CHAPTER 4

1423 Words
Sa park ng subdivision nagusap usap ang magkakaibigan. Pare-parehong problemado kung paano haharapin ang mga magulang nila dahil sa mga mukha nilang puro bangas dahil sa bugbog ng grupo ni Bryan at Steve. "Pito sila apat lang kayo oh kaya ayan ang natamo nyo mabuti hindi kayo napuruhan" sabi ni Ana habang ginagamot ang mga sugat ng kaibigan. Si Suzet ay panay ang iyak habang ginagamot ang sugat ni Darwin. Nagiguilty sya dahil sa kanya kaya nangyari yun sa mga kaibigan nya. "Tumahan ka na hindi mo naman kasalanan eh" sabi ni Darwin na pinipilit patahanin si Suzet sa pagiyak. "Tang*na naman kasi Suzet Ana pumili naman kayo ng jojowain nyo. Si Steve kailan lang nung nag away si Bianca at Mary dahil sabay na tinuhog ng tukmol na Steve na yan tapos ngayon jojowain mo Zet. Tang*na naman eh." "Tapos ikaw Ana umistraight lang yung buhok mo kumulot naman ang utak mo si Bryan pinatulan mo eh ilang beses na nga kami nag away nung basag ulong ungas na yun at tropa nya." Panenermon ni Dexter sa kanila. "Hoy excuse me hindi kami ni Bryan. Sinamahan ko lang si Suzet malay ko ba na pati si Bryan nandoon din." Sabi ni Ana sabay tingin nya kay Reymund. Habang naglalakad pauwi... "Ana hindi ba talaga kayo ni Bryan. Bakit kayo magkasama diba sabi ko huwag ka makipagusap sa kanya." Sabi ni Reymund na dismayado kay Ana. "Hindi nga kami. Sinamahan ko lang talaga si Suzet eh nagkataon na nandoon din si Bryan. Tsaka nainis din kasi ko sayo nakita kita kanina parang hinaharana mo si Sofie. May gusto ka ba sa kanya ha." "Hinarana? Natawa bigla si Reymund. Sinubukan ko lang yung gitara ni Justin kanina eh biglang umupo si Sofie sa tapat ko. Parang hindi ko naman matandaan na tinignan ko sya kanina." sabi ni Reymund. Natutuwa siyang nagseselos si Ana kay Sofie. "Kitang kita ko kaya ngumingiti ka pa nga eh. Sya ba yung crush mo na tinutukoy mo na mas maganda pa kay Suzet. Eh tingin ko naman mas maganda si Suzet doon" sabi ni Ana. Natawa si Reymund "bakit gusto mo ba makita yung crush ko na yun?" "Hay naku huwag na noh!" sabi ni Ana. Hinawakan ni Reymund ang kamay niya at hinila sa harap ng salamin ng kotse na nasa tapat nila. "Ayan yung crush ko!" Nakangiting sabi ni Reymund. Biglang kinilig si Ana sa nalaman. "Talaga bakit ako Reymund hindi naman ako maganda eh" sabi ni Ana na nagingiti sa kilig. "Maganda ka kahit dati pa. Ikaw ang pinaka magandang babae na nakilala ko. Naiinis nga ko na nagtransform transform ka pa. Mas marami tuloy tumitingin sayo. Gusto ko ako lang eh." sabi ni Reymund sabay hawak sa kamay ni Ana at inilapit sa kanya. "Tang*na brad doon kayo sa gilid maglampungan." natigil ang matamis na tinginan ng dalawa ng marinig ang boses ni Marc. Nakalimutan nilang kasama pala nila ang mga kaibigan nila. Pagkauwi sa bahay habang nasa tapat ng gate nila Ana. "Ano Ana tayo na ba? Gusto kita mahal kita gusto kita maging girlfriend." Sabi ni Reymund na hawak ang kamay niya. Maya maya ay napaisip si Ana. Matagal na nyang inaasam na maging bf si Reymund pero ngayon na nandoon na sila sa puntong iyon parang bigla syang nagdadalawang isip. Naisip nya bigla ang edad nila. 15 years old palang sila. Iniisip nya kung papayagan sya ng magulang nya na magbf sa ganung edad. Biglang ang daming gumugulo sa isip nya. Bigla syang napabitiw sa kapit ni Reymund sa kamay nya. "Bakit ayaw mo ba. Akala ko ba gusto mo din ako!" Ani Reymund na nakatitig sa kanya "Oo Reymund gusto kita pero gusto ko muna pagisipan kung papasok tayo sa seryosong relasyon para kasing.... Hindi naituloy ni Ana ang sasabihin nya "Seryoso ako sayo Ana. Sana pumayag ka." Pagkatapos makipagusap ng mga magulang nila sa Guidance Office. Napagdesisyon na bilang kaparusahan sa grupo nila Reymund ay isang linggo na may community service ang mga ito sa school. Ang grupo naman nila Bryan ay suspended ng isang linggo at dahil final exam na nila iyon automatic na 0 ang grade ng mga iyon sa exam. Habang naglilinis sa skwelahan ang magkakaibigan.. "Tang*na pre mas maganda pa ang masuspend kaysa ganito" reklamo ni Dexter habang naglilinis "0 naman ang grade mo dun pre" sabi ni Darwin. "Kumusta si Suzet hiniwalayan na ba yung gagung Steve?" Tanong ni Marc kay Darwin. "Oo" naalala ni Darwin na noong isang araw ay sinabi nya sa magulang ni Suzet na bf nito yung isa sa nakaaway nila. Galit na galit ang magulang ni Suzet at sinabihan siya na hiwalayan ito. Ngayon ay hindi sya pinapansin nito dahil sa pagsumbong nya sa magulang nito. Nasabi pa nya dito na sila na ni Margaret dahil nasaktan sya sa sinabi ni Suzet na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Samantala magkasamang naglilinis sa hallway si Suzet at Ana. 3 days ang parusa nila sa community service. "Bes baka nagbibiro lang naman si Darwin sa sinabi nyang sila ni Margaret. Obvious naman na ikaw ang gusto nya. Halos mapatay nga nya si Steve sa galit nung nalaman nyang kayo eh. Magusap kasi kayo ng maayos." Sabi ni Ana habang nagwawalis. "Tinanong ko sya kung may gusto sya sakin at kung plano nya ko ligawan sinabi nya na hindi wala daw sya gusto sakin dahil sila na ni Margaret." Malungkot na sabi ni Suzet. Tapos nagsumbong sya kay Mama na bf ko si Steve pinagalitan tuloy ako ni Mama hiwalayan ko daw si Steve." "Eh san ka ba nalulungkot sa hiwalay na kayo ni Steve o dahil si Darwin at Margaret na? Diba nung kasama natin si Bryan at Steve sa canteen nakipagbreak ka na sa kanya dahil sabi mo wala ka talagang gusto sa kanya" Hindi nakaimik si Suzet. Napatingin si Ana kay Suzet namumugto ang mga mata nito na halatang galing sa magdamag na pagiyak naisip ni Ana kahit hindi ito masyadong nagkukuwento sa kanya ng tungkol sa feelings nya kay Darwin alam nyang malaki ang pagmamahal nya para dito. Nasasaktan sya para sa kaibigan. Naisip nya bigla na ayaw nya magaya sa sitwasyon ni Suzet. Pauwi na silang magkakaibigan. Nakakapit si Suzet kay Ana habang naglalakad. Naisip ni Reymund hindi tuloy nya makausap si Ana dahil katabi nito si Suzet. Si Darwin naman ay nasa likuran kinausap nya ito. "Brad magusap nga kayo ni Suzet." Sabay akbay ni Reymund kay Darwin. "Ayaw nga ko kausapin ni tignan nga ayaw eh" sabi ni Darwin. "Tang*na kasi pare may gusto sayo si Suzet. Ligawan mo na magusap kayo. Ang labo naman pare kung maghihintay ka pa na makagraduate kayo ng college ilang taon pa yun. Itago nyo na lang sa magulang nya." Sabi ni Reymund kay Darwin. Nakuwento kasi ni Darwin sa kanila na ayaw sya payagan ng magulang ni Suzet na ligawan ito at maghintay sya na makagraduate sila ng college. "Tol malaki ang tiwala sakin ng magulang ni Suzet ayoko naman sirain yun pare!" An Darwin. Naisip ni Reymund na ang hirap ng ganung sitwasyon ni Darwin. Kailangan pa nyang maghintay na makagraduate si Suzet bago nya ito maligawan. Naisip nya yung pamilya ni Ana. Yung mga Kuya ni Ana ay botong boto sa kanya at bayaw pa nga ang tawag sa kanya kaya naisip nya wala sya magiging problema dito. Yung tatay naman ay nasa dubai at yung nanay naman ay mabait sa kanya pero naisip nya kung pumayag kaya ang mga ito na mag bf na si Ana sa ganitong edad. Bago umuwi sa bahay ay dumiretso muna si Reymund at Ana sa park na malapit sa kanila. "Ana napagisipan mo na ba? Seryoso ko sayo" habang nakaupo sa isang bench ay hinawakan ni Reymund ang kamay nya. "Pumayag kana na ligawan kita please" nakatitig sya sa mga mata ni Ana. Kitang kita ni Ana sa mga mata ni Reymund na seryoso ito sa mga sinasabi nya at pakiramdam nya ay para syang nalulusaw sa mga titig nito. "Reymund ayokong ligawan mo ko" sabi ni Ana na seryoso ang mukha. "Bakit?" mula sa pagkakaupo sa bench ay biglang napaluhod si Reymund hawak ang kamay ni Ana. "Gustong gusto kita Ana. Mahal kita" "Kasi gusto ko tayo na!". Ngumiti si Ana at niyakap si Reymund. "Gusto din kita Reymund mahal din kita kaya oo tayo na boyfriend na kita" tuwang tuwa na sabi ni Ana. "Talaga Ana!" sabay buhat nya dito at nagsisigaw. "I love you!" Nakangiting sabi ni Reymund "I love you too!" Mahigpit silang nagyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD