa."
"Siguro nga. Pero magkaibigan naman tayo diba. Pwede ba natin ibalik yun kahit yun na lang" sabi ni Reymund na naiiyak na din ng mga oras na yun.
"Oo naman. Pasensya ka na kung naging matigas ako sayo. Sobra lang talaga kong nasaktan. Ikaw ang first love ko eh" natatawa na naiiyak si Ana na napatingin kay Reymund.
"Ikaw din naman ang first love ko baka nga last na din eh" sabi ni Reymund. "Mahal kita Ana. Sa huling pagkakataon hihingi uli ako ng tawad sa nagawa ko sayo. I'm sorry." Panay na din ang pagpatak ng luha ni Reymund.
"Sa totoo lang gusto na kitang patawarin madali lang naman magpatawad eh. Pero sa tuwing naiisip ko yun hanggang ngayon at sa tuwing nakikita kita sa totoo lang para pa rin akong tinotorture sa sobrang sakit at nakakaramdam pa rin ako ng galit. Hindi ko alam kung hanggang kailan to. Napakadaling magpatawad pero ang hirap makalimot." Sabi ni Ana
"Sorry. Sorry Ana" sabay luhod ni Reymund
"Ano ka ba tumayo ka nga. Okay na. huwag na lang natin isipin yun. Ngayon nakagraduate na tayo na sa ibang level na tayo ng buhay natin. Mga pangarap natin sa buhay ang kakaharapin natin"
"Eh kasama ka sa mga pangarap ko sa buhay ko eh" sabi ni Reymund na nakatitig kay Ana.
"Hay naku Reymund sa canada marami ka pang makikilala." sabi ni Ana sabay tayo at nagyaya ng umuwi.
Isang linggo na lang at aalis na si Reymund. Sa loob ng isang linggo na yun ay parati nyang kasama si Ana. Gusto nya itong makasama hanggang sa huling sandali nya sa Pilipinas bago manirahan sa ibang bansa.
Nagising si Ana na pagiyak ang unang ginawa. Nakaalis na si Reymund ng nagdaang madaling araw. Sinabihan nya ang mama nya na huwag syang gisingin sa oras na aalis si Reymund dahil ayaw nyang makita ang pag alis nito. Pumunta sya sa terrace para silipin ang bahay nito. Nakita nya ang Tita at pinsan ni Reymund na nagaayos ng mga gamit doon. Pumunta sya sa bahay nila Reymund para tignan ang bahay.
"Hi tita silipin ko lang po ang kwarto ni Reymund" sabi niya sa tita ni Reymund paspasok sa bahay.
Pagdating doon ay wala ng kalaman laman sa loob. Napatingin sya sa dingding na pinagdikitan ng mga picture nila ni Reymund wala na rin ito. Nasabi noon ni Reymund sa kanya na dadalhin nya yun sa canada.
"Alam mo ba ang tagal umiyak ni Reymund dito kanina" sabi ng tita ni Reymund. "Kung hindi pa sya tinawag ng papa nya hindi pa sya lalabas eh. Tinatanong pa sya ng papa nya kung gusto pa nya tumuloy sa canada kasi grabe ang iyak nya parang ayaw talaga umalis"
"Ganun po ba" hindi na napigilan ni Ana ang mapaiyak.
Sa mga oras na yun ay biglang nagsisi si Ana kung bakit hindi sya nagpagising sa mama nya. Nayakap sana nya ito bago umalis. Sobrang sakit ng nararamdaman nya ng mga oras na yun paulit ulit na pumapasok sa isip nya na kahit kailan ay hindi na nya muli pang makakasama si Reymund.
?