Pagkatapos kumain ay nagpasya silang magswimming sa pool.
Si Suzet, dahil buntis ay naupo na lang habang kumakain ng prutas at nakamasid sa mga kaibigan na naliligo.
"beb gusto ko talaga magswimming naiinggit ako!" sabi nito kay Darwin paglapit sa kanya.
"Huwag na beb baka mapagod o madulas ka pa eh" hinimas ni Darwin ang tyan niya.
"May gusto ka pa kainin"? Tanong pa nito.
"Busog na ko wala na paglagyan sa tyan ko" sabi ni Suzet. Nakita niya si Ana at Terri na naka swimsuit.
"Sino mas seksi sa dalawa?" Tanong niya kay Darwin.
"Syempre yung asawa ko. Wala ng mas gaganda at seseksi pa sayo!" Niyakap ni Darwin ang asawa.
"Sus nambola ka na naman. Bakit kung kailan naging asawa na kita tsaka mo ko binobola bola ng ganyan pero dati parang hindi ka naman nagagandahan sakin ni hindi mo ko tinitignan. Sa iba ka lagi nakatingin" sabi ni Suzet na may halong pagtatampo kay Darwin
"Oh yan ka na naman eh pang ilang beses ko ng naririnig sayo yan. Madalas nga kita tignan hindi mo lang nakikita syempre mga pasikretong tingin yun. Silent love nga eh. Ikaw ang pinakamagandang babae para sakin."
"Talaga!" sabi ni Suzet. "Pero gusto ko talaga magswimming beb kahit saglit lang please" paglalambing niya kay Darwin.
"Sige. Pero sandali lang ha tsaka kakapit ka lang sakin" sabi ni Darwin. inalalayan niya si Suzet papunta sa swimming pool
Samantala habang mag isa sa gilid ng pool si Ana ay nilapitan siya ni Reymund.
"Ana kailan ka pa natutong magsuot ng ganyan" may halong inis na sabi ni Reymund kay Ana.
"Hah. Itong swimsuit. Bakit? dati pa naman ako nagsusuot nito ah"
"Dati naka short ka!" Asik ni Reymund.
"Eh bakit ba? hindi na ko bata at tayo tayo lang naman ang nandito. Para ka namang tatay kung makareact. Si Terri ba sinabihan mo din nyan. O mas gustong gusto mo pa na ganyan ang suot nya." Naiinis na sabi niya.
"Ana kung hindi ka magpapalit huwag kang lalapit kina Dexter ha!" Ani Reymund.
Natawa bigla si Ana "ano bang trip mo ngayon Reymund. Pati mga kaibigan natin dinadamay mo. Alam mo kahit maghubad yata ako sa harap ng mga yan hindi ako pag iinteresan eh" Tumawa si Ana.
"Huwag mo na lang ako pakialaman. Ayan na yung mahal mo oh." Sabi pa ni Ana pagkakita kay Terri na papunta sa pwesto nila. Umalis naman siya at nagtungo sa pwesto nina Dexter.
Kinagabihan ay nag inuman sila. Hindi maubos ubos ang kwentuhan at tawanan nila dahil kay Terri. Maya maya ay nauna ng nagpaalam para matulog si Darwin dahil sa buntis ang asawang si Suzet ay bawal itong magpuyat. Sumunod si Marc na maagang aalis kinabukasan dahil may business meeting pa ito.
"Mauna na din ako ha!" sabi ni Ana na kumuha muna ng isang bote ng alak bago umalis. "Wala kasi akong kasama sa kwarto eh tsaka mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi kaya ito na lang ang kasama ko" natatawa niyang sabi.
"Kaya mo pa ba maglakad?" tanong ni Dexter ng makitang natutumba siya sa pagkakatayo "Hatid na nga kita baka kung san ka pa pulutin eh"
"Ako na Dexter magkatabi lang naman kwarto namin eh." agad agad na sabi ni Reymund. Lumapit siya kay Ana kinapitan sa bewang para alalayan ito. Lumapit din si Terri.
"Okay bahala ka na jan. Matutulog na din ako" sabi ni Dexter.
Pagdating sa pintuan ng kwarto ni Ana ay nagpaalam na siya sa dalawa.
"Sige na okay na ko dito"
"Sure ka ha. goodnight!" Ani Terri kay Ana. Pumasok na ito sa katabing kwarto.
"Sige na!" sabi ni Ana kay Reymund na nakatayo lang sa harapan nya at nakatitig sa kanya. Dahil sa nakakalusaw na titig nito ay agad agad pumasok si Ana sa kwarto at sinara iyon.
Pagkapasok sa kwarto ay dumiretso si Ana sa cr para maligo. Pagkaligo ay pumwesto sya sa balcony at binuksan ang alak na bitbit nya.
Habang umiinom naisip nya yung huling beses na nagpunta sila doon sa resort na kasama nya si Joeff pinuntahan sya noon ni Reymund sa kwarto at sinabing hindi nito kaya na may kasama syang iba. Ngayon naman si Reymund ang merong kasama na iba. Naisip nya yung pakiramdam ni Reymund noon na kasama nya si Joeff ay nararamdaman naman nya ngayon na kasama nito si Terri.
Naisip nyang masakit pala. Habang umiinom ay panay ang iyak nya.
Samantala si Reymund naman sa kabilang kwarto dahil hindi komportable na kasama si Terri ay nagpunta sa balcony at nagyosi. Si Ana ang gusto nyang makasama at dahil sa sama ng loob na pinagtulakan sya nito kay Terri ay napilitan syang sumama dito.
Napatingin sya sa balcony ng kwarto ni Ana, nakita nya ito na umiinom ng alak. Dahil may maliit na daanan papunta sa kabila ay tumawid sya doon.
"Ana!" tawag nito pagkatawid sa kabila.
Napatingin si Ana. "anong ginagawa mo dito" Nagpahid siya bigla ng mga luha.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Reymund. Tumayo siya sa harap ni Ana.
"Wala ito" sabi ni Ana. Sabay inom ng alak.
"Tama na yan".
"Bumalik ka na baka hanapin ka ni Terri"
"Bakit mo ba ko pinagtutulakan sa kanya?" Napatitig siya kay Reymund nang marinig yun
"Bakit naman kita ipagtutulakan? Diba ikaw naman din ang nagsabi na mahal na mahal mo sya. Sana hindi ka na lang bumalik. Umalis ka na lang Reymund bumalik ka na lang sa Canada. Doon kayo magsama ni Terri" Tumayo si Ana at tinulak tulak si Reymund.
Pagtulak ni Ana kay Reymund ay hinawakan nito ang kamay nya.
"Ana"
Pinahid nya ang mga luha ni Ana na dumadaloy sa pisngi nito. Maya maya ay nilapit nya ang mukha nya kay Ana para halikan ito sa labi.
"Nanjan si Ter..." hindi naituloy ang sasabihin nya ng halikan ni Reymund. Nung una ay pumalag palag siya pero kalaunan ay nagustuhan niya ang halik na yun kaya gumanti siya ng halik. Bigla niyang namiss si Reymund sa halik nito.
Binuhat siya ni Reymund papasok sa kwarto habang patuloy pa rin ang mga halikan nila. Ikinawit niya ang magkabilang hita sa bewang nito.
Umupo si Reymund sa gilid ng kama habang nakakandong sa kanya si Ana. Maririin ang mga halikan nila. Bumaba ang halik ni Reymund sa mga leeg nya.
Maya maya ay tinanggal nya sa pagkakabuhol ang tali ng bathrobe ni Ana at hinubad ito.
"I miss you love" sabi niya habang hinahaplos haplos ang katawan ni Ana. Hinalik halikan nya ito sa dibdib maya maya ay hiniga nya si Ana sa kama. Nagtanggal sya ng suot na tshirt. Hinalikan nya si Ana pababa sa tyan. Binuka niya ang mga hita nito at agad nilasap ang parte ni Ana na sobra niyang namiss. Napapaungol si Ana sa sarap na naramdaman.
Tumayo si Reymund at naghubad ng shorts at brief at umibabaw kay Ana.
Hinalikan ni Reymund si Ana sa noo. "You have no idea how much I miss you!" sambit nito. Napangiti si Ana. Pareho lang ang nararamdaman nila ni Reymund.
Naramdaman niya ang ipinasok ni Reymund sa loob niya. Matagal na panahon na mula ng huling may nangyari sa kanila kaya nakaramdam siya ng kirot. Pakiramdam nya ay kagaya iyon ng unang beses pa lang na meron nangyari sa kanila. Napapakagat labi sya at napadiin ang kapit sa likod nito.
"Sorry!" sabi ni Reymund ng mapansin na nasasaktan si Ana. Binilisan ni Reymund ang pagkilos hanggang marating nila pareho ang sukdulan.
Humiga si Reymund sa tabi niya.
"Dito ka lang sa akin!" Sabi ni Ana habang niyayakap si Reymund.
Napangiti si Reymund. "Oo dito lang ako hindi ako aalis sa tabi mo".