Nakangiti si Reymund habang papalapit sa kanya.
"Hi" bati nito.
"Tita pretty" sabay abot ni Daniela ng kamay kay Ana para dito naman magpakarga. Kinuha ito ni Ana.
"Hi Reymund. Nandito ka na. Akala ko next week ka pa uuwi?" sabi ni Ana na biglang nakaramdam ng pagka ilang dito.
"Kung makatanong ka parang ayaw mo umuwi dito si Reymund eh noh" sabi ni Kuya Ethan nya
"Hindi. Excited nga yan eh ayaw lang magpahalata" sabi ng Kuya Carl nya sabay tawa.
"Ewan ko sa inyo" naiirita nyang sabi sa mga kuya nya.
"Naexcite kasi ko umuwi kaya hindi ko na pinatagal" sabi ni Reymund na nakatitig sa kanya.
"Oh narinig mo. Naexcite makita ka kaya hindi na pinatagal" sabi ng Kuya Erick nya.
Sabay tawanan ng mga kuya. Pati si Reymund ay nahawa na din sa pagtawa sa mga kuya ni Ana.
"Hay naku ewan ko sa inyo" Kinuha nya ang dalawang bata sabay alis sa terrace.
Pumasok na lang sya sa kwarto nya.
"Nandito na si Reymund" sa isip isip nya. Excited sya makita ito pero hindi nya expect na ngayong araw. 5 taon na ang nakaraan mula ng huli nya itong makita. Sa isip isip nya ay ang laki ng pinagbago nito. Lalakeng lalake na ang dating nito at lalo syang gumwapo.
Habang nagtatanggal sya ng makeup ay lumapit si Daniella.
"Tita pretty, i've found my prince charming." Biglang natawa si Ana sa narinig. Naisip nya madalas kasi sya magkwento ng tungkol sa mga princess at prince dito kaya siguro nito naisip yun.
"Where's your prince charming?" Tanong uli ni Ana.
"on the terrace, he is so big and handsome." Natawa sya dahil si Reymund ang tinutukoy nito.
"But a long long time ago he's my prince." sabi nya dito habang nagpapahid ng moisturizer sa mukha.
Pagtingin nya sa likod ay biglang nawala si Daniella. Maya maya ay naririnig nya ang boses nito sa terrace. Dali dali syang nagpunta doon. Iniisip nya na madaldal ang pamangkin nya na yun at baka sabihin kila Reymund.
Pagdating nya sa terrace ay nakita nya si Daniella na nakakandong kay Reymund at nagtatawanan ang mga kuya nya.
"Ikaw talaga Aning kung ano ano tinuturo mo sa bata." Sabi ni Kuya carl nya.
"Wala ako tinuturo sa kanya nag story telling lang kami" sabi ni Suzet sabay tawag kay Daniella.
"Daniella come here" tawag nito sa bata.
"No. He is my prince not yours!" Sabi ni Daniella
"Manang mana talaga sayo yang pamangkin mo" sabi ng Kuya Erick nya. "Pati yung tipo sa lalake pareho eh" at nagtawanan sila pati si Reymund.
Bumalik na lang si Ana sa kwarto. Sa isip isip nya kung bakit nasabi pa nya yun kay Daniella.
Maya maya ay bumalik si Daniella. "Naku Ikaw talagang bata ka napakadaldal mo manang mana ka sa tatay mo?" Naiinis na sabi ni Ana.
"Tita pretty the prince said i'm so beautiful like you"
"Ha talaga sinabi nya yun" napangiti si Ana at biglang kinilig sa narinig.
Maya maya ay pumasok sa kwarto ang hipag nyang asawa ng kuya Erick nya at tinawag na si Daniella. "Daniella let's go home na" sabi nito kau Daniella
"Uwi na kayo ate" tanong ni Ana.
"Oo anong oras na eh" sabi nito.
Lumabas si Ana karga karga so daniella. Pagkalabas nakita nya si Reymund na kausap ang kuya Erick nya.
"Bye tita. Bye Mamu". Paalam sa kanya at sa mama nya ni Daniella habang pasakay sa kotse.
"Bye" sabay kaway nya kay Daniella
"Bye tito prince" paalam din nito kay Reymund.
"Bye beautiful" sabi ni Reymund
"Reymund pasensya ka na kadarating mo pa lang nahila ka kaagad sa inuman" sabi ng mama ni Ana
"Okay lang po tita" sabi ni Reymund.
"Oh sige pasok na ko sa loob. Aning tulungan mo nga si Reymund mag ayos ng mga gamit nya" sabi ng mama nya sabay pasok sa loob ng bahay
"Kadarating mo lang? " Tanong ni ana.
"Siguro may isang oras bago ka dumating" sabi ni Reymund "eh pagbaba ko sa taxi nakita ako ng mga kuya mo kaya tinawag ako. Pinasok ko lang mga gamit ko sa bahay. Pumunta na ko sa inyo"
"Ah ganon ba. Tulungan kita mag ayos" sabi ni ana.
"Hindi na. Padating na din si Tita nabigla nga eh akala next week pa ko uuwi." Sabi ni Reymund.
"Akala ko din next week ka pa. Alam na ba nila Dexter na nandito ka na?"tanong ni Ana.
"Hindi ko pa natext. Bukas na siguro. May jetlag pa ko masakit ang ulo ko".
"Gusto mo ng gamot. Kuhaan kita wait lang" akmang tatalikod si Ana ng pigilan ni Reymund. Hinawakan nito ang braso nya. Feeling ni Ana ay para syang nakuryente sa hawak nito. Napatingin si Ana sa kamay ni Reymund ganun din si reymund at bigla itong napabitiw.
"Siguro ipapahinga ko na lang to. Jetlag lang to eh" sabi ni Reymund na nakatitig sa kanya.
"Ah sige magpahinga ka na. Bye" naiilang na sabi ni Ana sabay ngiti.
"Ok see you tomorrow" sabi ni Reymund.
"Okay" sabay pasok ni Ana sa gate.
Bago isara ni Ana ang gate ay nakita nyang tumalikod na si Reymund papunta sa bahay nila.
Pagkapasok ni Ana sa kwarto. Napatingin sya sa braso nyang hinawakan ni Reymund. Feeling nya ay bumalik yung panahon na high school pa lang sila at kinikilig sya sa tuwing napapahawak sya kay Reymund. Napangiti na lang si Ana. "Hay ano ba tong iniisip ko" sabi nya sa sarili nya. Humiga na lang sya sa kama at nagcellphone.
Pagpasok ni Reymund sa bahay naisip nya munang maligo. Pagkatapos maligo habang nagpupunas ng towel sa basang buhok ay naisip nya si Ana.
Habang nasa terrace sya nila Ana kanina ay napatingin sya sa nakahintong taxi sa tapat ng bahay. Naisip ni Reymund na si Ana ang sakay nito. Maya maya ay nakita nya itong bumaba. Pinagmamasdan nya ang bawat kilos nito. Nakita nyang tumingin ito sa bahay nila. Naisip nya marahil nagtataka ito kung bakit nakasindi ang ilaw ng bahay nila. Wala itong kaalam alam na ngayon ang uwi nya galing Canada.
Maya maya ay narinig na nya ang boses nito na tinatawag ang mga pamangkin nya. Napangiti sya pagkarinig sa boses nito. Naisip nya 5 taon nyang hindi narinig ang tinig nito. Narinig nya ang usapan nito at ng kuya nya.
"Aning nauna na si Suzet na magpakasal. Eh ikaw matanda ka na wala ka naman siguro planong magpaka matandang dalaga" sabi ng Kuya Erick nya.
"Kuya 27 pa lang ako bata pa ko kung makasabi ka naman ng matanda eh" sabi nya sa kuya nya.
"Weeehhh samantalang nung naging kayo ni Reymund 15 years old ka pa lang parati mong sinasabi na matanda ka na" sabi ng Kuya Carl nya sabay tawanan ng mga kuya nya.
Naisip nya namiss nya ang mga reaksyon ni Ana sa tuwing inaasar ng mga kuya niya .
Maya maya ay nagpakarga sa kanya si Daniella. "you're so beautiful like your tita" sabi niya kay Daniella.
Maya maya ay pumasok na si Ana sa terrace. Tinawag sya ni Daniella at napalingon sa kinaroroonan nila. Napangiti na lang si Reymund pagkakita sa magandang mukha ni Ana.
Pagkatapos maligo ni Reymund pumunta sya sa terrace at nagsindi ng yosi. Dati ay bihira lang sya magyosi sa tuwing nakikita kasi sya noon ni Ana ay nagagalit ito. Pero nung natira sya sa canada sa tuwing nakakaramdam sya ng lungkot at depress magyosi lang sya ay gumagaan ang pakiramdam nya. Nakamasid sya sa bahay nila Ana nakita nya ito mula sa bintana na palakad lakad. Napapangiti sya habang pinagmamasdan ito.
Maya maya ay nagchat si Terry na kaibigan at naging karelasyon nya sa Canada. Nangamusta ito kung nakauwi na sya sa bahay. Nireplyan nya ito. Si Terry ang una nyang naging kaibigan sa Canada migrated na din ito at pamilya doon. Kaibigan ito ng pinsan nya at nakatira lang din malapit sa bahay nila sa Canada. Sa tuwing kasama nya ito naaalala nya si Ana dito dahil pareho sila ng personality na masayahin at madaling makagaanan ng loob. Alam nito ang tungkol kay Ana dahil noong minsan na napainom sya at nalasing ay naglabas sya dito ng sama ng loob at lungkot na nararamdaman dahil hindi na nya kasama si Ana. Tatlong taon na sya noon sa Canada ng minsan nag inuman at nalasing sila ni Terry at may nangyari sa kanila. Kinabukasan nagulat na lang sya na nagupdate na ito sa f*******: ng relationship status nila na in a relationship. Dahil nagustuhan din naman nya si terry ay pumayag na din sya. Noong nagpasya syang uuwi na sa pinas ay kinausap nya si Terry na maghiwalay na sila. Sinabi nya dito ang plano nya na magbusiness ng bar sa pinas kaya baka hindi na makabalik sa Canada at mag stay na lang sa Pilipinas. Noong una ay ayaw nito pumayag at nag iiyak. Nang nagtagal ay natanggap din nya.