"Buntis nga po ako" sabi ni Ana na nakayuko.
Hindi sya makatingin sa mga tao na nasa loob ng kwarto.
"Aning wala ka naman bf ah. Sinong ama nyan?" Tanong ng mama nya
Napatingin sya kay Reymund na nakatingin din sa kanya. "Si Reymund po.
"Ha" natawa ng bahagya si Reymund
"Akala ko ba wala na tayo." sabi pa nito na napatayo at napasandal sa pader.
"Kaya hindi ko pa sana plano pang sabihin kasi wala pang maalala si Reymund." Sabi ni Ana.
"Nangyari noong nagpunta kami sa resort" kahit hindi komportable ay sinabi na din nya.
"Diba si Terri ang kasama ni Reymund noon sa kwarto" sabi ni Marc na napatingin kay Terri na nakikinig din sa nangyayaring komosyon sa kwarto.
"Ha oo kasama ko nga si Reymund magdamag sa kwarto" sabi naman ni Terri.
Bigla naman nagulat at nag init ang ulo ni Ana sa sinabi ni Terri " Terri nung nag usap tayo ang sabi mo alam mong nasa kwarto ko si Reymund diba at sabi mo hinayaan mo lang dahil hiwalay naman din kayo" sabi ni Ana na nag init ang ulo kay Terri .
Maya maya ay naalala niya yung mga sinabi sa kanya ni Terri. "Teka nga yung mga sinabi mo ba sakin tungkol kay Reymund eh totoo ba yun o gawa gawa mo lang?"
Natigilan at namutla bigla si Terri.
"Anong sinabi tungkol kay Reymund" tanong ng mama ni Reymund"
Sinabi lahat ni Ana ang napag usapan nila ni Terri tungkol kay Reymund.
"Ha sinabi mo yun Terri. Eh paano pa yan makapambabae eh sa trabaho lang nya sa bar tapos nagaaral pa sya ng management kulang na yung oras nya madalas nga syang puyat dahil kulang ang oras ng pagtulog.
At isa pa hindi naman ganyan si Reymund." Sabi ng mama nya.
"Tita wala naman po ako sinasabi na ganun" sabi ni Terri. "Reymund huwag ka maniwala" sabi nya kay Reymund na masama ang titig sa kanya.
"Hooyy huwag kang sinungaling. Yun nga yung dahilan kaya tinanggihan ko sa kasal si Reymund eh." Nangingiyak na sabi ni Ana.
Maya maya ay biglang nakaramdam ng sakit sa puson si Ana. "aray" daing nya sa sumasakit na puson.
Dinala si Ana sa ob room at sinuri. Inultrasound sya at nalaman na 6 weeks itong buntis. Kailangan din na mag bed rest sya dahil naging maselan ang pagbubuntis nya dahil sa stress at pagod na ilang araw nyang naranasan.
Samantala, naguusap si Reymund at mga magulang niya.
"Ma wala akong matandaan paano ko mapapanagutan" sabi ni Reymund
"Kung pakakasalan mo sya at magsasama kayo baka mapabuti din sayo mas mapapabilis na maka alala ka. At isa pa mahal mo sya kaya mo nga kami pinilit na bumalik ka na lang dito sa pilipinas kahit maganda na ang buhay mo sa canada eh."
"Eh diba ma sabi nyo nagpropose ako sa kanya pero tinanggihan nya. Ex ko na sya tapos nagpropose ako ng kasal tapos tinanggihan nya. Ngayon naman buntis sya ako ang ama. Ang gulo." Natatawa na lang sa inis si Reymund.
"Kapag naka alala ka doon mo malalaman lahat ng kasagutan. Sa ngayon magtiwala ka kay Ana mahal ka din naman nya gaya nga ng sabi nya tinanggihan ka nya sa kasal dahil sa mga sinabi ni Terri sa kanya" sabi ng mama nya.
"Anak mo ang dinadala nya kailangan mo panagutan yun"
"Parang mas gusto ko na lang bumalik ng canada" sabi ni Reymund.
"Hindi ka babalik sa canada aayusin mo ang buhay mo dito. Eh ikaw din naman ang unang sumira ng relasyon nyo kaya kayo umabot sa ganito eh. Pakasalan mo si Ana." Sabi ng papa nya na may halong inis kay Reymund
Samantala kausap naman si Ana ng mama nya.
"Ma pano kung hindi na bumalik yung ala ala ni Reymund. Wala syang pagmamahal sakin ngayon baka hindi lang sya maging masaya kung magpapakasal kami." Naiiyak na sabi ni Suzet
"Eh kaya gawin mo lahat para maka alala sya. Diba sabi naman ng doktor babalik din ang ala ala nya. Kung magsasama kayo mas mapapadali na maka alala sya. Nakausap ko din ang papa at mga kuya mo at gusto nila na magpakasal kayo ni Reymund"
Pagkaraan ng dalawang araw ay nakalabas na sa ospital si Reymund. At pagkaraan ng dalawang linggo ay dinaos ang kasal nila. Civil wedding lang ito na dinaluhan lang ng kanilang pamilya at kaibigan.
Para makapagsolo ang mag asawa ay sa isang condo unit na binili ng magulang ni Reymund sila tumira.
First day nila sa condo unit. Nag aayos ng gamit si Ana at Reymund. Nagprint si Ana ng maraming pictures nila ni Reymund at nilagay sa picture frame. Naisip nya na kung madalas ito makita ni Reymund baka mabilis itong maka alala.
"Reymund diba marami kang pictures na nakadikit sa dingding ng kwarto mo dati. Alam ko sabi mo noon dadalhin mo yun sa canada eh. Nasan na?"
"Hindi ko alam. Hindi ko nga matandaan na nagdikit ako ng picture sa dingding eh" natatawang sabi ni Reymund
"As in hindi mo talaga maalala. Eh ano lang ang naaalala mo. Alam mo curious talaga ko sa memories mo ngayon." Sabi ni Ana.
"Parang lahat ng nandoon ka wala sa memories ko" natawang sabi ni Reymund.
"Grabe" natawa na lang din na sabi ni Ana. "Edi ang konti ng memories mo ngayon. Kasi karamihan sa memories mo kasama ako eh" nangiting sabi ni Ana.
Maya maya ay may tumawag sa cellphone ni Reymund.
"Hello Terri.... Sige hintayin mo ko jan" narinig ni Ana na sabi ni Reymund.
"May puntahan lang ako ha" sabi ni Reymund sabay alis.
Sa isip isip ni Ana first day nilang mag asawa sa bagong bahay nila pero iniwan sya nito at nakipagkita sa ibang babae.
Samantala, nakangiti si Terri habang papalapit sa kanya si Reymund.
"Akala ko hindi ka pupunta eh. Aalis na ko mamayang gabi." Sabi ni Terri sabay yakap kay Reymund.
"Mabuti naman" sabay iwas ni Reymund sa pagyakap ni Terri.
"Ano yung mga sinabi ni Ana noon sa ospital ha. Hindi pa kita nabalikan doon dahil magulo ang utak ko magulo ang sitwasyon eh. San mo napulot yung istoryang yun na sinabi mo sa kanya?"gigil na sabi ni Reymund kay Terri
"Nakaka alala ka na ba?" tanong ni Terri
"Hindi pa at siguro kung nakaka alala lang ako mas matindi pa dito ang galit ko sayo." Sabi ni Reymund
"Reymund" naiiyak na sabi ni Terri
"Yung sinabi ko ba noon sayo sa ospital na naalala ko na nagtatalo tayo dahil nalaman ko na to dati pa ha." Tanong ni Reymund.
Hindi makapagsalita si Terri.
"Ano? Nalaman ko na ba to dati bago ako naaksidente?" Tanong ni Reymund
"Reymund sorry nagawa ko lang naman dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo eh. Sobra akong nagselos kay Ana."
"Ibang iba ka na Terri. Sige na mabuti nga at aalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik ha" sabay alis ni Reymund.
Bago umuwi ni Reymund ay naisipan muna nyang bumili ng pagkain. "Ano kayang gusto ni Ana" sa isip isip nya. "Bahala ka na" biglang pumasok sa isip nya na sabi ni Ana. Bigla syang napangiti. Sa isip isip nya ay nadadalas na ang pagpasok sa isip nya ng mga ala ala ni Ana.
Pag uwi ay naabutan nya itong natutulog sa sofa. Tinignan nya yung pictures na dinisplay nito. Pinipilit nyang alalahanin ang mga yun pero kahit isa sa mga yun ay wala syang matandaan. Maya maya ay naupo siya sa kabilang sofa at napatingin kay Ana habang natutulog. Naisip nya na noon lang nya natitigan ang mukha nito. Mga ilang minuto ay nagising si Ana at napatingin sa kanya.
"Nanjan ka na pala. Anong oras ka dumating?" Sabi ni Ana habang pupungas pungas sa pagbangon.
"Kanina pa. Kain tayo. May dala kong pagkain" sabi ni Reymund habang papunta sa kusina.
"Ang dami naman nito Reymund mauubos ba natin to?" Sabi ni Ana pagkakita sa ibat ibang pagkain na nasa lamesa.
"Hindi ko kasi alam kung ano mga gusto mo eh. Wala naman ako makitang 'bahala ka na' kaya yan ang nabili ko" nakangiting sabi ni Reymund.
Natawa si Ana sa narinig.
"Alam mo parang ikaw na talaga yan " natutuwang sabi ni Ana.
"Nawalan lang naman ako ng memory pero ako pa din to" sabi ni Reymund.
Kinagabihan ay kanya kanya na silang pasok sa kwarto. Napag usapan nila na dahil wala pang maalala si Reymund at hindi sila komportable ay hindi muna sila magsasama sa kwarto.
Kinabukasan hinatid ni Reymund si Ana sa trabaho.
"Sure ka pwede ka ng magtrabaho. Diba sabi ng doctor magbed rest ka muna" sabi ni Reymund na nag aalala sa sitwasyon ni Ana.
"Mas lalo ako mastress pag nasa bahay wala akong magawa. Hindi naman din mabigat yung trabaho ko eh. Kayang kaya namin ni baby yan" sabi ni Ana sabay himas sa tyan nya.
"Eh kung magresign ka na lang kaya tapos dun ka na lang sa bar natin. Sakto kailangan namin ni Martin ng accountant eh di ikaw na lang" sabi ni Reymund
Biglang natuwa si Ana sa sinabi ni Reymund na 'bar natin'. "First job ko kasi yung bank at ilang years na ko dun parang ang hirap iwanan. Pero sige pag iisipan ko" nakangiting sabi ni Ana.
Dahil abala sa pagkukwentuhan hindi napansin ni Ana na nasa bangko na sila. "Teka nasabi ko ba sayo na dito ako nagwowork?"
Biglang napaisip din si Reymund. "Basta dito ako dinala ng isip ko eh." Sabi ni Reymund
"Malapit ka na siguro maka alala" natutuwang sabi ni Ana.
Pagkababa sa sasakyan habang inaalalayan ni Reymund si Ana sa paglalakad ay sinalubong sila ng guard "Mam Ana nagpakasal na pala kayo congrats po sa inyo."
"Salamat po" sagot ni Ana
Binati din sila ng ibang katrabaho ni Ana na nakakita sa kanila.
"Madalas ba ko dito? Kilala nila ko" tanong ni Reymund kay Ana.
"Oo. Ilang beses ka din nagpunta dito para sunduin ako. Iniisip nga nila dito dati bf kita eh" natawang sabi ni Ana. "Sige pasok na ko sa loob ingat ka" paalam nito kay Reymund.
Napapangiting umalis si Reymund.
Ilang araw ang nagdaan nasanay na din sila sa araw araw na set up nila sa bahay. Nagpasya na din si Ana na magresign sa trabaho at doon na sa bar ni Reymund tinuloy ang pagiging accountant.
Araw ng prenatal check up ni Ana.
"Pakikinggan natin yung heartbeat ng baby nyo ha." Sabi ng doctor.
Habang nakahiga si Ana ay tinaas ng doktor ang blouse na suot nito at binaba ang pants hanggang sa baba ng puson. Biglang napaiwas ng tingin si Reymund pagkakita doon.
Maya maya ay may aparato na nilagay sa tyan nito para marinig ang heartbeat ng baby.
Biglang nagkatinginan at natuwa si Reymund at Ana pagkarinig ng heartbeat ng baby nila.
"Normal ang heartbeat ng baby nyo" nakangiting sabi ng doktor.
"Doc pwede na po ba malaman ang gender ng baby?" Tanong ni Ana.
"Kapag 4 months na sya pwede na natin makita" sabi ng doctor.