Pauwi na si Ana sa trabaho. Habang nagreretouch sa CR ng bangko na pinagtatrabahuan nya ay naririnig nya ang usapan ng mga kasamahan nya.
"Grabe ang gwapo noh kamukha nya yung bida sa K-drama na twenty five twenty one" sabi ni Ethel na bank teller.
"Oo nga sino kaya hinhintay nun ang swerte naman ng gf nun" sabi ni Grace na isa ding teller.
"Huy anu yang gwapo gwapo na naririnig ko" sabi ni Ana na nangingiti.
"May naghihintay na gwapo sa labas parang may susunduin." Sabi ni Ethel.
"Oh sige na mauna na ko malamang ako ang hinihintay nun" birong sabi ni Ana sabay tawa.
Paglabas nya ng bangko. "Ana" tawag sa kanya ni Reymund.
Pag lingon nya parang nalaglag ang puso nya pagkakita kay Reymund. Naisip nya na ito siguro ang pinaguusapan ng mga kasamahan nya. "Sh*t ang gwapo nga" sa isip isip ni Ana.
"Anong ginagawa mo dito. Pano mo nalaman to" tanong ni Ana.
"Nagtanong ako sa mama mo" sabi ni Reymund. "Tara" sabay lapit nito sa kotse nya.
"May kotse ka?""takang tanong ni Ana.
"Oo binili ko ngayon lang. Dito ako dumiretso. Gusto ko ikaw ang unang angkas ko eh" sabi ni Reymund na nakangiti habang pinagbubuksan sya ng pinto ng kotse.
Bago pumasok ay napatingin si Ana sa mga kausap nya kanina sa cr at mga nakangiti ito sa kanya.
Pagsakay ni Reymund ay lumapit sya pwesto ni Ana para ayusin ang seat belt nito
"Reymund huwag" sabi ni Ana sabay takip ng kamay sa labi nya. Akala nya ay hahalikan sya nito ng biglang ilapit ang mukha sa kanya.
"Anong huwag. Aayusin ko lang seatbelt mo eh. Advance ka mag isip." Nangingiting sabi ni Reymund sa kanya.
"Ha wala naman akong iniisip eh" sabi ni Ana na biglang nagblush.
"Teka marunong ka ba magdrive ng kotse" tanong ni Ana.
"Hindi. Now ko pa lang itatry" sabay tawa ni Reymund.
"Naku". Biglang napakapit si Ana sa handle na nasa bandang ulunan nya.
"Joke lang. Syempre marunong ako. Sa canada may sasakyan din ako mahirap kasi doon kapag commute kaya kailangan may sarili kang sasakyan" sabi ni Reymund.
"Mag dinner muna tayo" maya maya ay sabi ni Reymund. "Anong gusto mo kainin"
"Bahala ka na" sabi ni Ana.
"Hindi ka pa rin nagbabago sa 'bahala ka na' gaya dati kapag may binili ako aawayin mo ko dahil ayaw mo." Sabi ni Reymund na nangingiti
Natawa din bigla si Ana. "Minsan lang naman mangyari yun."
"Minsan sa isang araw" sabi ni Reymund
Nagtawanan sila pareho.
Sa isang korean restaurant sila kumain. Noong sila pa ay mahilig sila kumain ng samgyupsal kaya doon dinala ni Reymund si Ana.
"Grabe namiss ko to. Iniwasan ko na kumain ng ganito mula ng maghiwalay..." Hindi naituloy ni Ana ang sasabihin nyang 'maghiwalay tayo' dahil naisip nya na awkward.
"Sa canada madalas ako kumain ng ganito pakiramdam ko kasi kasama kita pag kumakain ako nito" sabi ni Reymund na napangiti.
"Grabe ang anghang" sabi ni Ana na biglang pinagpawisan. Pinunasan naman ni Reymund ang pawis nya.
Biglang natense si Ana habang pinupunasan ni Reymund ang pawis sa noo nya. Naisip nya hindi pa din ito nagbabago sa pagiging caring sa kanya.
Maya maya ay biglang nag ring ang phone ni Ana na nasa table. Nakita nya na tumatawag si Joeff kinancel ito ni Ana at tinago sa bag ang cellphone. Si Joeff yung boyfriend nya dati. Isa itong internal auditor sa bangko din na pinagtatrabahuan nya pero sa main office ito naka aassign at paminsan minsan ay nagpupunta sa branch nila para mag audit. Nagkagulatan sila noong unang beses na nagpunta sa branch nila si Joeff. Nagpahiwatig si Joeff ng pagkagusto uli kay Ana ngunit nagsabi si Ana dito na maging magkaibigan na lang sila.
Nakita ni Reymund ang name na nagregister sa caller ni Ana. Naisip nya kung sila pa rin ba ni Joeff dahil alam nya ay walang bf ngayon si Ana. Maya maya ay nagtanong ito.
"Sino yun? Si Joeff ba yan na bf mo dati? Diretsong tanong ni Reymund na nakaramdam ng selos.
"Ha oo. Magkatrabaho kami pero sa main office sya naka assign. Once a month sya nagpupunta sa branch namin para mag audit." Sabi ni Ana na biglang natense.
"Small world kayo ha" sabi ni Reymund sa sarcasm na tinig.
Napatingin si Ana sa reaksyon ng mukha ni Reymund. Sa isip isip nya ganito ang itsura nya sa tuwing nagseselos kapag may kausap syang ibang lalake o may nagpapapansin sa kanya sa school. Sa sobrang seloso nito kahit sila Dexter na kaibigan nila ay ayaw nyang nakikita na masyadong dumidikit kay Ana.
Sa isip isip ni Ana ay hindi kaya may nararamdaman pa din ito sa kanya. Bigla nyang naalala yung relationship status nito sa f*******:. Sa isip isip nya ay hindi naman nagkukwento si Reymund ng tungkol doon. Sa tuwing nakaka video call nilang magkakaibigan ito nung nasa canada pa kapag binibiro nila Dexter ng tungkol doon ay ngumingiti lang ito. Kahit kailan ay hindi ito nag open sa kanila ng tungkol sa naging gf nya kaya hindi nya alam kung sila pa rin nung babae o hindi na.
Maya maya ay umalis na sila sa restaurant. Habang nasa byahe pauwi ay tahimik ito. Sa isip isip nya ay ganitong ganito ito sa tuwing nagseselos biglang hindi na lang nagsasalita. Kailangan pa nya lambingin para pansinin sya.
"Reymund si Joeff magkaibigan na lang kami ngayon. Hindi kami at wala naman akong gusto sa kanya". sabi ni Ana biglang naisip niya hindi naman nagtatanong si Reymund eh bakit ba sya nagpapaliwanag pano kung wala naman itong pakialam.
"Hah" biglang sabi ni Reymund. Maya maya ay napapangiti ito. "okay sabi mo eh" sabi pa nito na napatingin sa kanya.
Maya maya ay bigla ng nag iba ang mood nito. Nagkukwento ito ng tungkol sa plano nyang itayo na bar.
"Reymund kapag ba okay na yang bar business mo dito hindi ka na babalik sa Canada" tanong ni Suzet.
"Bakit gusto mo na ba ko pabalikin sa Canada" sagot ni Reymund. "Wala na ko balak bumalik doon. Yung bar ko dun si James na ang nag manage" sabi ni Reymund na ang tinutukoy ay ang kapatid nyang bunso.
"Pero kung pinapaalis mo na ko edi hindi ko na itutuloy yung plano ko dito" nangingiting sabi ni Reymund.
"Grabe ka naman tinatanong ko lang. Syempre lahat kaming mga kaibigan mo mas gusto namin na nandito ka" sabi ni Ana na natuwa sa narinig na hindi na ito babalik sa Canada.
Maya maya ay nakarating na sila sa bahay. Pagkahinto ni Reymund ng kotse sa tapat ng bahay nila Ana. Tatanggalin na sana ni Ana ang seatbelt ng pigilan ni Reymund. "Oooppss wait lang wag ka gagalaw" sabay labas nito sa sasakyan at sya ang nagtanggal ng seatbelt ni Ana.
"Prince charming diba" sabi ni Reymund na nangingiti habang inaalalayan pa sya sa paglabas ng kotse.
Biglang naalala ni Ana yung sinabi nya kay Daniella na Prince charming nya si Reymund.
"Salamat Reymund ha" nakangiting sabi ni Ana.
"Salamat din. Bukas uli" sabi ni Reymund sabay pasok sa kotse at pinaandar ito para ipark naman sa loob ng bahay nya.
Nangingiti si Ana habang papunta sa kwarto nya sa sinabi ni Reymund na bukas uli.
Kinabukasan ay sinundo uli sya ni Reymund. Ilang araw na naulit pa ito.
Isang araw nagkita kita silang magkakaibigan sa isang restaurant sa greenbelt. Nagulat ang mga ito na sabay silang dumating ni Reymund.
"Ano yan ha kayo na uli?" Natutuwang tanong ni Suzet kay Ana.
"Nangangamoy kasalan na naman ah" biro ni Marc sa kanila.
"Ano bang latest. Magkwento naman kayong dalawa" sabi ni Dexter.
"Wala" nagingiting sabi ni Ana.
"Magbalikan na kasi kayo pareho naman kayong single eh" sabi ni Suzet maya maya ay naalala nito yung relationship status ni Reymund sa f*******: sa nagngangalang Terri.
"Ay single nga ba Reymund. Sino yung Terri?" Diretsong tanong ni Suzet. Biglang natahimik ang lahat at napatingin kay Reymund.
"Naging kami dati. Naghiwalay kami bago ko umalis sa Canada." Sabi ni Reymund sabay sulyap kay Ana na umiinom ng iced tea.
"Yun naman pala Ana nasagot na yung lagi mong tinatanong sakin ha" biro ni Dexter kay ana.
"Wala naman akong tinatanong sayo eh bwisit ka" natatawang sabi nito kay Dexter sabay hablot sa buhok nito.
"Pati yung baby ko natutuwa sumisipa sya." Sabi ni Suzet na hinihimas ang tyan. 5 months na itong preggy.
Hinawakan din ito ni Ana. "ang laki na ng tyan mo bes" natutuwa nitong sabi habang hinihimas ang tyan ni Suzet
"Huwag mo masyado himasin baka mahawa ka" sabi ni Darwin.
"Tama. Sige ka mabuntis ka din" sabi ni Marc sabay tawa.
"Ang dami nyo rin talagang alam ano" sabi ni Ana.
"Marami silang napagusapan ng oras na yun. Napag planuhan din nila na magbakasyon sa resort ng tita ni Ana sa batangas sa darating na weekend.
Habang nagkakasiyahan ay may tumawag kay Reymund. "Reymund" Napalingon sila lahat sa pinaggalingan ng boses. "Terri" sabay tayo ni Reymund. "Kailan ka dumating" sabi pa nito.
"Terri sya ba yung jowa ni Reymund sa Canada." Narinig ni Ana na tanong ni Suzet.
"Paupuin mo Reymund oh" sabi ni Dexter sabay ayos sa bakanteng upuan na nasa gitna nila ni Reymund.
"Sila ba yung friends mo na madalas mo ikwento sakin" tanong ni Terri habang nakatingin sa kanila.
"Oo. Guys si Terri." Sabi ni Reymund at isa isa silang pinakilala dito.
"Ah ikaw si Ana" sabi ni Terri ng ipakilala ni Reymund. "Alam mo curious na curious talaga ko sayo kasi noong mga unang araw nya sa Canada madalas to umiyak dahil..."biglang natigil ang pagkukwento ng sikuhin ni Reymund.
Masayahin at makwento si Terri kaya nadala na din ang magkakaibigan sa mga masasayang kwento nito tungkol sa mga naging buhay nila sa Canada.
Mga ilang minuto ay nagkayayaan ng umuwi.
Narinig ni Terri ang planong resort sa weekend.
"Sama ko" biglang sabi ni Terri.
Nagkatinginan bigla ang magkakaibigan.
"Sama ko Ana" nakangiting sabi ni Terri kay Ana
"Sige sumama ka" nakangiting sabi ni Ana.
Natuwa si Terri sa sinabi ni Ana. Maya maya ay nagpaalam na ito dahil magkikita sila ng pinsan nya. "Bye" paalam nito sa kanila.
"Nakakatuwa din eh. Kinabog Ana yung kadaldalan mo" pabirong sabi ni Dexter.
"Parang Ana 2.0. Kaya pala pre eh" natawang sabi ni Marc kay Reymund. Natawa lang din si Reymund.
Maya maya ay kanya kanya na silang nagsialisan
Habang nasa sasakyan.
"Okay din sya Reymund, mabait sya at masayang kasama" sabi ni Ana kay Reymund na ang tinutukoy ay si Terri.
"Oo" tipid na sagot ni Reymund
"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ni Ana.
"Babalik na kasi ko dito eh ayaw nya naman ng LDR kaya nagusap kami na maghiwalay na lang.
"Eh kung mag stay din sya dito."
"Hindi yun. Malabo yun. May trabaho sya sa Canada. Magbabakasyon lang yan ng ilang araw dito." Sabi ni Reymund.
"Malay mo sinundan ka nya kaya sya nandito." Sabi ni Ana.
Sa isip isip ni Reymund ay parang pinagtutulakan sya ni Ana kay Terri. Kaya hindi nya ito sinagot.
"Mahal mo pa?" Tanong ni Ana.
"Sino" tanong ni Reymund.
"Yung ex mo" tanong ni Ana.
"Yung ex ko" sabi ni Reymund sabay tingin kay Ana. "Oo. Mahal na mahal ko pa rin yung ex ko" sabi nito na nangingiti.
"Ganun ba bat hindi mo sya balikan malay mo mahal ka pa rin nya". Biglang nakaramdam ng kirot si Ana
"Sana nga. Pero parang nakalimot na talaga sya" sabi ni Reymund.
"Eh mukha namang may gusto pa din sya sayo" sabi ni Ana
"Hindi ko alam. Mahirap basahin yung utak nya" sabi ni Reymund
"Kausapin mo kaya para alam mo" sabi ni Ana.
"Naghihintay lang ako ng tamang tyempo. Kasi dati halos isuka na nya ko dahil sa ginawa ko sa kanya" Sabi ni Reymund na biglang nalungkot ng maalala yung nakaraan nila ni Ana.
"Ano ba ginawa mo?" Tanong ni Ana.
"Basta" sagot ni Reymund.
Sa isip isip ni Ana ay may pagmamahal pa rin si Reymund kay Terri. Naalala nya nung mga huling araw ni Reymund sa Pilipinas bago pumunta ng Canada. Ramdam nya yung pagmamahal sa kanya nito kahit hiwalay na sila. Pero ngayon nakahanap sya ng ibang mamahalin kay Terri. Sa isip isip nya ay wala na pala itong pagmamahal sa kanya. Iniisip pa naman nya na kung mahal pa rin sya nito ay nakahanda syang tanggapin ito uli dahil pakiramdam nya ay wala na syang ibang lalake pang mamahalin kundi si Reymund lang.