CHAPTER 19

1752 Words
Iyak ng iyak si Ana habang naghihintay sa labas ng operating room. Naisip nya yung sinabi ng katrabaho nyang si Leslie na nakita nya itong naghihintay sa parking ng isang establishment na katapat ng bangko. Naisip nya na malamang nakita nito na kasama nyang umalis si Joeff at baka ito yung dahilan kaya sya naaksidente. Maya maya ay may lumapit sa kanyang nurse at binigay ang mga gamit ni Reymund sa kanya. Napatingin sya sa jacket nito na may bahid pa ng dugo maya maya ay may nalaglag na bagay mula dito. Ito yung nakita nyang maliit na kahon na pinaglagyan ng singsing na ibibigay sana sa kanya ni Reymund. Binuksan nya ito at nakita nya doon yung singsing. Sinuot nya iyon at lalo syang napahagulgol ng iyak. Sa isip isip nya kung tinanggap lang sana nya ito nung nagpropose si Reymund sa kanya hindi sana ito maaaksidente. Maya maya ay isa isang nagdatingan ang mga kaibigan nila na tinawagan ni Ana kanina. "bes ano ba nangyari?" sabi ni Suzet pagkarating nila ng asawang si Darwin. "Ano ng lagay ni Reymund? Tanong ni Marc Maya maya ay may lumabas na doctor mula sa operating room. "Sino ang pamilya ng pasyente?" Tanong nito "Mga kaibigan po kami" sagot ni Dexter. "Wala ba syang pamilya o kamag anak dito?" Dahil nasa Canada ang pamilya nito wala syang ibang pamilya na nasa Manila. Nagkatinginan na lang silang magkakaibigan. "Fiancee ko po sya" naalangan na sagot ni Ana. Maya maya ay kinausap sya ng doctor. Dahil sa natamo nitong pinsala sa ulo ay kasalukuyang comatose ang lagay ni Reymund at kailangan ilipat sa ICU para mamonitor. Kailangan din within 48hrs ay magkamalay na ito kundi ay nasa kritikal ang kondisyon nito. Panay ang iyak ni Ana at Suzet habang pinagmamasdan si Reymund na nakahiga at maraming aparato ang nakakabit dito. "Kayang kaya ni Reymund yan" sabi ni Dexter. "Gising ka na bro tatapusin pa natin yung design ng bahay mo" sabi ni Darwin. "Laban lang pre" sabi ni Marc. Mga ilang minuto ay nagpaalam na si Darwin at Suzet na umuwi muna dahil buntis si Suzet at panay ang iyak ay nagpasya si Darwin na iuwi muna ito dahil baka makasama sa lagay nya. Maya maya ay nagpaalam na din si Marc sumunod si Dexter na may duty pa ng oras na yun kaya kailangan umalis. Binilhan muna sya ng pagkain ng mga ito bago umalis pero hindi nya makain dahil wala syang gana. Naisip ni Ana na kahit sandali ay hindi nya iiwan si Reymund. Naisip nya na magleave muna ng ilang araw para mabantayan ito. Madaling araw na ng mga oras na yun pero hindi nya maramdaman ang antok at gutom. Ang nararamdaman lang nya ay sakit at takot na baka tuluyan ng mawala sa kanya si Reymund. Hindi din maubos ang luha nya sa kaiiyak. "Reymund suot ko na yung singsing tignan mo saktong sakto sakin" sabi ni Ana habang nilalapit kay Reymund ang kamay nya na suot ang singsing. "Love gumising ka na marami pa tayong paguusapan para sa kasal natin. Matutuloy na yung mga pangarap natin dati." "Yung gusto mong bumuo ng basketball team na anak. Pwede ko na ibigay sayo yun. Sabi ni Darwin may plano ka daw ipatayo na bahay malapit sa bahay nila ni Suzet. Surprise mo daw yun sakin kaya lang nalaman ko na agad eh." Nangingiting sabi ni Ana. "Sorry kung tinanggihan ko yung kasal na inalok mo sakin magulo kasi yung isip ko nun dahil sa sinabi ni Terri tungkol sayo. Pero huwag ka mag alala ikaw ang paniniwalaan ko lahat ng sasabihin mo sakin nakahanda akong makinig kaya gumising ka na." Sabi ni Ana habang niyayakap si Reymund. "Kung nakita mo man kami ni Joeff na magkasama gusto ko kasi na makauwi agad nun para puntahan ka sa bahay nyo. Huwag mo sana bigyan ng malisya yun diba sinabi ko na sayo dati na wala naman kami at wala akong gusto sa kanya. Ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalakeng minahal ko." Sabi ni Ana habang hawak ang mga kamay ni Reymund. Maya maya ay naramdaman nya na pumintig ang daliri nito. "Reymund naririning mo ba ko?" natutuwang sabi ni Ana. Maya maya ay pumunta sya sa doctor at sinabi yun. Sabi ng doctor ay magandang sign yun at malaki ang posibilidad na magising na si Reymund anumang oras. Kinabukasan, nagising si Ana na hawak ang kamay ni Reymund. Naisip nya na nakaidlip pala sya. Kinausap nya uli ito pakiramdam nya ay naririnig ni Reymund lahat ng sinasabi nya. Pumunta ang mama at kuya nya sa ospital para dalhan sya ng damit. Pumunta din ang tita ni Reymund para magdala ng gamit nito. Bandang hapon nang dumating ang magulang ni Reymund na galing pa Canada. Kinabukasan wala pa ring malay si Reymund. Naisip ni Ana ilang oras na lang yung sinasabi ng Doctor na kailangan magising si Reymund. Hindi na mapakali ang lahat na panay ang silip kay Reymund sa laminated glass ng ICU. May time limit at dalawahan lang ang pwede pumasok sa loob ng ICU pagkalabas ng mga magulang ni Reymund sa loob ay agad agad pumasok si Ana. "Love gumising ka na please naman huwag mo naman gawin sakin to. Hindi ko kakayanin pag nawala ka gumising ka na" mahigpit ang pagkakayakap ni Ana kay Reymund habang humahagulgol ng iyak. "Ana pano magigising yan kung dinadaganan mo. Kausapin mo lang" sabi ni Dexter na kapapasok lang sa loob. Binangon nya si Ana mula sa pagkakayakap kay Reymund at hinawakan sa braso. "Hindi eh Dexter ilang oras na lang kailangan na nyang gumising" sabi ni Ana na pinilit kumawala kay Dexter at niyugyog si Reymund "Reymund ano ba gumising ka na" Hysterical na si Ana ng mga oras na yun. "Ana lalong mapapadali ang buhay nya jan sa ginagawa mo eh." Sabi ni Dexter. Ilalabas na sana nya si Ana ng mapatingin sya kay Reymund na nakamulat ang mga mata. Nakita din ito ni Ana kaya dali dali nya itong nilapitan. "Reymund gising ka na" sabi nya dito sabay yakap. Agad na tumawag si Dexter ng Doctor. Nagkamalay na si Reymund pero tulala lang ito. Sabi sa kanila ng Doctor ay dahil sa traumatic brain injury nito kaya nagkaroon ng amnesia. Pwedeng panandalian lang ito o pwede ding magtagal. Nailipat na rin sya sa private room para doon magpagaling. Kinakausap nila ito pero nakatitig lang ito sa kanila. Hindi rin sya nagsasalita. Ilang oras ang lumipas ay nakarecover din ang utak nya at nakakilala na sya. "Ma kailan kayo dumating" sabi ni Reymund pagkakita sa magulang nya. Bigla syang niyakap ng magulang nya pagkarinig noon. "Nung isang araw pa anak. Salamat sa Diyos at nagkamalay ka na" naiiyak sa tuwa ang mama nya. "Kumusta pakiramdam mo nak may masakit ba sayo" tanong ng papa nya. "May kumikirot sa ulo ko pa" sabi ni Reymund. "Huwag ka na lang muna masyadong gumalaw at sariwa pa ang sugat mo jan" sabi ng mama nya. "Ano ba nangyari sakin ma" tanong ni Reymund. "Naaksidente ka anak wala ka ba matandaan" tanong ng mama nya. "Hindi po ma. Wala ako maalala" sagot ni Reymund. Nakakilala na si Reymund pero hindi pa rin ito fully recovered may mga ilang detalye pa rin na hindi nya maalala. "Brad tang*na tinakot mo kami dun" Sabi ni Dexter sabay yakap at tapik sa balikat nito. "Brad sa susunod huwag ka na magmotor ha" sabi ni Marc na natawa at yumakap din kay Reymund. "Reymund" nagiiyak na yumakap si Suzet kay Reymund. "Bat ka umiiyak baka makasama sa baby mo yan eh. Awatin mo na nga tong asawa mo bro" sabi ni Reymund kay Darwin. "Beb tama na yan baka sumakit na naman ang tyan mo" sabi ni Darwin habang inaalalayan ito sa pagtayo. Nagiiyak din na yumakap si Ana "Reymund". Sabi nito at niyakap ng mahigpit si Reymund. Napansin ni Ana na hindi gumaganti ng yakap si Reymund sa isip isip nya ay may galit ito sa kanya dahil sa pagtanggi nya sa kasal at dahil nakita sila ni Joeff na magkasama. "Miss sino ka?" tanong ni Reymund habang nakatitig sa kanya. Nagkatinginan na lang ang magkakaibigan sa sinabi ni Reymund. "Gf mo Dexter?" Biglang tanong pa ni Reymund kay Dexter. "Ha" tanging nasabi lang ni Dexter. "Bakit anak hindi mo ba nakikilala si Ana" tanong ng mama nya. "Ana" paulit ulit na sabi ni Reymund. Tinitignan nya ang babaeng kaharap naisip nya na pamilyar ang mukha nito pero kahit isang ala ala ay wala syang maalala dito. Maya maya ay nakita nya si Terri na nasa isang gilid. "Terri" tawag ni Reymund kay Terri ng nakangiti. Naalangan si Terri lumapit dahil yung huling tagpo nila ni Reymund ay noong nagtalo sila dahil sa nalaman nyang kinausap nya si Ana. Sa isip isip ni Terri ay nakangiti sa kanya si Reymund at wala sa bakas ng mukha nito yung galit na nakita nya noong huling nakausap nya ito. Napangiti sya at lumapit kay Reymund. Kinausap ni Ana ang Doktor kasama ang magulang ni Reymund sa naging kondisyon ni Reymund. Systematized Amnesia. This type of amnesia may forget all the details about a specific person or a family member who hurt or abused them. Ito ang sabi sa kanila ng doktor. Naisip ni Ana na ganon na ba kalaki yung galit sa kanya ni Reymund para piliin ng pag iisip nito na kalimutan na lang sya. "Doc eh magkakilala na po sila simula pagkabata lahat ba yun na pinagsamahan nila wala sa ala ala ni Reymund." Tanong ng mama ni Reymund "Sad to say yes. Lahat ng detalye at mga sitwasyon na may kaugnayan sa kanya ay nawala sa memories nya." Sabi ng doctor. "Hanggang kailan po ito doc" tanong ni Ana. "Pwedeng panandalian lang pwede rin na magtagal. Depende sa recovery nya. Mapapabilis yan kung tutulungan nyo din sya. Pwede mo syang kausapin at ipaalala sa kanya ang lahat." Sabi ng Doktor Pagbalik niya at magulang ni Reymund sa kwarto nito ay tulog si Reymund. "Nakatulog sya bes" sabi ni Suzet. "Kinausap kasi namin sya kinuwento namin lahat tungkol sayo at sa inyong dalawa. Maya maya nanakit ang ulo nya eh siguro napwersa sa pagiisip." "Ganun ba." Sabi ni Ana. Bukod kay Ana ay marami ring pangyayari ang hindi maalala ni Reymund. Araw araw syang nagpupunta sa ospital sa pag asang makaalala rin ito kung parati syang nakikita kahit pakiramdam nya ay hindi komporatable sa kanya si Reymund sa araw araw na nakikita sya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD