Pagkaraan ng 3 taon
Excited si Ana dahil uuwi na ang bestfriend na si Suzet. Nagleave sya sa work para makasama sa pamilya ni Suzet sa pagsundo dito. Isa na syang CPA sa isang branch ng bangko sa Makati.
Tinext nya si Dexter kung makakasama ito sa pagsundo "Hindi eh may duty pa ko mamaya pang hapon ang out ko pupunta na lang ako sa bahay nila Suzet mamaya" sabi ni Dexter na isa ng pulis.
Binasa din nya ang message ni Marc "may business meeting pa kami ni Darwin try namin kung makapunta kami mamayang hapon" sabi ni Marc na isa ng CEO sa sarili nyang real estate company. Si Darwin naman ay isa ng architect.
Naisip nya si Reymund. Ngayon may sarili na rin syang bar sa Canada. Nagkakausap din sila ni Reymund pero bihira lang ito. Noong pag alis nito papuntang Canada pakiramdam nya ay para syang mababaliw sa sobrang sakit na naramdaman nya. Puro pag iyak lang ang ginagawa nya. Bigla syang nagsisisi kung bakit hindi nya ito binigyan ng second chance. Naisip nya kung binigyan nya sana ito ng pangalawang pagkakataon edi sana ay hindi ito aalis papuntang Canada at magkasama pa rin sila. Sa isip isip nya noon ay nasa huli talaga ang pagsisisi.
Pagkakita kay Suzet sa airport.
"Besss" sabay yakap kay Ana. "Bes i miss you. Nag leave ako sa work para masundo ka" sabi ni Ana na naiiyak.
Habang nasa sasakyan ay nagkukwento si Ana "si Dexter pupunta nlng daw sa bahay nyo mamaya may duty kasi kaya hindi makasama. Si Marc at Darwin may business meeting daw pero pupunta din sa bahay nyo mamaya"
Sa bahay nila suzet nang kinahapunan ay dumating si Dexter. "Grabe Dexter ang astig ng dating natin ah" pagkakita ni Suzet kay Dexter na naka uniform ng pulis.
"Hay naku ilang babae na ang napaiyak nyan sa unipormeng yan" natatawang sabi ni Ana
"Huy grabe ako nga ang napapaiyak nila eh" sabi ni Dexter
"I miss you Dexter" sabay yakap ni Suzet sa kaibigan.
"I miss you too Zet. Dumaan na ba si Darwin dito" sabay sabi ni Dexter
"Hindi pa" sabi Suzet na may paglundag uli ng puso pagkarinig sa pangalan nito
Maya maya ay nag message si Marc sa group chat nila na hindi sila makakapunta ni Darwin dahil naextend hanggang kinabukasan ang business meeting nila sa tagaytay. Sinabi nito na mag aarrange nlng sya ng welcome party para kay Suzet.
"Iba na talaga ang mga kaibigan nating ito kailangan magpa appointment schedule ka muna sa kanila kung may commitment ka parating hectic ang schedule eh" sabi ni Ana
"Sinabi mo pa mga bigating business tycoon ang mga nakakameeting pa nila minsan eh" sabi ni dexter.
Pagkaraan ng ilang araw ay nag arrange si Darwin ng welcome back party para kay Suzet. Masaya ang magkakaibigan ng mga oras na yun dahil magkakasama na naman sila. Maya maya ay naisipan nilang ivideo call si Reymund.
"Hi guys" sabi ni Reymund.
"Hi Reymund sabay kaway ng magkakaibigan kay reymund."
Maya maya ay sinadya ni Dexter na ifocus kay Ana ang camera para tuksuhin ang dalawa.
"Ano ka ba Dexter" sabay kurot nito sa tagiliran ni Dexter. Sabay tawanan ng magkakaibigan.
"Mag hi naman kayo sa isa't isa. Parang wala kayong pinagsamahan eh" sabi ni Dexter.
"Nag hi na nga ako kanina" sabi ng naiilang na si Ana
"Hi Ana" sabi ni Reymund
"Wala bang i miss you" sabi ni Marc. Sabay tawanan nila.
Nagkuwento si Reymund na baka makauwi ito sa Pilipinas para magtayo ng sarili nyang bar dito.
"Wow talaga" sabi ni Suzet. "Maganda yan Reymund dito ka na lang uli sa Pilipinas miss ka na namin" sabi pa nito.
"Hindi pa naman sure sana nga matuloy" sabi ni Reymund.
"Pre yung canadian ko ha" sabi ni Dexter.
"Sige pare akong bahala sayo" sabi ng natatawang si Reymund.
"Ikaw Ana wala ka bang sasabihin?" Sabi ni Darwin
"Oo nga diba tinatanong mo ko nung nakaraan kung sila pa rin nung Terry" sabi ni Dexter sabay batok ni Ana dito
"Wala ako tinatanong sayo ha" sabi ni Ana na nagbablush ng mga oras na yun.
"Bakit ka namumula" panunukso ni Marc. Sabay tawanan ng magkakaibigan.
"Ewan ko sa inyo" sabi ni Ana na panay ang inom ng alak.
"Huyy huwag nyo masyado painumin si Ana tsaka ihatid nyo yan sa bahay pag uwi" sabi ni Reymund na nangingiti.
"Sige pre ako bahala dito. Baka magulat kami biglang makarating to ng canada eh." Sabi ni Dexter sabay tawanan ng magkakaibigan.
Masayang masaya ang magkakaibigan ng oras na yun dahil nakumpleto uli sila.
Nang pauwi na, kay Dexter sumabay si Ana para magkaroon ng time si Darwin at Suzet na masolo ang isa't isa. Alam nilang miss na miss ng dalawa ang isa't isa kaya ayaw nya na istorbohin ang mga ito.
Kinagabihan hindi makatulog si Ana naisip nya yung sinabi ni Reymund na baka umuwi ito at dito na pumirmi sa Pilipinas para magtayo ng sarili nyang bar. Bigla syang nakaramdam ng kasiyahan sa puso nya na makikita nya uli ito.
Maya maya ay napaisip din sya dahil noong nakaraang taon ay nagkaroon ito ng gf sa Canada. Naalala nya yung araw na yun habang nagfe f*******: sya ay bigla nyang nakita sa newsfeed ang updated relationship status nito na in a relationship sa isang babae. Nakaramdam noon ng sakit ng kalooban si Ana pero naisip nya ay masaya na rin sya para kay Reymund at nakahanap ito ng bagong mamahalin.
Pagkaraan ng ilang linggo birthday ni Marc at ginanap ito sa isang hotel sa Makati.
Enggrande ang selebrasyon nito dahil isinabay sa launching ng isa sa mga proyekto nya. Magkasabay sila Suzet at Ana na pumunta sa venue. Dahil isa itong formal event naka long gown sila at naka pustura. Dahil business partner si Marc at Darwin ay busyng busy din si Darwin sa pag entertain ng mga guest. Iba ibang personality ang mga nakikita nila na guest sa event na iyon. Merong model, artista, business tycoon at politician.
"Iba talaga si Darwin kanina yung artistang si Sue ang kausap ngayon nman beauty queen" sabi ni Dexter
Maya maya ay lumapit sa kanila si Darwin "guys okay lang kayo dito" tanong ni Darwin sa kanila
"Pre pakilala mo naman ako kay Sue" - Dexter
"Sige pre pero takot sa pulis yun " natatawang sabi ni Darwin
Maya maya ay umupo sa tabi ni Suzet si Darwin.
"Okay ka lang may gusto ka pa kainin. Gusto mo kuhaan kita?" Sabi ni Darwin kay Suzet
"No. Okay na ko" sabi ni Suzet
"Darwin" napalingon sila pagkarinig sa babaeng tumatawag kay Darwin.
"Oh. Hi akala ko hindi ka na makakapunta eh" sabi ni Darwin sabay tayo at nag beso sa babae.
Namukhaan ni Suzet ang babaeng kausap ni Darwin. Si Nicole na ex ni Darwin. Yung babaeng nakita nya noon na kasama ni Darwin sa condo unit. Maya maya ay pinakilala sa kanila ni Darwin si Nicole.
"Guys one of my client. Si Nicole. Mga friends ko" sabi ni Darwin
"Hi" sabay na sabi ni Ana at Dexter. Si Suzet ay panay ang inom ng wine at dedma lang sa nangyayari.
Maya maya ay nalasing si Suzet kaya nagpasya silang iuwi na ito sa bahay. Habang nasa sasakyan ay nag oopen ito ng feelings nya kay Darwin.
"Hayy kawawa naman ang bff ko hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman nya hindi kasi sya nagkukwento sakin eh" sabi ni Ana
"Besss ang sakit sakit bes ang tagal kong minahal si Darwin tapos sinaktan nya ko kaya napilitan akong pumunta ng US para makalimutan ang ginawa nya sakin pero habang nandoon ako sya lagi ang nasa isip ko miss na miss ko sya narealize ko na mahal na mahal ko talaga sya pero paguwi ko dito hindi pa din sya nagbabago nililito pa rin nya ko sa mga kilos nya hindi ko alam kung may nararamdaman pa din sya sakin o pinapaasa nya na naman ako. Tapos may Nicole pala sya. Binalikan nya na pala yung Nicole na yun. Bakit hindi nlng ako. Bess ang sakit sakit" Humahagulgol si Suzet ng iyak habang nakayakap kay Ana.
"Yan kakatago mo ng feelings yan. Sabi ko sayo kahit dati pa galingan mo ang pagtatago ng feelings mo kay Darwin kasi halatang halata ka" sabay tawa ni Dexter ng malakas.
"Huyy Darwin ngingiti ngiti ka jan. Ito na yung sign na hinihintay mo alam mo na ang gagawin mo" sabi ni Ana ng makitang panay ang ngiti ni Darwin sa driver's seat.
"Pre alam nyo naman kung gaano ko kamahal si Suzet kahit dati pa ang gago ko lang talaga na tumingin ako sa iba." Sabi ni Darwin na napapahampas sa manibela.
"Naintindihan naman kita dun pre eh ayaw paligawan ng magulang alangan magpakabulok ka hanggang 21 years old" sabi ni Dexter.
"Basta ngayon pa lang pre ikocongrats na kita" sabi ni Dexter na tinatapik sa balikat si Darwin habang nagmamaneho.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ay panay ang salita ni Suzet. Binuhat sya ni Darwin hanggang sa kwarto.
Bago sila umalis ng bahay ay sinabihan sila ni Darwin na huwag muna ipaalam kay Suzet na nandoon sya ng mga oras na yun dahil iiwasan sya nito.
"Darwin mahal na mahal ka talaga ni Suzet. Masaya ko para sa inyo" sabi ni Ana kay Darwin pagkalabas nila ng bahay ni Suzet.
Ilang araw ang nagdaan. Masaya ang lahat sa balitang magpapakasal na si Darwin at Suzet.
"Congrats bes masaya ko para sa inyo" naiiyak na sabi ni Ana habang yakap si Suzet.
"Thank you bes. Alam mo na ha. Ikaw ang maid of honor ko" sabi ni Suzet sa kanya.
"Mga brad kayo ang best man ha." Sabi ni Darwin kay Marc at Dexter. Pati si Reymund nakausap ko na sya uuwi daw sya." Sabi pa nito.
"Talaga beb uuwi si Reymund" masayang sabi ni Suzet.
Masayang masaya si Ana dahil ikakasal na si Darwin at Suzet. At masaya sya dahil uuwi si Reymund.
Pagkaraan ng ilang buwan
Habang nakasakay sa taxi pauwi si Ana. Naisip nya na next week ay ikakasal na si Darwin at Suzet at dalawang araw bago yun ay uuwi si Reymund. Bigla syang naexcite sa isiping malapit na nya makita si Reymund.
Pagkababa nya ng taxi ay napatingin sya sa bahay nila Reymund. Bukas ang ilaw nito. Naisip ni Ana na siguro nandoon ang tita ni Reymund para mag ayos. Pagkapasok sa bahay ay narinig nya ang mga kuya nya na nagtatawanan sa terrace naisip nya na nagiinuman ang mga ito. May asawa na ang kuya nyang panganay at pangalawa at may kanya kanya na itong bahay. Umuuwi lang sila sa kanila tuwing weekend kasama ang asawa at mga anak.
"Daniella, Stefany nasaan na ang mga pamangkin kong nagmana sa tita ng kagandahan" sigaw nito sa bahay.
Hinanap nya ito sa sala at sa kusina ngunit wala ang mga ito. Naisip nya na baka nasa terrace. Bago makarating sa terrace ay nasalubong nya ang Kuya Erick nya.
"Aning nauna na si Suzet na magpakasal. Eh ikaw matanda ka na wala ka naman siguro planong magpaka matandang dalaga" sabi ng Kuya Erick nya.
"Kuya 27 pa lang ako bata pa ko kung makasabi ka naman ng matanda eh" sabi nya sa kuya nya.
"Weeehhh samantalang nung naging kayo ni Reymund 15 years old ka pa lang parati mong sinasabi na matanda ka na" sabi ng Kuya Carl nya sabay tawanan ng mga kuya nya.
"Hay naku ewan ko sa inyo nasan na ba yung mga pamangkin ko" sabay pasok nya sa terrace.
Nakita nya si Stefany na naglalaro ng doll house.
Maya maya mula sa likuran ay tinawag sya ni Daniella
"Tita pretty" sabi ni Daniela. Sabay lingon ni Ana sa likuran. Nabigla at parang tumalon ang puso nya pagkakita dito na karga karga ni Reymund.
Nakangiti si Reymund habang papalapit sa kanya.