Saturday. Araw ng pagpunta ng magkakaibigan sa Resort. Nagchat si Terri kay Reymund na daanan sya Edsa.
Dahil ayaw magdala ng sasakyan ni Dexter nakisakay na lang din ito kay Reymund. Pagdaan nila sa Edsa ay nakita agad nila si Terri.
"Reymund lilipat na lang ako sa likod para tabi kayo dito ni Terri" sabi ni Ana na agad bumaba at doon sa harap pinasakay si Terri. Nagbeso muna ang dalawang babae bago sumakay sa loob.
Pipigilan pa sana ni Reymund si Ana ngunit agad agad itong bumaba.
"Hi Dexter" bati ni Terri kay Dexter sa likod.
"Hi Reymund. Okay ka lang" tanong nito kay Reymund pagkakita na nakasimangot ito
"Okay lang. Ikaw? Mahaba haba ang byahe natin ha." Sabi ni Reymund
"Okay lang" sabi ni Terri.
Hindi sila naboring sa byahe dahil sa panay na daldal ni Terri. Maya't maya din na nakakaramdam ng selos si Ana sa dalawa.
"Ana libre lang magselos pero huwag mo sagarin ha. Hanggang bukas pa tayo magkakasama" pabulong na biro ni Dexter sa kanya.
"Sira ka talaga. Hindi ako nagseselos." Pabulong na sabi rin ni Ana.
"Kaya pala hindi mo sila kayang tignan ng matagal" sabi ni Dexter
"Sige orasan kita tingnan mo sila ng 1 minute." Sabi ni Dexter sabay tingin sa oras.
"Ewan ko sayo" sabay hampas nito kay Dexter.
Si Reymund ay panay ang sulyap sa dalawa sa salamin na panay ang bulungan at tawanan. Dahil sadyang seloso kahit dati pa ay nagseselos ito sa mga kaibigan nilang lalake kapag masyadong close kay Ana.
Maya maya ay binuksan ni Reymund ang stereo.
?Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko, minsan ako'y manhid
Sana at iyong naririnig
Sa 'yong yakap, ako'y nasasabik
"Diba kinakanta sayo yan ni Reymund dati" bulong ni Dexter kay Ana.
Bigla namang kinilig si Ana at napapangiti ng maalala yung araw na kinakantahan at tinutugtugan sya nito ng gitara.
Habang pinakikinggan ang music hindi mapigilan ni Ana na mapangiti. Napatingin sya sa rear view mirror at nakita nyang nakatingin sa kanya si Reymund.
'Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin?
"Diba kinakanta mo sakin yan dati sa Canada" narinig nilang sabi ni Terri kay Reymund.
Biglang natawa si Dexter at napatingin kay Ana na parang nang aasar.
"Ha??" Sabi ni Reymund
Sa isip isip ni Ana hindi lang pala sya ang inaalayan nito ng kanta. Napatingin sya sa salamin at nakita nyang nakatingin sa kanya si Reymund. Sa sobrang inis nya rito ay inirapan nya ito.
Sa sama ng loob ni Ana ay nakaramdam sya ng antok kaya dinantay nya ang ulo nya sa balikat ni Dexter.
Dahil hindi na napigilan ni Reymund ang selos ay nakipagpalit ito ng pagdrive kay Dexter.
"Oh Dex ikaw naman" sabi ni Reymund kay Dexter at hininto ang sasakyan.
"Wala pa tayo sa slex ah. Usapan natin slex" sabi ni Dexter.
"Eh Nangalay na ko eh" sabi nito.
Walang nagawa si Dexter kaya nakipagpalit na rin. Umupo si Reymund sa tabi ni Ana.
"Gusto mo makipagpalit Terri" sabi ni Ana kay Terri.
"Huwag na." Biglang napahawak si Reymund sa braso ni Ana ng akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan.
"Huwag na daw" sabi ni Terri na napansin din ang paghawak ni Reymund kay Ana.
Biglang natahimik sa sasakyan kaya nilagay ni Dexter ang music sa maiingay na tugtugin.
"Para huwag kayong antukin" sabi pa nito.
Awkward ang pakiramdam ni Ana ng mga oras na yun na katabi si Reymund. Kaya pinilit na lang nya makatulog.
Ilang minuto ang nagdaan. Nagising sya sa ingay ni Dexter.
"Huyy magsigising na kayo nandito na tayo" pagmulat nya ng mata ay nakita nya si Dexter na tawa ng tawa.
Nakadantay ang ulo ni Ana sa balikat ni Reymund habang ang isang kamay ni Reymund ay nakaakbay sa balikat nya at ang isa ay nakahawak sa kamay nya.
Bigla nyang naitulak si Reymund kaya nagising ito.
"Bakit ba" sabi nito.
"Nandito na tayo brad. Masyado kang nagenjoy sa pagtulog eh." Sabi ni Dexter.
Pagdating nila ay nandoon na si Suzet, Darwin at Marc. Isa isa nilang niyakap si Tita Tess pagkakita dito. "Tita namiss ka namin" sabi ni Ana dito.
"Ayan ha pinayagan ko kayo mag stay dito. Kapag may nanggulo at nagbiro uli na magpatay ng breaker ng kuryente hindi na talaga kayo makakaulit." Sabi ni Tita Tess.
Natawa na lang sila. "Tita ayun ang salarin oh" sabi ni Marc sabay turo kay Dexter na napakamot ng ulo. Nagtawanan sila lahat.
"Ang laki na ng tyan mo Suzet. Natutuwa ako sa inyo ni Darwin" masayang sabi ni Tita Tess.
"Salamat po tita" sabi ni Suzet.
"Kayo Reymund at Ana kailan nyo balak magpakasal? Ay hiwalay na nga pala kayo. Diba nung huling punta nyo dito may iba kang kasama" sabi ni Tita Tess kay Ana.
Nagkatinginan at mahinang nagtawanan na lang ang iba. Habang si Reymund at Ana ay hindi alam kung paano magrereact.
"Alam nyo Tita Tess bagay po talaga sa inyo ang pangalan nyo na Marites" sabi ni Dexter sabay tawanan nila.
"Oh sino naman itong kasama nyong magandang dilag na ito" tanong ni Tita Tess pagkakita kay Terri.
"Ako po si Terri. Kaibigan po ako ni Reymund sa Canada" sabi ni Terri sabay mano kay Tita Tess.
"Ngayon naman si Reymund naman ang may kasamang iba. Ay sya bahala na kayo basta ayaw kong may magkakagulo uli gaya dati ha." Sabi ni Tita Tess sabay alis nito.
Madalas ba kayo dito. Tanong ni Terri kay Suzet habang tinitignan ang mga picture nila na nakasabit sa bandang hallway ng bahay.
"Dati madalas kami magpunta. Kaya tignan mo sa ibang picture ang babata pa ng itsura namin" sabi ni Suzet na tinitignan din ang mga memories nilang magkakaibigan doon. "Tignan mo to si Reymund at Ana pa nung time na yan" sabi ni Suzet kay Terri.
"Inlove na inlove talaga si Reymund sa kanya noh. Kaya nung naging kami hindi din ako masyadong nagseryoso kasi alam ko na si Ana talaga ang love nya. Ayoko din naman masaktan" sabi nito kay Suzet.
"Ah talaga" sabi ni Suzet.
"Kaya nung nakipaghiwalay sya sakin dahil plano nyang umuwi dito eh pumayag na din ako dahil alam ko na babalikan nya si Ana. Nararamdaman ko na wala syang love sakin dahil kay Ana." Sabi pa nito.
"Ang tapang mo girl i like you" sabi ni Suzet kay Terri sabay yakap dito.
Pinaguusapan ng magkakaibigan ang set up sa kwarto.
"Dahil 3 lang ang kwarto dito. Yung isa kay Darwin at Suzet. Yung isa sa inyong dalawang babae at yung isa saming mga lalake" sabi ni Dexter.
"Sorry hindi kasi ako komportable kapag hindi ko pa masyadong kilala yung kasama ko sa kwarto. Pwede bang si Reymund na lang kasama ko." Sabi ni Terri.
"3 lang ang kwarto dito. Kay Ana ka na lang sumama" sabi ni Reymund.
"Eh ako pwede naman sa bilyaran na lang o sala bahala na kayo magusap usap." Sabi ni Marc
"Ako rin" sabi ni Dexter. "bahala ka na Reymund kung sino sa dalawa ang sasamahan mo sa kwarto" sabi ni Dexter sabay yaya kay Marc sa bilyaran. Kumakanta kanta at nagtatawanan pa ang dalawa habang naglalakad paalis.
"Bahala ka na jan pre" sabi ni Darwin sabay akbay kay Suzet papunta sa isang kwarto.
"See you later" sabi ni Suzet sa mga naiwan.
"Okay lang naman ako Reymund mapag isa sa kwarto kung ayaw mo ko samahan eh" sabi ni Terri sabay kuha ng bagahe nya at naglakad papunta sa isang kwarto.
Maya maya ay kinuha na din ni Ana ang bag nya "samahan mo na lang si Terri tutal bisita mo naman sya eh" sabi nya kay Reymund sabay alis papunta sa isang kwarto.
Biglang nakaramdam si Reymund ng inis kay Ana dahil pakiramdam nya ay itinutulak sya nito kay Terri.
Habang binubuksan ni Ana ang pintuan ng kwarto ay nakita nya si Reymund na papalapit sa kanya. Magsasalita sana sya ngunit nilagpasan sya nito at pumunta sa kwarto ni Terri.
Napahinga na lang ng malalim si Ana dahil sa sakit na naramdaman
Pagkatapos mag ayos ng mga gamit ay nagsikain muna sila.
Panay ang sulyap ni Reymund sa magkatabing si Ana at Dexter.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magbalat ng hipon Dexter." Sabi ni Ana habang pinagbabalat ng hipon si Dexter.
"mas masarap yan kapag iba ang nagbabalat" sabi ni Dexter.
"Bat sa tahong ang bilis mo" sabi ni Ana.
"ay paborito yan ni Dexter eh" sabi ni Marc.
"Bakit ikaw hindi mo paborito yan" sabi ni Dexter kay Marc. Panay ang tawanan nila.
"ano ba to bat may buhok" sabi ni Dexter habang hawak ang mahabang buhok na nasama sa hipon.
"Ay sorry. Ang hangin kasi eh" sabi ni Ana.
"Magtali ka kasi ng buhok mo". Sabi ni Dexter.
Nakita ni Dexter ang ponytail sa braso ni Ana. "Akina yan" sabay kuha sa braso ni Ana ng ponytail at tinalian ang buhok niya.
Naalala ni Ana na madalas din sya talian ng buhok ni Reymund dati. Napatingin siya sa pwesto nito katabi ni Terri at nakatingin din ito sakanya. Maya maya ay tumayo ito at umalis na. Sumunod si Terri sa kanya. "Mauna na kami guys" paalam ni Terri.
"Mukhang marami rami pa ang laban nung dalawa nagmamadali eh" natatawang sabi ni Marc
"Akala ko bes ikaw ang sasamahan ni Reymund" sabi ni Suzet kay Ana.
"Ikaw kasi kakakanta mo yan ng paubaya ni Moira eh. Kantahin mo lang huwag mo gawing theme song sa sarili mo" sabi ni Dexter kay Ana.
Walang naririnig si Ana sa mga sinasabi ng mga kaibigan nya. Ang nasa isip lang nya ay magkasama si Reymund at Terri.