CHAPTER 8

2178 Words
Pagkatapos ng nangyari sa kanila sa motel. Naging madalas na ang pagpunta nila dito. Kung minsan naman ay ginagawa nila ito sa kwarto ni Reymund. Sa Canada na nakabase ang mga magulang ni Reymund. Ilang taon na kasing nagtatrabaho doon ang Papa niya at noong nagapply ito para magkaroon ng dual citizenship doon ay naapprove ito at naipetition nito ang mama nya kasunod ang kapatid nya. Plano din ng magulang nya na ipetition din sya kapag nakagraduate na sya ng college pero tumanggi sya dahil mas gusto nya sa Pilipinas at pumayag naman ang mga ito. Mabilis na nagdaan ang panahon. Isang taon na lang ay gagraduate na ng college si Ana at Reymund pati na rin ang kanilang mga kaibigan. 5 years ng magkarelasyon ang dalawa. Isang araw pumunta si Ana sa bahay nila Reymund para magdala ng niluto nyang caldereta. Magmula ng nag migrate sa Canada ang magulang nya ay madalas sinasama nila ito sa pagkain. Dahil wala ito sa sala at kusina umakyat sya sa kwarto nito. Pero wala din ito. Palabas na sya ng kwarto ng biglang tumunog ang phone ni Reymund na nasa mesa. Nakita nya na ang kaklase nitong si Raffy ang tumawag. Naalala nya na nagpaalam sa kanya si Reymund na magiinuman sila ni raffy at ibang kaklase sa bahay nito. Sasagutin nya sana ang tawag pero bigla itong nawala. Maya maya ay nagmessage ito. "7pm babe ha see you" sabi nito. "Babe??" sa isip isip ni Ana. Tinignan nya ang history ng message nito. Marami silang palitan ng message ni Reymund base sa message ay parang may relasyon ang dalawa at babe ang tawagan ng mga ito. Nanginginig ang mga kamay ni Ana tinignan nya ang phonebook nito at may isa pang Raffy na nakaregister at yun ang totoong number ni Raffy na kaklase nito. Tinignan nya ang sss messenger ni Reymund. May nakita syang conversation na Monique ang pangalan. Binasa nya ito at babe din ang tawagan nila dito naisip nya na iisa ito at ang Raffy na nasa messages. Binasa nya ang conversation nila. Maraming mga sweet messages at may nabasa din syang malalaswang usapan ng dalawa. Maya maya ay may nakita syang picture ng dalawa na nasa kama. Bigla nyang nabitawan ang cellphone ni Reymund. Feeling nya hindi sya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman nya. Hindi sya makakilos. Nakatayo lang sya. Sa pinaghalong sobrang sakit at galit na nararamdaman nya ay hindi sya makaiyak. Maya maya ay dumating si Reymund. Nagtataka sya sa reaksyon ng mukha ni Ana. "Bakit love?" Nagtataka si Reymund sa nakitang itsura ni Ana. Nakita nya ang cellphone nya na nasa sahig, kinuha nya ito at nakita nya ang picture nila ni Monique na nasa screen. "Love wala ito ha!" Agad niyang sabi. Pakiramdam niya ay namutla siya. Nang akmang aalis si Ana ay niyakap sya ni Reymund sa likuran. Humihikbi ng iyak si Ana, ni walang lumalabas na salita sa bibig nya. "love wala ito kaibigan lang to ni nagkayayaan ksi may pag...." Yung nagkabulol bulol na sa sinasabi si Reymund dahil hindi alam kung paano lulusutan ang sitwasyon. Magsasalita pa sana si Reymund ng bigla syang pagsasampalin ni Ana. "Walanghiya ka kailan mo pa ko niloloko ha. Ang baboy mo ga*o ka may nangyayari sating dalawa habang nagpapakasasa ka din sa iba!" Humagulgol na ng iyak si Ana. Panay ang sampal niya kay Reymund. "hindi kita niloloko love wala naman nangyari samin eh" sabi ni Reymund na napaupo sa sahig sa kasasampal sa kanya ni Ana. "Reymund huling huli ka na hindi ko na kailangan ng paliwanag mo nanjan na lahat sa cellphone mo eh" "wala naman ako gusto dito eh oh eto ibablock ko na sya." Habang nanginginig ang mga kamay ay pinakita pa nya kay Ana ang pagdelete nito ng number, ang conversation sa messenger at blinock nito si Monique sa f*******:. "Oh eto wala na!" nangingiyak na din si Reymund sa nangyayari. "Reymund 5 years na tayo eh. Nagsawa ka na ba? Diba sabi mo hihintayin lang natin na makagraduate at magkaron tayo ng stable job tapos magpapakasal tayo. Ayaw mo na ba sakin? May mali ba kong nagawa? Binigay ko naman sayo lahat eh. Nagsawa ka na ba sakin kaya ka naghanap ng iba?" Panay ang patak ng luha ni Ana sa sakit na nararamdaman Lumuhod si Reymund sa harapan ni Ana at niyakap sya sa bewang. "Sorry!" Mahigpit siyang kinapitan ni Reymund sa bewang na parang ayaw siya pakawalan. Pilit naman niyang inaalis ang mga braso ni Reymund. "maghiwalay na tayo Reymund. Hindi ko alam kung pano pa kita pagkakatiwalaan ngayon. Magsama na lang kayo nung babaeng yun" sabi ni Ana sabay alis. Nagtatakbo sya pababa ng hagdan. Hinabol sya ni Reymund. "love please sorry na. " sabi nito sabay hawak sa kamay niya. "Bitawan mo ko nandidiri ako sayong ga*o ka. Iba na ang tingin ko sayo. Ni hindi ko nga alam kung paano pa kita titignan eh. Hindi na ikaw yung Reymund na minahal ko. Maghiwalay na tayo. Ayaw na kitang makita pa." Tinulak niya ai Reymund na napaupo sa hagdan. Biglang nagtatakbo si Ana palabas ng bahay. Naiwang iyak ng iyak si Reymund sa bahay pinagsisipa nya lahat ng mga bagay na nasa harapan nya. Naisip nya dumating na nga yung araw na kinatatakutan nya, yung malaman ni Ana ang pinaggagagawa nya. Inaamin nya na sobrang natukso sya kay Monique. Sa University na pinapasukan nya may mga babaeng nagpapapansin sa kanya pero hindi nya binibigyan ng atensyon ang mga ito dahil mahal at kuntento sya kay Ana. Napapatingin din sya sa ibang babae pero hanggang doon lang yun dahil faithful sya kay Ana. Hanggang dumating yung araw na nakilala nya si Monique. Birthday noon ng kaklase nyang si Raffy at nagkainuman sa bahay nito at doon nya nakilala ang tropa ni Raffy na si Monique. Panay ang papansin sa kanya noon ni Monique at tinutukso sila ng mga kasamahan nila. Sinasakyan naman nya ang panunukso sa kanila. Kinabukasan ay inadd sya nito sa f*******:. Hindi nya ito inaccept hanggang kinulit kulit sya ng kaklase nyang si Raffy. "Iaccept mo na si Monique pare para hindi na ko kulitin. Friend lang naman eh hindi naman malalaman ni Ana" pangungulit sa kanya ni Raffy. Inaccept ni Reymund ang friend request ni Monique sa f*******:. Maya maya ay nagchat na ito sa kanya. Noong una ay hindi nya ito nirereplyan. Pero nung minsan na wala syang magawa at nag chat si Monique ay nakipag chat din sya dito. Dahil naaliw sya at nadala sa karisma ni Monique ay madalas na nya itong kausap. Naisip nya na hindi naman mahilig magtingin si Ana ng cellphone nya kaya hindi nya ito malalaman. Para makasigurado at maitago si Monique, Raffy ang ipinangalan nya dito sa phonebook nya. Birthday ni Monique at gusto nito na icelebrate ang birthday kasama si Reymund ininvite nya si Reymund sa apartment nya at doon ay may nangyari sa kanila. Dahil sa mahal ni Reymund si Ana walang nagbago sa pagmamahal at pakikitungo nya dito. Wala syang nararamdaman kay Monique pero dahil sa nadala na ng tukso ay tinuloy tuloy nya ang pakikipagkita dito. Hanggang sa nalaman na nga ito ni Ana Iyak ng iyak si Ana sa kwarto. Naisip nya sa 5 years nila ni Reymund ramdam nya na faithful sa kanya ito kaya ni minsan ay hindi sya nag alala na mangyayari ang ganito sa kanila. Wala din syang nakitang sign na may ginagawa na pala itong kalokohan. Naisip nya na wala naman nagbago kay Reymund itong nagdaan na araw kaya hindi sya naghinala. Aside sa ilang beses nitong paalam na magiinuman sila ni Raffy. Naisip nya na yung mga araw na yun ay si Monique pala ang kasama nito. Sobrang sakit ng nararamdaman nya. Iniisip pa naman nya na si Reymund na ang mapapangasawa nya. Binigay nya dito ang lahat pero nagawa pa din syang lokohin. Naalala nya lahat ng pinagdaanan nila ni Reymund simula pa lang ng mga bata pa sila. Hanggang sa maging sila noong high school. Naalala nya yung panahong papasok at pauwi sila galing eskwela kasama ang mga kaibigan nila na aasarin at tutuksuhin sila ng mga ito dahil sa sweetness nila. Naisip nya walang perfect relationship pero para sa kanya napaka perpekto ng relasyon nila. May usapan pa sila na kapag nakagraduate ng college at nagkaroon ng stable job ay magpapakasal na sila. Sobra nyang minahal si Reymund na halos karugtong ito ng buhay nya. Ngayon hindi nya alam kung paano sya magsisimula na wala na si Reymund sa kanya. Nagdaan ang mga araw na puro pagiyak lang ang ginagawa ni Ana. Hirap na hirap syang mag move on. Sa gabi makakatulugan nya ang pag iyak biglang magigising ng madaling araw na iiyak uli at gigising sa umaga at pag iyak ang unang gagawin. Hindi din tumigil si Reymund na suyuin at humingi ng tawad sa kanya. Madalas ito magtxt at tumawag sa kanya pero hindi nya ito sinasagot. Blinock din nya ito sa f*******:. Parati syang inaabangan nito sa tuwing lalabas ng bahay pero hindi nya ito pinapansin. Pati sa pagpasok at pauwi sa school ay hindi pa din ito tumigil sa pagsabay sa kanya. May time na sinasadya nyang pumasok ng maaga para hindi makasabay sa kanya si Reymund at sa school naman ay sa ibang gate sya dadaan para hindi sya nito makita. Sa sobrang kainisan nya sa madalas na pagbuntot ni Reymund sa kanya sinabi na nya sa pamilya nya ang sitwasyon nila. Akmang susugod ang mga kuya nya sa bahay nito pero pinigilan ng mama nya. "Huwag nyo na dagdagan ang problema nila. Huwag na kayo makealam sa dalawa" sabi ng mama nya sa mga kuya nya. Kinabukasan pagdating nya sa bahay galing sa school. Narinig nya ang mga usapan at tawanan ng mga kuya nya sa terrace naisip nya na nagiinuman na naman ang mga ito. Pagsilip nya sa terrace ay nandoon din si Reymund. Kahapon lang ay galit na galit ang mga kuya nya at susugurin pa si Reymund sa bahay nila pero ngayon parang walang nangyari at ang sasaya pa nila. Sa isip isip nya ay napakarupok ng mga kuya nya. Pagsilip nya ay nakita sya ng Kuya Erick nya. "Aning halika dito!" tawag sa kanya ng kuya nya. Napatingin sya kay Reymund at nakatingin ito sa kanya. Imbes sumunod sa kuya ay umalis sya doon at akmang papasok na sa kwarto nya ng pigilan ng Kuya. "Aning magusap nga kayo ni Reymund. Kayo ha isa sa usapan natin dati na hindi kayo maghihiwalay. Ayusin nyo yung problema nyo" sabi ng Kuya Erick nya. "Eh diba isa din sa rules mo dati na huwag akong sasaktan at paiiyakin ng taong yan at binalaan nyo pa na kapag ginawa nya yun may paglalagyan ang lalake na yan!" naiinis na sagot ni Ana. "Aning nakausap na namin sya naintindihan ko rin naman yung sitwasyon nya na hindi nya napigilan ang tukso dahil yung babae ang parating lapit ng lapit sa kanya. Eh nagsyota ka ng gwapo eh. Magbigay ka naman ng second chance sa tao. Sa limang taon nyo nakita ko naman na mahal ka talaga nya. Sunud sunuran nga sa lahat ng gusto mo eh. Ngayon lang naman sya nagkamali at nagsisisi na sya. Patawarin mo na." Sabi nito. "Kuya nakipag s*x sya sa ibang babae. Kung hindi ko sya nahuli patuloy nya kong pagmumukaing tanga. Dapat ako yung kinakampihan nyo eh hindi yung manloloko na yan." Galit na sabi ni Ana sa kapatid. Samantala sa terrace rinig na rinig ni Reymund ang pinaguusapan ng magkapatid. Naisip nya na sobra sobra ang galit ni Ana sa kanya. Sumunod na araw pinilit sya ng mama nya na dalhan ng pagkain si Reymund. Pagpasok nya sa bahay nito nakita nya si Reymund na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv bigla itong napangiti pagkakita sa kanya. Dire diretso si Ana hanggang sa dining table at nilapag doon ang pagkain. Sumunod si Reymund at niyakap sya sa likuran. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa bewang nya. "Love ayusin na natin to. Mahal na mahal kita. Para kong mamamatay sa araw araw na hindi kita kasama. Pinagsisisihan ko na yung ginawa ko. Please naman." Sabi nito sabay halik sa leeg nya. Biglang umiwas si Ana at pinipilit tanggalin ang mga braso ni Reymund na nakapulupot sa bewang nya. Maya maya ay hinarap sya ni Reymund at niyakap ng mahigpit. "Miss na miss na kita love" sabi nito sabay halik sa labi nya. Nagpupumiglas si Ana pero mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Reymund. Hanggang nadala sya sa halik nito. Maya maya ay naramdaman nya ang mga kamay nito na humahaplos sa katawan nya. Bigla nyang naalala ang picture ni Reymund at Monique na magkasama sa kama at nabuhay na naman ang galit nya dito. Tinulak nya si Reymund. At nagtatakbo. Napasuntok na lang si Reymund sa pader. Naisip niya na sobra sobra talaga ang galit sa kanya ni Ana na hindi nito kayang patawarin sya. Hindi niya alam kung ano pa bang dapat gawin. Ang alam lang niya ay hindi niya susukuan si Ana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD