Tatlong araw bago ang kasal nila Darwin at Suzet. Nagset si Marc ng welcome back party para kay Reymund at stag party na rin para kay Darwin. Masasaya ang 4 na magkakaibigan na kumpleto na naman sila.
"Brad anong pakiramdam na si Suzet na first love mo ang mapapangasawa mo" tanong ni Marc
"Syempre pare masayang masaya pero hanggang ngayon parang hindi pa rin nag sisink in sa utak ko. Sa panaginip ko lang nangyayari na kami na ni Suzet kaya ngayon iniisip ko kung nananaginip lang ba ko" Sabi ni Darwin
"Nananaginip daw pare. Gisingin" sabi ni Dexter sabay batok at hampas at tulakan ng 3 nyang kaibigan kay Darwin hanggang matumba sila pare pareho.
Samantala nagkasiyahan din si Suzet at Ana. Nagset si Ana ng bridal shower para kay Suzet sa bahay nila. Habang nasa kwarto ni Suzet ay naguusap sila ni Ana.
"Masaya talaga ko para sayo bes si Darwin ang mapapangasawa mo. Bata pa lang tayo naiisip ko na yan na kayo din ang magkakatuluyan." Sabi ni Ana.
"Oo nga bes ang bilis ng mga pangyayari. Dati pinapangarap ko lang na maging kami ni Darwin. Yung tatanungin nya ko kung pwede ba nya akong maging gf. Yung hindi nangyari yun dahil nagpropose agad ng kasal." Sabi ni Suzet na kinikilig pa sa saya.
"Eh ikaw bes. Anong feeling na nagkita uli kayo ni Reymund. Dati panay ang iyak mo sa video call natin nung nasa US ako."
"Hindi pa kami masyadong nakakapagusap eh. Kasi diba gabi na ko umuuwi galing sa work. Tapos busy din sya sa inaasikaso nyang business nya. Madalas nya din kasama sila Darwin. " Sabi ni Ana.
"Napag usapan nga namin ni Darwin na after mg kasal namin magresort uli tayo doon sa Batangas sa tita mo." Sabi ni Suzet.
"Oo pwede. Bakit wala ba kayo planong maghoney moon." Tanong ni Ana.
"Honeymoon. Eh araw araw na nga namin ginagawa eh." Sabi ni Suzet sabay tawanan nilang dalawa na magbestfriend.
Araw ng kasal.
Isa isang naglalakad ang entourage sa simbahan. Unang pumasok ang groom at mga magulang nito. Kasunod ang best man na sina Dexter, Marc at Reymund. Habang naghihintay si Darwin sa altar hindi pa man nakikita si Suzet ay naiiyak na ito.
Inakbayan sya ni Reymund. "congrats brader. Sa tinagal na panahon nyong nagtaguan ng feelings sa simbahan din ang tuloy. Natatawa nitong sabi.
"Congrats brad. Wish you all the best. I'm so happy for you." sabi ni Marc na niyakap ito.
"Congrats brader. Huwag ka umiyak diba may sumpa ang pag iyak ng groom sa araw ng kasal. Magloloko daw ang groom kapag umiyak kagaya ng nangyari sa mga artista" sabi ni Dexter at nagtawanan silang apat.
"Malabo yan mangyari samin" sabi ni Darwin.
Maya maya ay pumasok na ang Maid of Honor na si Ana. Habang naglalakad ay naiiyak ito dahil ikakasal na ang bestfriend nya. Bigla nyang naalala ang usapan nila noon ni Suzet nung time na sila pa ni Reymund.
"Bes basta kapag kinasal na kayo ni Reymund ako ang Maid of Honor mo ha" sabi ni Suzet sa kanya.
"Oo naman ikaw lang naman ang bestfriend ko eh". Sabi nya.
Ngayon naisip nya na nabaliktad ang ihip ng hangin nila ni Suzet. Napatingin sya sa kinatatayuan ni Reymund at nakatingin din ito sa kanya.
"Pre kapit lang pre ikaw na ang susunod" sabi ni Darwin kay Reymund pagkakita kay Ana. Napangiti lang si Reymund.
Maya maya ay pumasok na si Suzet. Sobrang ganda nito sa ayos at wedding dress na suot. Hindi nya napigilang umiyak habang naglalakad katabi ang mga magulang nya.
Maya maya ay nagumpisa na ang seremonyas ng kasal at mga ilang minuto lang ay isa na silang ganap na mag asawa.
Sa reception...
Ihahagis na ni Suzet ang bridal bouquet. Ayaw sana sumali ni Ana ngunit pinilit sya ni Suzet. Nang ihagis ni Suzet ang bouquet nagtutulakan pa ang ibang mga babae sa pagsalo nito. Habang si Ana ay nakatayo lang sa gilid maya maya ay napapansin nyang sa kanya ito babagsak at wala syang nagawa kundi saluhin ito.
"Besssssss" tuwang tuwang sabi ni Suzet. "Ikaw na ang susunod na ikakasal"
"Panong ako eh wala nga ko bf. Ulitin mo ihagis mo uli hindi ko alam kung bakit sa akin bumagsak yan" sabi ni Ana na pinipilit ibalik ang bulaklak kay Suzet.
"Hindi na yan pwede ulitin. Halika na dito" sabay hila kay Ana sa harapan ng stage.
"ayoko bes" pagtanggi ni Ana
"Bes naman kasal ko ngayon tatanggihan mo ko" nagkukunyaring pagtatampo ni Suzet
Walang nagawa si Ana kundi sumunod kay Suzet.
Mga lalake naman ang sumunod na naghanda para sa pagsalo ng wedding garter. Nang ihagis ni Darwin ang garter kagaya ng nangyari kay Ana ay awtomatiko din itong bumagsak sa mga kamay ni Reymund. Hiyawan at puro panunukso ang naririnig ng dalawa.
Isusuot na ni Reymund ang garter kay Ana "higher higher" hiyawan ng mga tao.
Awkward man ang pakiramdam ng dalawa sa isa't isa ay pinili pa rin nilang sakyan ang panunukso ng mga tao sa kanila na ang pasimuno ay ang mga Kuya nya at si Dexter sa isip isip ni Ana kung bakit kasi nagsama sama sa iisang table ang mga ito.
Nang matapos isuot ni Reymund ang garter kay Ana "kiss kiss kiss" sabi ng mga tao.
"Kailangan nyo din gawin kung ano ang gagawin ng bride and groom" sabi ng emcee.
Nagkakahiyaan man ay walang nagawa ang dalawa .
Maya maya ay hinalikan ni Darwin ang kamay ni Suzet. At ginaya din ito ni Reymund kay Ana.
Sumunod ay sa noo, pisngi at ilong. Pakiramdam ni Ana ay hindi sya makahinga sa tuwing nilalapit ni Reymund ang mukha nito sa kanya para rin syang malulusaw sa mga titig nito. Mabilis ang pagtibok ng puso nya. Kahit malalakas ang hiyawan ng mga tao ay parang wala syang naririnig. Pakiramdam nya ay sila lang ni Reymund ang nandoon.
Sumunod ay sa labi. Sinadya ni Darwin at Suzet na maghalikan ng ilang segundo para tuksuhin ang dating magkasintahan. Panay ang hiyawan ng mga tao sa loob.
Maya maya ay pumuwesto na si Reymund para gawin din ito. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ni Ana na nakatitig sa mga mata nito.
"Ano to Reymund gagawin mo talaga" sabi ni Ana na pilit tinatanggal ang kamay ni Reymund.
"Yun ang gusto nila oh" sabi ni Reymund na nangingiti."
"Bessss" sabi ni Ana na nagpapatulong kay Suzet.
Dahil sa inisip din ni Suzet ang pakiramdam ni Ana ay inawat na din nya ito.
habang nagsasalita sa mikropono ang mag asawa para magpasalamat sa lahat ng dumalo sa kasal nila ay nag uusap ang magkatabing si Reymund at Ana.
"Tama yung hula natin sa dalawa na sila din yung magkakatuluyan" nakangiting sabi ni Reymund kay Ana.
"Oo nga eh yung away bati at taguan nila ng feelings noon worth it din lahat ngayon"
Maya maya ay biglang silang natahimik at naalala pareho yung pinagsamahan nila dati. Naisip ni Ana yung usapan nila noon na magpapakasal. Bigla syang nakaramdam ng lungkot sa kinahinatnan ng relasyon nila.
Bigla din naisip ni Reymund na kung hindi sa kalokohan nya ay matagal na sana silang kasal ni Ana. Napatingin sya kay Ana naisip nya na mula ng makita nya ito uli ay biglang nagising yung dating damdamin nya para rito at wala pa ring nagbabago sa nararamdaman nya para kay Ana mula noon hanggang ngayon