CHAPTER 18

2820 Words
PART 1 Kinabukasan. Lunch break ni Ana sa trabaho. Nagtext si Terri sa kanya na gusto sya nitong makausap at dahil malapit lang sa pinagtatrabahuan nya ang lugar na sinabi ni Terri na magusap sila ay pinuntahan nya ito. Pagkita ng dalawa ay nagbeso at nagbatian muna sila bago nagusap . "Babalik na kasi ko sa Canada next week" sabi ni Terri. "Ah ganon ba. Mag iingat ka dun ha. Alam na ba ni Reymund yan." Tanong ni Ana. "Oo. Nakapag usap na kami. Ana kayo na ba uli?" Tanong ni Terri. "Okay na kami ni Reymund pero hindi pa kami masyadong nakakapag usap talaga sa about sa amin." Sabi ni Ana na hindi komportable na sagutin si Terri dahil iniisip nito ang mararamdaman nito dahil sa dati silang may relasyon ni Reymund. "Kasi nung nasa resort tayo alam ko naman yun nung gabi na nagpunta si Reymund sa kwarto mo." Sabi ni Terri. "Ah talaga" sabi ni Ana na nakaramdam ng hiya kay Terri. "Pero huwag ka magalala wala naman na sakin yun hiwalay na kami diba. Tsaka sanay na sanay na din ako jan kay Reymund na ganyan sya" sabi ni Terri habang panay ang sipsip sa iced tea. "Anong ibig mong sabihin" takang tanong ni Ana sa sinasabi ni Terri. "Sa Canada kasi noong kami pa madalas nya yan gawin sa akin na sumasama sya sa ibang babae. Iba iba yung nagiging babae nya dun. At alam ko yun. Hinahayaan ko lang sya na gawin yun. Inisip ko siguro ganun talaga sya. Alam ko kasi yung naging past nyo at yung dahilan kaya kayo naghiwalay dati." Sabi ni Terri na hindi makatingin ng diretso kay Ana. "Ano?? " Ang tanging nasabi lang ni Ana sa pagkabigla sa sinabi ni Terri. Biglang pumasok sa isip nya yung dating naging dahilan ng pahihiwalay nila at bumalik yung sakit na naramdaman nya. "Sinasabi ko sayo kasi sa ilang araw na nakilala kita naging magaan yung loob ko sayo. Iniisip ko baka gawin din nya sayo baka maulit uli yung nagyari sa inyo dati at masaktan ka uli. Kasi sa akin sobrang sakit nun kinakaya ko lang. Eh ikaw? Diba sobra kang nasaktan noon kaya pinili mong hiwalayan na lang sya. Noong minsan na kinompronta ko sya dahil hindi ko na kaya yung ginagawa nya. Nangako sya sa akin na hindi na mauulit. Pero inulit pa rin nya ng inulit. Kaya noong nagsabi sya sakin na babalik na dito at maghiwalay kami pumayag na din ako. Hindi ko na din kasi kaya eh. " Naiiyak pa na sabi ni Terri. "Noong nasa resort tayo magkasama kami sa kwarto alam nya na nandoon ako pero nagawa pa din nya na pumunta sayo. Alam nya kasi na okay lang sa akin ang ganon. Kaya harap harapan sa akin kung gawin nya yun. Noong madaling araw bumalik sya sa kwarto ko. Nilambing lambing nya ko dahil namiss daw nya ko. Hindi lang ako nagpadala sa kanya. Kasi syempre alam ko naman na katatapos nya lang sayo tapos sa akin naman hindi pa ko ganun kadesperada para pagbigyan sya." Sabi ni Terri naalala nya yung narinig na usapan ni Reymund at Ana sa kwarto nito na nagtatanong si Ana tungkol sa oras ng pagalis ni Reymund sa tabi nya kaya naisip nya na gawan ng kwento yung nangyari nung oras na yun. "Ana huwag mo na lang sana sabihin kay Reymund itong sinabi ko sayo. Kasi malamang magdedeny din sya sayo at malamang ako yung pagbubuntunan nya ng galit kasi alam mo noong minsan na kinompronta ko sya sa Canada bigla na lang nya kong sinaktan kaya malamang mangyari uli yun. "Ha sinaktan ka nya". Naisip ni Ana na parang ibang tao na si Reymund. Naalala nya sa resort na bigla itong nagalit sa suot nyang swimsuit at pati si Dexter na kaibigan nila ay gustong idamay ni Reymund. Pagtapos ng usapan nila ni Terri. Sobra sobrang sakit ang naramdaman ni Ana. Bumalik yung sakit na naramdaman nya noon na kinalimutan na nya. Naisip nya yung nangyari sa resort sinabi ni Reymund sa kanya na hindi ito umalis sa tabi nya. Na umalis lang ito nung umaga na 30mins bago sya nagising. Naisip nya na nagsinungaling sa kanya si Reymund. Na hindi pa din ito nagbabago at naging malala pa noong napunta sa Canada. Habang nagtatrabaho ay panay ang patak ng luha nya sa sakit na nararamdaman. Paglabas nya sa trabaho si Reymund ang bumungad sa kanya. Nakangiti ito sa kanya. Hindi naman nya alam kung paano ito titignan. Paglapit ay niyakap sya agad ni Reymund at kiniss sa noo. Kinuha nito ang hawak nyang bag at pinagbuksan sya ng kotse. Pakiramdam ni Ana ay para na lang syang robot na sumusunod dito na kahit gusto nyang umayaw dahil sa mga nalaman nya ay hindi nya magawa. "Anong gusto mo kainin. Wag lang yung 'bahala ka na' ha" natatawang sabi ni Reymund. Napansin ni Reymund ang itsura ni Ana na parang walang gana at matamlay. "Masama ba pakiramdam mo love" sabi ni Reymund sabay hawak sa kamay nya. "Oo eh" sabi na lang ni Ana para hindi na ito magtanong pa. Kumain muna sila. Dahil walang gana kumain si Ana ay nagyaya sya agad na umuwi. Pagkahinto ng kotse sa tapat ng bahay nila Ana ay hindi muna sya pinababa ni Reymund. "Wait lang love may sasabihin kasi ako sayo eh. Ayoko na kasing patagalin pa. Mula kasi ng makita kita uli naramdaman ko uli yung pagmamahal ko para sayo mag mula pa noong mga bata pa tayo. At dahil sa ilang taon na naghiwalay tayo pakiramdam ko mas lalo pa kitang minahal. Ayoko na mawala ka pa uli sakin kaya nagdesisiyon akong mag stay na dito sa Pilipinas na kasama ka." Sabi ni Reymund maya maya ay may kinuha sya sa bulsa ng polo nya. Binuksan nya ang maliit na kahon at sinabing "hindi na ko makapaghintay na makasama ka habambuhay. Mahal na mahal kita. Will you marry me?" Naiiyak na sabi ni Reymund. Biglang natuliro ang isip ni Ana. Sa isip isip nya dapat ay masaya sya dahil ito na yung matagal nyang inaasam asam na makasama nya si Reymund habambuhay. Si Reymund lang yung lalakeng minahal nya kaya ito ang gusto nyang mapangasawa. Pero dahil sa mga nalaman nya na pinaggagawa nito sa Canada at yung nanumbalik na sakit noon kaya sila naghiwalay ay bigla syang nagdalawang isip ngayon. "Bakit Ana. Ayaw mo ba. Hindi ka pa ba handa?" Tanong ni Reymund dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Ana. "Sorry Reymund parang hindi pa kasi ko handa" dahilan ni Ana "Bakit akala ko ba okay na tayo" nagtatakang tanong nito sa reaksyon ni Ana. "Kasi kapag naalala ko yung nangyari dati parang..." Hindi naituloy ang sasabihin ni Ana ng magsalita si Reymund "Yung dati pa rin ba ang issue. Akala ko okay na. Hindi mo pa rin ba ko napapatawad. Hanggang kailan ko ba dapat pagbayaran yung ginawa ko sayo dati. Sa limang taon halos araw araw kong pinagsisihin yung nagawa ko. Dahil dun kaya ka nawala sakin. Nakahanda naman ako na habambuhay na pagsisihan at pagbayaran yun eh. Please sana lang tanggapin mo na ko uli." Naiiyak na sabi ni Reymund sabay hawak sa kamay ni Ana. Hinatak ni Ana ang kamay nyang hawak ni Reymund . "Sorry Reymund hindi ko talaga kaya" sabi ni Ana sabay baba sa sasakyan. Naiwang nagiiyak na lang si Reymund at napapahampas sa manibela sa sobrang sakit na naramdaman. Habang papunta sa kwarto ay panay ang iyak ni Ana. Nasalubong nya ang mama nya sa hagdan at nakita sya sa ganung itsura "oh aning ano nangyari sayo" sabi ng mama nya. "Wala po ito ma" sabi nya sabay pasok sa kwarto. Naisip nya bakit ganito ang kapalaran nila ni Reymund. Naghiwalay sila at pinagtagpong muli para maghiwalay uli. Tinanggihan nya yung kasal na inaalok nito na madalas nyang pangarapin. Naisip nya siguro talagang hindi sila ang para sa isa't isa. PART 2 Kinabukasan. Habang nasa bar nya si Reymund at isa isang tinitignan ang mga bagong dating na mga kasangkapan na gagamitin sa pag operate nya ng bar. Naisip nya si Ana. Sa isip isip nya lahat ng ginagawa nyang iyon na pagsusumikap ay para sa future nila. Umuwi sya dito sa Pilipinas para dito ayusin ang buhay nya at si Ana ang gusto nyang makasama pero tinanggihan sya nito. Naisip nya bigla yung time na nasa resort sila. Masaya sila doon at wala syang nakitang problema. Ramdam nya na mahal din sya ni Ana kaya naisip nyang magpropose na dito. Napapaisip sya kung anong naging problema nito at bigla syang nagbago. Maya maya ay dumating si Terri. "Hi Reymund sabi ko na dito kita makikita eh" bungad na sabi ni Terri pagkakita sa kanya. "Hi. Anong kailangan mo" sabi ni Reymund "Babalik na kasi ko sa Canada next week. Wala lang gusto ko lang makasama ka bago ako bumalik." Sabi ni Terri. Maya maya ay dumating si Martin na business partner ni Reymund sa bar. Nagkakilala sila nito sa Canada at nagtatrabaho din sa isang bar doon. Pinili rin nitong umuwi na lang sa Pilipinas at napagkasunduan nila ni Reymund ang pagtayo ng bar. "Terri kailan balik mo sa Canada?" Tanong nito kay Terri. "Next week" sabi ni Terri. "Ay oo nga pala kahapon nakita kita sa Greenbelt kausap mo si Ana. Hindi ko na kayo inistorbo mukhang seryoso ang pinaguusapan nyo eh. " "Ha nakita mo kami" sabi ni Terri na biglang napatingin kay Reymund at napatingin din ito sa kanya. "Oo magkasabay nga kami ni Ana lumabas sa restaurant eh tinatawag ko sya hindi ako naririnig. Iyak ng iyak. Nag away ba kayong dalawa" sabi pa nito. "Ha hindi. May pinagusapan lang kami." Sabi ni Terri. "Ah okay akala ko pinagawayan nyo na tong pare kong to eh. Ang gwapo mo kasi pre eh" biro pa nito kay Reymund at nagpaalam ng umalis. Natahimik bigla si Terri. Plano na sana nyang umalis dahil alam nyang tatanungin sya ni Reymund ngunit pinigilan sya nito. "Terri may sinabi ka ba kay Ana?" tanong ni Reymund. "Ha ano namang sasabihin ko" nagmaang maangan na sabi ni Terri "Ano yung sinasabi ni Martin na umiiyak si Ana pagkatapos nyong mag usap kahapon?" Biglang nakaramdam ng inis si Reymund kay Terri. "Ha malay ko" sagot ni Terri "Terri nagpropose ako kay Ana kagabi. Tinanggihan nya ko. Bigla bigla syang nagbago. May sinabi ka sa kanya noh?" Nagiinit na ang ulo ni Reymund kay Terri ng mga oras na yun. "Nagpropose ka pakakasalan mo sya?" Sabi ni Terri. "Ganon ganon na lang talaga kadali sayo. Bakit hindi na lang ako Reymund. Ako nagbangon sayo nung lugmok na lugmok ka sa Canada dahil kay Ana. Matagal na kayong hiwalay eh bakit hindi na lang ako" mangiyak ngiyak na sabi ni Terri "Terri akala ko ba naiintindihan mo. Kaya ko nga sinabi sayo lahat eh. Wala akong itinago sayo lahat ng tungkol samin ni Ana inopen ko sayo. Dahil parati mo sinasabi na naiintindihan mo." Sabi ni Reymund "Naiintindihan ko lahat tungkol sa inyo ang hindi ko lang maintindihan bakit hindi mo ko magawang mahalin. Iniintindi kita kahit ang sakit sakit na. Nagpropose ka kay Ana tinanggihan ka nya mabuti nga sayo. Sigurado ako kahit kailan hindi ka na nya tatanggapin." Pasigaw na sabi ni Terri sabay alis. Hinawakan ni Reymund ang braso nya. "Ano bang sinabi mo sa kanya? Tang*na naman Terri eh. Anong sinabi mo sa kanya para tanggihan nya ko at magalit sya sakin? Bakit sya umiiyak?. Anong ginawa mo?" sa sobrang galit ay kinapitan nya ng mahigpit ang braso ni Ana . "Ano magsalita ka" pasigaw na sabi ni Reymund ng hindi pa rin nagsasalita si Terri. "Wala nga. Nasasaktan ako Reymund ano ba". "Terri huwag ka na lang magpapakita sakin ha. Kahit kay Ana kahit sa mga kaibigan namin. Trinato ka namin ng maayos dito. Si Ana naging mabuti sayo si Ana pero yan ang binalik mo sa kanya. Umuwi ka na sa Canada huwag ka ng lalapit samin. Naiintindihan mo" sabi ni Reymund sabay alis. Plano nyang puntahan si Ana sa trabaho tinignan nya ang oras malapit na itong umuwi. Naisip nya na mabuti na lang motor ang ginamit nya papunta sa bar kanina kaya mas madali sya makakapunta sa trabaho ni Ana. Naisip nya na kaya pala biglang nagkaganon si Ana ay dahil sa sinabi ni Terri. Iniisip nya kung ano ang mga sinabi ni Terri kay Ana kaya ganun na lang ang pagtanggi sa kanya nito. Samantala sa trabaho ni Ana. Nandoon si Joeff para mag audit. Napatingin sya kay Joeff habang nagtatrabaho. Naalala nya noong unang beses na nakita ito ni Reymund noong ihatid sya nito sa bahay nila dahil umuulan. Naisip nya selos na selos noon si Reymund. Yung pangalawang beses ay noong pinuntahan sya nito sa school at sinabi nyang bf nya si Joeff. Nakita nya kung gaanong nasaktan si Reymund noon at noong pangatlo ay sa resort dahil sinama nya si Joeff sa resort pinuntahan sya ni Reymund sa kwarto nila at sinabing hindi nito kaya na may kasama syang iba. Bigla nyang naisip ilang beses din nyang sinaktan si Reymund. Samantalang sya isang beses lang na nagkamali si Reymund noong nakipagrelasyon ito kay Monique na naging dahilan ng 5 taon nilang paghihiwalay ay hirap na hirap syang tanggapin. Sa isip isip nya parang mas matindi pa yung ginawa nya kay Reymund. Yung harap harapan syang may kasamang lalake sa loob ng kwarto pero pinatawad pa rin sya nito samantalang sya noong nakipagrelasyon ito kay Monique at nahuli nya, ilang beses itong humingi ng tawad sa kanya pero hindi nya ito tinanggap. Bigla nyang naisip kung gaano sya kamahal ni Reymund. Sumilip sya sa labas ng bangko para tignan kung nandoon si reymund dahil ganoong oras ito pumupunta para sunduin sya ngunit wala ito doon. Naisip nya baka nagalit o nagtampo ito dahil tinanggihan nya yung kasal na inaalok nito sa kanya. Naisip nya na puntahan na lang ito sa bahay nila pag uwi. Bigla syang nagsisi na hindi nya tinanggap ang wedding proposal nito sa kanya. Naisip nya na kung bakit nagpadala sya agad agad sa sinabi ni Terri ng hindi pa nalalaman ang side ni Reymund. Bigla sya naexcite umuwi para kausapin si Reymund mahal na mahal nya si Reymund at naisip nya na ayaw nya na mawala pa uli ito sa kanya. Kadarating lang ni Reymund sa bangko. Dahil wala na syang maparkingan ng motor doon ay sa katapat na establishment na lang sya naghintay. Tinignan nya ang oras sakto lang sa oras ng uwian ni Ana. Oras na ng paguwi ni Ana habang palabas sya ng bangko ay sinabayan sya ni Joeff. "Pauwi ka na Ana? May dadaanan ka pa gusto mo hatid kita?" Tanong ni Joeff sa kanya. Dahil gustong makauwi agad para mapuntahan si Reymund sa bahay nila ay pumayag sya. Pinagbuksan sya ng pinto ng kotse ni Joeff at sumakay sya. Naisip nya na sa kanto lang sya ng subdivision magpapahatid dahil baka makita ito ni Reymund at magalit ito. Samantala mula sa katapat na establishment ay kitang kita ni Reymund ang paglabas ni Ana kasama si Joeff. Nakita nyang sumakay ito sa sasakyan ni Joeff pakiramdam nya ay madudurog ang puso nya sa sobrang sakit. Naisip nya kung isa ba yun sa dahilan kaya sya nito tinanggihan na magpakasal sa kanya. Ang sama sama ng loob ni Reymund ng mga oras na yun. Umalis syang mangiyak ngiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Habang nagdadrive ng motor naalala nya yung ilang pagkakataon na nakita nyang magkasama yung dalawa. Sobra sobrang galit at sakit ang nararamdaman nya ng mga oras na yun. Hanggang sa nawalan sya ng konsentrasyon sa pagmamaneho at sumalpok sya sa truck na nasa harapan nya. Habang nasa byahe si Ana at Joeff ay narinig nya ang pag ring ng cellphone nya. Tumatawag ang katrabaho nyang si Leslie. Sinagot nya ito. "Hello Ana" sabi ni Leslie. "Hi Leslie bakit napatawag ka" "Pumunta ka nga dito sa buendia kasi parang bf mo yung naaksidente dito eh. Kasi kanina nakita ko syang naghihintay sa tapat ng bangko nakamotor sya. Eh nagulat ako pagdaan ko dito may aksidente parang yung bf mo kasi eh. "Ano?? San banda? Agad na tanong ni Ana. Naginginig ang katawan nya habang papunta sila ni Joeff sa sinabi ni Leslie na lugar na naaksidente si Reymund. Habang papalapit paulit ulit na sinasabi ni Ana sa sarili na sana ay kamukha lang ni Reymund at nagkamali lang si Leslie. Pero pagdating doon ay si Reymund ang nakita nya habang sinasakay ito sa ambulance. Wala itong malay at maraming dugo ang nagkalat sa sahig. Sumama si Ana sa loob ng ambulance. "Reymund" humahagulgol ng iyak si Ana habang nilalagyan sya ng oxygen ng medical staff na nasa loob ng ambulance. "Reymund gumising ka na please. Pumapayag na kong magpakasal sayo gumising ka na" umiiyak nyang sabi habang niyayakap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD