CHAPTER 5

716 Words
"Aning kumusta si Suzet hiniwalayan na ba nya yung bf nya sa school nyo? Ano ba kasing naisip ng batang yun ang bata bata pa eh nakikipag nobyo na?" Sabi ng Mama ni Ana. "Opo ma hiniwalayan na nya!" Sagot nya. "hindi naman na bata yung ganun ma 15 years old na eh" sabi niya habang tinitignan ang magiging reaksyon ng mama nya. "Mabuti naman. Anong hindi bata. Hanggat nasa poder pa kayo ng magulang nyo, pinapakain at pinagaaral pa kayo at hindi pa kumikita ng sariling pera. Bata pa yun!" "Pano mama sila na din kasi ni Reymund!" panunukso ng Kuya Carl nya. "Hoy hindi ah!" agad agad na sabi ni Ana. "Siguraduhin mo lang Aning yang pinarebond natin na buhok mo kakalbuhin ko yan pag nagka boyfriend ka agad!" Pagbabanta nito. Patay! Magka video call si Ana at Reymund bago sila matulog. "Mabuti pa isikreto na lang muna natin ang relasyon natin." sabi ni Ana kay Reymund sa mahinang boses natatakot sya na marinig ng mama nya na nasa katabing kwarto nya. "Pero nasabi ko na kila Darwin na tayo na" sabi ni Reymund. "Okay lang sa mga kaibigan natin tutal mapapansin din naman nila eh" sabi ni Ana. "Sige na matulog na tayo may pasok pa tayo bukas " "Gusto kita makita. Punta ka sa terrace" sabi ng nakangiting si Reymund. "Nakikita mo na nga ko dito eh" sabi ni Ana na hindi na naman napigilan ang kilig. "Sige na nga pupunta ko sa terrace" bumangon siya sa kama at pumunta sa terrace. "I love you!" sabi ni Reymund na habang magka video call ay nagngingitian din sa terrace. "I love you too!" sagot ni Ana. "Aning nasan ka?" narinig ni Ana na tawag sa kanya ng mama nya. Kaya dali dali nyang pinatay ang video call at pumasok sa loob. Kinabukasan magkaholding hands sina Ana at Reymund habang naglalakad pauwi galing school kasama ang mga kaibigan. "Si Tita Edna oh!" Seryosong biro ni Dexter kay Ana at Reymund na ang tinutukoy ay ang mama ni Ana. "Ha, san?" Biglang napabitiw si Ana sa pagkakahawak kay Reymund. "Joke lang" sabay tawa ni Dexter. "I'm happy for you bes" sabi ni Suzet. "Thank you bes" sabay yakap ni Ana kay Suzet. "Anong endearment nyo?" tanong ni Suzet sa dalawa Biglang napaisip si Ana. "Ano nga ba Reymund?" baling niya kay Reymund na napaisip din. "Love ang gusto ko!" sabi ni Reymund na sinang ayunan naman ni Ana "sige love!" kilig na kilig na sabi ni Ana. Maya maya ay napatingin si Suzet sa katabing si Darwin. "Kung magiging tayo Darwin gusto ko tawagan natin beb!" Bigla siyang natigilan pagkasabi nun. "Ano sabi mo?" Yung narinig naman yun ni Darwin pero para syang nabingi at gusto nya uli ulitin ni Suzet ang sinabi nya. "Ha eh." bigla ng nahiya si Suzet na ulitin kaya hindi nya alam kung paano uli sasabihin. "Pwede naman natin tawagan yun ngayon kahit hindi tayo!" Natuwang sabi ni Darwin. "Ah oo nga pwede naman." nakangiting sabi ni Suzet . "okay beb!" "Beb gusto mo yun!" Tinuro ni Darwin ang tindahan ng fishball. "Sige beb bili tayo!" Ani Suzet . "Bakit nagbe beb kayong dalawa? Kayo na din ba" Sabi ni Marc pagkarinig nya sa salitang yun. "Hindi noh. Wala lang gusto lang namin." Sagot ni Suzet. "Sus kunyari ka pa Suzet may gusto ka lang talaga kay Darwin eh. Alam mo galingan mo ang pagtatago ng feelings mo kasi halatang halata ka." sabay tawa ni Dexter ng malakas. Nangingiti naman si Darwin pagkarinig nun. "Huuyy wala akong gusto kay Darwin magkaibigan lang kami" Hinabol ni Suzet si Dexter na panay ang asar sa kanya. Mamaya ay bumulong si Reymund kay Ana. "itong dalawa talaga nung isang araw lang hindi nagpapansinan. Ngayon may pa beb beb na. Nagtataguan pa kasi ng feelings eh." sabi ni Reymund. "Ganyan naman silang dalawa kapag nag away kinabukasan bati na uli. Yung parang sila pero hindi na kind of relationship." Sabi ni Ana. "Sa bandang huli sila din magkakatuluyan nyan" sabi ni Reymund habang nakatingin kay Suzet at Darwin. "Malamang yan" pagsang ayon ni Ana. "Basta tayo sa huli tayo din dapat ang magkakatuluyan." Sabi ni Reymund. Hinapit niya sa bewang si Ana "Kaya dapat behave ka!" sabi ni Ana na niyakap din si Reymund.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD