CHAPTER 20

2090 Words
Pagkaraan ng isang linggo. Nakatingin si Reymund kay Ana habang kausap nito ang mama nya. Sa isip isip nya sa araw araw na nandoon si Ana at tinitignan nya ito wala syang mahagilap sa isip nya na kahit na anong ala ala dito pero kaninang umaga paggising nya may mga pangyayaring bigla nalang pumasok sa isip nya mga pangyayari na kung saan ay kasama nya ito. kasama nya itong kumakain, kasama nya itong naglalakad na nakauniporme sila kasama ang mga kaibigan nila. Dahil naikuwento sa kanya ng mga kaibigan nya na isa din si Ana sa kaibigan at naging karelasyon nya, naisip nya na siguro mga memory nya iyon na bumalik bigla sa isip nya. Wala din syang nararamdaman na kahit ano kay Ana bukod sa hindi sya komportable sa tuwing nandoon ito kaya bihira lang nya ito kausapin at madalas kapag may tinatanong lang ito sa kanya. Maya maya ay dumating si Dexter na may dalang pagkain. "Kumusta na brad" tanong ni Dexter kay Reymund. "Ana hanggang kailan ka ba nakaleave? Tanong ni Dexter kay Ana. "Isang linggo pa" narinig ni Reymund na sagot ni Ana. Napaisip si Reymund sa trabaho ni Ana. At maya maya ay may biglang pumasok sa isip nya na nakangiti ito habang papalapit sa kanya galing sa trabaho. Pinagbubuksan nya ito ng pintuan ng sasakyan. Maya maya ay biglang sumakit ang ulo nya. "Bakit Reymund" biglang napalapit si Ana sa pwesto ni Reymund pagkakita na para itong nasasaktan habang nakahawak sa ulo nya. "Wala ito" sabi ni Reymund. Naisip ni Ana baka dala lang ito ng natamong sugat sa ulo. Maya maya ay pinuntahan nya si Dexter at tinulungan ito sa pagayos ng pagkain nila. "Tignan mo may lumipad na naman na buhok mo" sabi ni Dexter pagkakita sa isang buhok na nasama sa pizza. "Akina yang panali mo" sabi ni Dexter sabay pagtali nito sa buhok ni Ana. "Alam mo dapat hindi ka nagpulis eh. Nagparlor ka na lang master mo na ang pagayos ng buhok ng babae eh" sabi ni Ana sabay tawa. Samantala habang tinitignan ni Reymund ang dalawa na nagtatawanan ay nakaramdam sya ng pagkainis dito. Hindi nya maintindihan pero ang bigat ng pakiramdam nya ng mga oras na yun. Maya maya ay may alaala na naman na pumasok sa isip nya. Yung kaparehong sitwasyon na tinatalian ni Dexter ang buhok ni Ana at mga oras na nagtatawanan at nagkukulitan ang dalawa. Maya maya ay nanakit na naman ang ulo nya. Nilapitan sya ni Ana pagkakita sa reaksyon nya. "Okay ka lang" sabi ni Ana sabay hawak sa balikat ni Reymund. "Pwede ba umalis ka na lang dito hindi naman kita kilala eh parati lang sumasakit ang ulo ko kapag nakikita kita dito" yung hindi na napigilan ni Reymund ang inis kay Ana kaya nya yun nasabi Dahil sa pagkabigla sa reaksyon ni Reymund ay umalis si Ana. "Pambihira ka naman pre hindi ka naman inaano nung tao eh. Araw araw nandito yun para maalala mo sya." Sabi ni Dexter na nakaramdam ng pagka inis kay Reymund sa sinabi kay Ana. "hindi ko talaga maintindihan yang kondisyon mo sa dami ng pwede mong kalimutan si Ana pa talaga" Si Ana naman ay naiiyak habang nakaupo sa lobby ng ospital. Sa isip isip nya sa ilang taon nyang kakilala si Reymund ay noon lang nya ito naranasan sa kanya. Kahit kailan ay hindi ito nagsasalita ng makakasakit sa kanya. Nagpalipas muna sya ng ilang minuto doon bago bumalik sa kwarto ni Reymund. Plano nyang kunin lang ang bag nya at uuwi na sya. Wala na si Dexter sa kwarto pagdating nya. Ang nandoon ay si Terri. Sa tuwing nandoon si Terri ay nakakaramdam sya ng selos dito. Kinuha nya lang ang bag nya sa loob at nagpaalam sa dalawa na uuwi na. Napatingin sya kay Reymund at nakatingin din ito sa kanya. Si Reymund naman ay tahimik lang na nakamasid kay Ana pagkapasok nito ng kwarto hanggang sa paglabas. Pagkaalis ni Ana ay nagsalita si Terri. "Ngayon na dapat ang flight ko pabalik sa Canada. Mabuti pinayagan ako ng boss ko na magleave pa ng isang linggo." Sabi ni Terri Pagkarinig sa sinabi ni Terri na babalik na ito ng Canada ay may naalala ito kay Terri. "Nag away ba tayo Terri? Parang bigla lang ako may naalala na nagtatalo tayo" sabi ni Reymund. "Naalala mo. Ha eh ano yun ayaw mo kasi ako pabalikin ng Canada eh pinipilit mo kong dumito na sa Pilipinas. Hindi naman pwede dahil may trabaho ako doon." Sabi ni Terri na nakahanap ng palusot "Ganon bat kita pipigilan. Ang labo talaga" sabi ni Reymund na napahawak sa ulo nya. "Basta yun ang sabi mo. Ano kaya Reymund kung bumalik na lang tayo sa Canada. Magpalit na lang kayo ni James sya na lang magmanage ng bar mo dito tapos ikaw doon" sabi ni Terri. Napaisip si Reymund sa sinabi ni Terri. Pero pakiramdam nya bukod sa bar ay may iba pang bagay na hindi nya maiwan sa Pilipinas. Kinabukasan pag gising ni Ana sa umaga ay masama ang pakiramdam nya. Naisip nya na hindi na lang muna sya pupunta sa ospital. Masama din ang loob nya kay Reymund. Sa isip isip nya hindi din naman nya ito masisi dahil sa walang maalala sa kanya. Bumaba sya sa kusina dahil nakaramdam ng gutom. Maya maya ay naamoy nya ang nilulutong adobong pusit ng mama nya. Bigla syang napapunta sa cr dahil parang bumaliktad ang sikmura nya pagkaamoy doon. "Mama ano ba yang niluluto nyo ang sama ng amoy" sabi nito na panay ang duwal sa cr. "Anong masama ang amoy eh gustong gusto mo nga to. Niluto ko nga to para dalhin mo sa ospital diba paborito din ni Reymund to" sabi ng mama nya "Hindi po muna ko pupunta doon. Masama ang pakiramdam ko." Sabi ni Ana. "Bakit masama pakiramdam mo". Sabay kapa sa noo ni Ana. "Wala ka naman lagnat eh baka may nakain ka kaya ka nasusuka. Eh kung may bf ka lang iisipin kong naglilihi ka kasi noong naglilihi ako sayo ayaw na ayaw ko ng amoy ng adobong pusit" sabi ng mama nya. Biglang natigilan si Ana sa narinig. Pumunta sya sa sala at tinignan ang kalendaryo. "delayed ako ng 2 weeks" sa isip isip nya. Naisip nya yung nangyari sa kanila ni Reymund sa resort. Pagkatapos mag almusal pumunta si Ana sa drugstore para bumili ng pregnancy test. Pagkauwi sa bahay ay sinubukan nya agad iyon. At malinaw na dalawang guhit ang lumabas doon. "Positive" sa isip isip ni Ana. Natuwa sya sa isiping magkakaanak na sila ni Reymund. Bigla nyang naisip ang kondisyon nito. Naisip nya kung nasa tamang pagiisip lang si Reymund ay sigurado sya na matutuwa ito. Pero sa kondisyon nito ngayon hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nito kapag nalaman nya. Naalala nya yung pangyayari kahapon sa ospital na ipagtabuyan sya nito dahil hindi daw sya nito kilala. Samantala sa ospital. Paggising ni Reymund napatingin sya sa oras. Naisip nya ganung oras dumadating si Ana. Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang mama nya. Sa isip isip ni Reymund akala nya ay si Ana iyon. "Masama daw ang pakiramdam ni Ana kaya hindi muna sya makapunta ngayon. Eh pinagpahinga ko na lang muna halos araw araw nandito siguro napagod din" sabi ng mama nya pagkapasok sa loob. Bigla naman naguilty si Reymund sa nasabi nya kahapon kay Ana at nakaramdam din sya ng pagaalala dito. Maya maya ay inisip nya si Ana at nagbakasaling may maalala uli dito. Mga ilang minuto ay pumasok sa isip nya yung time na nagpropose sya dito at tinanggihan sya nito. Maya maya ay sumakit na naman ang ulo nya. "Bakit may masakit na naman ba" tanong ng mama nya ng makita ang reaksyon ni Reymund. "Mama nagpropose ba ko kay Ana?" Biglang tanong ni Reymund. "Eh oo nakuwento nya sakin. Tinanggihan ka nga daw nya dahil sabi nya hindi pa sya handa. Ewan ko nga eh alam ko mahal na mahal ka nya baka nagbago na" sabi ng mama nya. Hindi maintindihan ni Reymund pero mabigat ang pakiramdam nya ng mga oras na yun. Kinabukasan nagpunta uli si Ana sa ospital. "Good morning" nakangiti nyang bati kay Reymund. Napangiti din si Reymund pagkakita sa kanya. Naisip nya na baka hindi na ito pumunta sa ospital matapos nya masigawan nung isang araw. "Kumain ka na? Pinagluto kita ng caldereta. Kasi dati gustong gusto mo yung luto ko nito eh isa to sa paborito natin dati." Sabi ni Ana. Naisip ni Ana na kailangan na talaga makaalala ni Reymund. Buntis sya at si Reymund ang ama at hanggat hindi ito nakakaalala hindi sya sigurado kung tatanggapin nito ang pinagbubuntis nya. "Ito oh tikman mo. Gusto mo subuan kita" sabi ni Ana sabay abot ng caldereta na nasa tupperware. "Hindi. Ako na lang" sabi ni Reymund na nakaramdam uli ng pagka ilang kay Ana Pagkasubo ni Reymund. "Ano masarap ba. May naalala ka ba?" tanong ni Ana na naka abang sa reaksyon ni Reymund. "Masarap. Pero wala ako maalala eh" sabi ni Reymund. "Ah ganun ba. Sige kumain ka lang jan. May ipapakita ako sayo" sabi ni Ana sabay kuha ng cellphone nya at pinakita kay Reymund yung mga pictures at video nila noong sila pa. "Kailan pa yan?"tanong ni Reymund. "Matagal na ito high school pa lang tayo nito. Tapos ito college" sabi ni Ana. Matapos nun ay kinwentuhan din nya si Reymund ng mga masasayang ala ala nila noong panahon na sila pa . "Bakit ba tayo naghiwalay" tanong ni Reymund. "Nag migrate ka na kasi sa Canada" sabi ni Ana. Naalangan sya ikwento dito yung totoong dahilan na nagkaroon ito ng iba kaya sila naghiwalay. Maya maya ay dumating ang mag asawang Darwin at Suzet. "Parang ang saya nyo ah" sabi ni Suzet pagkakita kay Reymund at Ana na masayang nagkukwentuhan. "Ano pre naalala mo na ba kung gaano kakulit yan" Tanong ni Darwin kay Reymund. "Malapit na" sagot naman ni Ana. Napapangiti lang si Reymund. "Bes manganganak ka na pala next month. Ano bang feeling kapag ganyan na kalaki ang tyan" tanong ni Ana kay Suzet "Nakakangalay. Nakakahingal. Gusto ko na nga ilabas to eh" natatawang sabi ni Ana. "Ah ganon hindi ba masakit?" Tanong uli ni Ana "Hindi. Bakit mo tinatanong. May plano ka na din" natawang sabi ni Suzet. "Magplano ka munang mag bf." Natatawang sabi ni Darwin. Sa isip isip ni Ana ay walang alam ang mga kaibigan nya na meron nangyari sa kanila ni Reymund sa resort. Ang alam ng mga iyon ay si Terri ang kasama ni Reymund sa kwarto. "Bes may sasabihin pala ko sayo. Icha chat na lang kita mamaya" sabi niya kay Suzet. Naisip nya na magkwento na dito at sabihin din ang kalagayan nya. Maya maya ay naamoy nya ang pagkain na binuksan ni Darwin. Nagtatakbo sya sa cr at sumuka. "Ana ano yan ganyan na ganyan si Suzet noong naglilihi eh. Buntis ka ba?" Natatawang tanong ni Darwin kay Ana "Bes yan ba yung sasabihin mo sakin?" nangingiting sabi ni Suzet. "Buntis ka?" Tanong ni Suzet habang tinitignan si Ana na dumuduwal sa cr. "Huuyyy ano yang buntis buntis sino buntis" tanong ng kadarating lang na si Marc. "Buntis. Sino? si Ana? May matris ka? " Tanong ni Dexter Hindi malaman ni Ana kung paano sasagutin ang mga kaibigan. Palabas na sya ng cr ng biglang dumating ang mama nya at magulang ni Reymund. "Anong buntis pinaguusapan nyo jan?" Tanong ng mama ni Reymund. "Aning buntis ka nga talaga" maya maya ay may kinuha ang mama nya sa bag nya. "So sayo nga ito?" Sabay pakita ng pregnancy test na nakita nya sa kwarto ni Ana kanina. Napatingin lahat sa kanya. Biglang namutla si Ana at biglang nakaramdam ng pagkahilo. Maya maya ay bigla na lang itong nahimatay. Nasalo naman sya ni Marc na nasa likuran nya. Unti unting nagmulat ng mga mata nya si Ana. Nakahiga sya sa kama ni Reymund. Naramdaman nya na merong nurse na nakahawak sa braso nya. Narinig nya itong nagsalita "Mabilis po ang pulso nya. Pwede pong buntis nga sya. Pero para makasigurado po. Magpacheck up na lang po sya sa ob" Narinig nyang sabi ng nurse. Maya maya ay bumangon at umupo sya sa kama. "Buntis nga po ako" sabi nya na nakayuko. Hindi sya makatingin sa mga tao na nasa loob. "Aning wala ka naman bf ah. Sinong ama nyan?" Tanong ng mama nya Napatingin sya kay Reymund na nakatingin din sa kanya. "Si Reymund po" sabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD