Kinabukasan, paggising ni Reymund napangiti sya ng makita ang natutulog pa na si Ana na nakayakap sa kanya. Niyakap nya ito ng mahigpit. Hindi sya makapaniwala na kasama na uli nya ang pinakamamahal nya. Naalala nya noong bago sya umalis papuntang Canada. Napakabigat ng loob nya na umalis na ang tanging nagawa na lang nya ay umiyak ng umiyak.
"Ano Reymund gusto mo pa bang tumuloy? Kung ayaw mo hindi ka namin pipilitin sumama!" Sabi ng papa niya ng tawagin sya nito sa kwarto at maabutan na panay ang iyak nya. Naisip niya na kahit hindi sya tumuloy ay wala na rin naman siyang lugar sa buhay ni Ana dahil hiwalay na sila at may bago na itong bf. Kaya kahit masakit at mabigat sa kalooban nya ay tumuloy na rin sya sa Canada.
Ngayon hindi sya makapaniwala na kasama at katabi na uli nya si Ana. Hinalikan nya ito sa noo habang natutulog.
"I love you my love". Himbing na himbing pa ito sa pagtulog kaya hindi na lang nya ito ginising.
Bumangon sya sa kama. Naisip nya na maligo. Dahil nasa kabilang kwarto ni Terri ang mga gamit nya ay pumunta sya doon.
Pagkapasok nya sa kwarto ni Terri nakita nya ito na nakahiga at natutulog pa. Naisip niyang doon na lang sa cr ng kwarto ni Terri maligo.
Pagkatapos nya maligo at magpalit ng damit, plano nya na bumalik uli sa kwarto ni Ana.
Paglabas ng kwarto ay nakita nya si Darwin at Suzet.
"Goodmorning!" bati ni Suzet sa kanya. "Si Terri tulog pa!" tanong pa nito.
"oo!" sagot ni Reymund.
"Tara breakfast tayo!" pag aya ni Darwin sa kanya.
"Sige pre mauna na kayo!"
"Ok sunod kayo ni Terri ha." Nakangiting sabi ni Suzet.
Pagkaalis ni Darwin at Suzet ay pumunta siya sa kwarto ni Ana. Nakita nya natutulog pa rin ito. Naisip nya na pumunta na lang ng pantry para mag almusal. Paglabas ng kwarto ni Ana ay nakita nya si Terri na palabas din ng kwarto nito.
"Good morning!" Nakangiting bati ni Terri sa kanya.
"Good morning!" sagot niya.
"Pupunta ka ng pantry? Tara sabay na tayo!"
Naisip ni Reymund na magtatanong ito dahil hindi sya natulog sa kwarto nya at nakita nitong lumabas sya sa kwarto ni Ana. Ngunit tahimik ito hanggang sa makarating sila sa pantry.
Pagdating sa pantry ay naabutan nilang kumakain si Darwin, Suzet, Marc at Dexter.
"Good morning. Kumusta ang gabi!" tanong ni Dexter na may halong panunukso kay Reymund at Terri.
"Okay naman" sagot ni Terri.
Samantala. Paggising ni Ana, si Reymund agad ang unang hinanap ng paningin nya.
Naalala nya yung sinabi nito kagabi na hindi aalis sa tabi nya. Iniisip nya kung anong oras kaya ito umalis o bumalik din kaya ito sa kwarto ni Terri para doon matulog. Biglang nakaramdam ng sakit ng ulo si Ana kaya hininto nito ang pagiisip.
Naligo sya at nagpunta ng pantry. Pagpasok doon si Reymund at Terri na magkatabi ang una nyang nakita at nagtatawanan ang mga ito. Nakaramdam ng selos si Ana ng mga oras na yun.
"Good morning!" sabay sabay na bati ng nga kaibigan nya pagkakita sa kanya.
"Good morning!" Sagot niya. Diretso ang tingin niya sa upuan sa tabi ni Suzet.
"Kumusta pakiramdam mo marami ka nainom kagabi eh!" sabi ni Suzet.
"Nagbaon pa nga yan ng alak kagabi eh" sabi ni Dexter.
"Kumusta naman ang gabi mo?" tanong ni Marc.
Biglang naalala ni Ana yung nangyari sa kanila ni Reymund kagabi. Napatingin sya dito at sa katabing si Terri.
"Malungkot ang Aning!" narinig nyang sabi ni Dexter.
"Hindi ako malungkot noh" Inirapan niya si Dexter. "masakit lang ang ulo ko"
"Eh bat namumugto ang mata mo?" Tanong pa ni Dexter.
"Oo nga" biglang sabi ni Suzet pagkakita sa mga mata nya. "Okay lang yan bes. Kayang kaya mo yan!" sabi ni Suzet na napatingin kay Reymund at Terri. Naisip nyang nasasaktan si Ana dahil sa dalawa.
Pagkatapos kumain ng magkakaibigan ay nag sibalik na sila sa kwarto para magligpit ng gamit. Plano na nilang umuwi.
Pagkapasok ni Ana sa kwarto. Maya maya ay nakasunod sa kanya si Reymund.
"Ana!" tawag ni Reymund sa kanya. Lilingon sana sya sa likuran ngunit bigla sya nitong niyakap mula sa likod "Okay ka lang ba?" bulong ni Reymund sa kanya.
"Bat ka nandito baka hanapin ka ni Terri?"
"Yan ka na naman sa terri terri eh. Pwede bang huwag mo na syang isipin. Mula ngayon ako na lang ang isipin mo. Wala naman kami ni Terri eh. Ikaw ang mahal ko. Kaya huwag mo na syang ipilit sakin."
Biglang natuwa si Ana sa narinig. "Talaga ba. Bakit bigla kang nawala kanina pag gising ko. Sabi mo kagabi hindi ka aalis sa tabi ko."
"Hindi naman talaga. Hindi na kita ginising kanina pag gising ko dahil tulog na tulog ka pa eh." Hinigpitan pa ni Reymund ang yakap sa kanya.
"Talaga. Kaninang umaga ka lang ba umalis"
"Oo siguro mga 30 minutes pag gising mo. Bigla kasi ako nagutom kaya hindi na kita nahintay magising." sabi ni Reymund.
"Talaga." Napangiti si Ana sa narinig. Naisip nya na mali pala ang iniisip nya na bumalik ito sa kwarto ni Terri pagkatulog nya kagabi.
Maya maya ay lumipat sa harapan nya sa Reymund at niyakap sya. Hinawakan sya nito sa pisngi at hinalikan sa labi. "alam mo bang nabitin ako kagabi dahil tinulugan mo agad ako" sabi ni Reymund na nagingiti.
Natawa si Ana sa narinig. "Eh anong gusto mo mangyari ngayon" nakangiting sabi ni Ana.
Pagkarinig nun ay binuhat ni Reymund si Ana at hiniga sa kama. Nagtanggal ito ng tshirt at pumatong sa kanya. Hinaplos haplos ni Reymund ang pisngi nya at hinalikan sa labi. Itinuloy nila ang nabitin na sandali na pinagsaluhan nila noong gabi.
Samantala. Nagwawala sa galit si Terri sa kabilang kwarto. Pagkatapos nilang kumain kanina ay nagmadaling umalis si Reymund para sundan si Ana sa kwarto.
Naalala nya kagabi pagkatapos nya maligo niyakap nya si Reymund habang nagpapalit ito ng damit.
"Reymund I miss you"
Biglang umiwas si Reymund "Terri diba nag usap na tayo". umalis siya at nagpunta sa balcony. Sinundan siya ni Terri sa balcony ngunit bigla itong nawala. Pagtingin nya ay nasa kabila na ito at kausap si Ana.
Bumalik sya sa kwarto at nagiiyak. Naisip nya na talagang mahal na mahal nito si Ana.
Noong nasa Canada sila wala itong bukambibig kundi si Ana.
Naalala nya noong gabi na may nangyari sa kanilang dalawa ni Reymund sa Canada kinabukasan ay nagalit ito noong nag update sya ng relationship status nila.
"Reymund wala na kayo nung Ana na yun. Tanggapin mo na lang. Hindi mo nga alam kung magkikita pa kayo eh dito ka na nakatira sa Canada malayong malayo dun sa Ana. Ako yung nandito sana tignan mo din ako. Tatlong taon ka na dito sa Canada bigyan mo din ng pagkakataon yung sarili mo na lumigaya at hindi mangyayari yun kung parating si Ana ang iniisip mo." Sabi ni Terri nang magalit si Reymund sa ginawa niya.
Dahil sa sinabi ni Terri ay napaisip si Reymund. Nakipagrelasyon sya kay Terri at mula noon ay hindi na ito nagbanggit ng kahit ano tungkol kay Ana pero alam ni Terri na kahit hindi nagsasalita si Reymund ay si Ana pa rin ang laman ng puso niya.
Noong nagplano si Reymund na uuwi sa Pilipinas para maging best man sa kaibigan na si Darwin naisip din nito na pumirmi na sa Pilipinas at doon ituloy ang bar business nito. Nag usap sila ni Terri tungkol doon at pumayag itong maghiwalay na lang sila.
Tanggap na ni Terri na si Ana talaga ang mahal ni Reymund pero iba pa din kapag nasa harapan na. Sa isang araw lang na nakasama nya si Reymund at Ana mas lalo nyang naisip kung gaano talaga kamahal ni Reymund si Ana.
Ibang iba ang mga kilos nito kaysa noong sila pa sa Canada. Noong gabi na magkasama si Reymund at Ana ay hindi sya nakatulog. Sobrang sakit ng nararamdaman nya. Naisip nya na okay na sya eh tanggap na nya na si Ana ang mahal ni Reymund pero sobra sobrang sakit ang nararamdaman nya.
Sa ilang araw na nakilala nya si Ana nakita nya yung mga katangian kung bakit sya minahal ni Reymund. Gustong gusto din nya si Ana dahil mabait ito sa kanya pero matapos ng gabing yun parang bigla syang nakaramdam ng galit dito.
Iyak ng iyak si Terri sa kwarto nya. Mga ilang minuto ay pumasok si Reymund para kunin ang mga gamit nya.
Nagulat siya sa nadatnan nya sa loob ng kwarto. Lahat ng unan at kumot ay nasa sahig. Ang mga upuan ay nakatumba at magulo ang paligid. Nakita nya si Terri na nasa isang sulok at umiiyak.
"Terri bakit? What happened here?" Tanong ni Reymund habang isa isang inaayos ang mga gamit na nakakalat.
Maya maya ay nilapitan nya si Terri na umiiyak. "Ano nangyari?" Sabi ni Reymund.
Tumayo si Terri mula sa pagkakaupo sa sahig at niyakap si Reymund. "Reymund bumalik na tayo sa Canada. Sumama ka na lang sakin pabalik." Umiiyak niyang sabi.
"Ano ba sinasabi mo. Alam mo naman yung plano ko diba!" Sagot ni Reymund.
"Reymund diba gusto mo naman din ako. Tanggap ko naman na mahal mo si Ana eh masaya naman tayo nung nasa Canada tayo. Bumalik na lang tayo dun."
"Terri gusto kita dahil mabait ka at naiintindihan mo yung sitwasyon ko kaya malaki yung pasasalamat ko sayo dahil sayo kahit papano nawala yung lungkot na naramdaman ko noon. Pero pagbalik ko dito at nakita ko si Ana nabuhay uli yung pagmamahal ko sa kanya. Alam mo naman yun diba kung gaano ko sya kamahal. Ngayon mas minahal ko pa sya. Mabait ka Terri deserve mo ng lalakeng magmamahal talaga sayo."
"Ikaw lang ang gusto ko. Kaya please sumama ka na lang sakin." Pangungumbinsi na sabi ni Terri.
"Sorry. Buo na ang plano ko dito at kasama si Ana dun. Hindi na ko babalik sa Canada." Pinahid ni Reymund ang mga luha ni Terri. Gusto niyang kumalma ito. Naging mabuti sa kanya si Terri kaya nalungkot siyang nasasaktan ito dahil sa kanya.
Maya maya ay narinig nila ang boses ni Dexter sa pinto nila. Oras na ng pag alis nila kaya tinawag sila nito.
"Tara na!" Ani Reymund. Kinuha niya ang mga bagahe niya.
Paglabas ni Reymund ng kwarto ay nakita nya si Ana na palabas din ng kwarto. Kinuha nya ang bitbit nitong bag.
"San si Terri?" tanong ni Ana. Paglingon nya sa likod ay nakita nya ito na palabas ng kwarto. Nginitian ito ni Ana ngunit isang matalim na tingin ang ginanti sa kanya ni Terri. Nagtaka si Ana sa reaksyon nito at binalewala na lang yun. Inisip na lang niya na hindi maganda ang mood nito ng araw na yun.