CHAPTER 3

2147 Words
Sa school dahil si Ana ang secretary ng klase nila sya ang naatasan na mag check ng attendance araw araw. Pumunta sya sa faculty room para ipasa ang attendance book sa adviser nila ng araw na yun. Pagbalik nya sa class room hinanap nya si Reymund pero wala ito doon. Pagsilip nya sa kabilang klase ay nakita nya doon si Reymund na tumutugtog ng gitara kaharap si Sofie. Bigla syang nakaramdam ng selos dito. Naisip nya yung sinabi dati ni Reymund na may crush sya na mas maganda pa kay Suzet. Naisip nya ngayon hindi kaya si Sofie iyon. Sa isip isip nya ay mas maganda naman si Suzet doon. Umalis sya doon ng masama ang loob at pinuntahan si Suzet sa kabilang klase. "Bessss" tawag nya dito. "Bes may sasabihin ako sayo" bungad ni Suzet sa kanya "Kami na ni Steve" sabi nito kay Ana ng nakangiti "Ano sinagot mo yun. Suzet naman pano si Darwin" naiinis na sabi ni Ana kay Suzet "May Margaret naman sya eh" malungkot na sabi nito kay Ana "Ha si Margaret. Parang wala naman gusto si Darwin doon ikaw ang gusto ni Darwin. Magagalit yun pag nalaman nyang kayo ni Steve" sabi ni Ana "Walang gusto sakin si Darwin binabantayan lang nya ko dahil yun ang laging bilin ni mama sa kanya. Kung may gusto sya sakin dapat niligawan na nya ko. Si Margaret ang gusto nya sinabi mismo sakin ni Margaret na sila na" magkahalong inis at lungkot ang nararamdaman ni Suzet "Ganon ba" sa isip isip ni Ana si Reymund ay ganon din iniisip pa naman nya na M.U na sila at may gusto sa kanya si Reymund pero kanina parang may gusto sya kay Sofie at parang hinaharana pa nya ito sa ayos nila. Maya maya ay dumating si Steve kasunod si Bryan. "Suzet tara kain na tayo" pag aya ni Steve kay Suzet. "Tara bes sama ka" sabay hawak nito sa braso ni Ana. "Hi Ana" bati sa kanya ni Bryan "Hello" bati din ni Ana dito. Bigla nya naalala na sinabihan sya ni Reymund na huwag sumama at kakausapin si Bryan. Binulungan nya si Suzet "Bes baka magalit sila Reymund kapag sumama tayo sa kanila diba nakaaway nila dati yung grupo ng mga to tapos sasama pa tayo." "Hayaan mo na bes hindi naman nila malalaman" sabi ni Suzet Naisip din bigla ni Ana si Sofie at nabuhay na naman ang inis nya sa dalawang yun kaya hinayaan na lang nya ang sinabi ni Reymund at sumama kay Bryan. Nakaupo sa isang bench ng campus si Darwin at Dexter ng dumating si Marc. "Tang*na bros narinig ko yung usapan ng mga alipores ni Steve sila na pala ni Suzet. Alam mo ba yun Darwin?" "Si Steve? Tang*nang yan." biglang napatayo si Dexter sa kinauupuan. "Tang*na naman Darwin binabantayn mo ba si Suzet paglalaruan lang yan ng gagung Steve na yun eh." "Wala akong alam. Nung isang araw pa nga ko hindi pinapansin ni Suzet eh." Biglang naalala ni Darwin yung narinig nyang usapan ni Suzet at Ana na binigyan ni Steve si Suzet ng bracelet at balak nitong ligawan si Suzet. Sinipa ni Darwin ang basurahan na nasa tapat nya. Maya maya ay dumating si Reymund. "Darwin tawagan mo nga si Suzet. Kasama daw ni Suzet at Ana si Steve at Bryan eh. Tang*na naman talaga eh!" Sabi ni Reymund habang sinusubukang tawagan si Ana sa cellphone nito. "Ano bang pumasok sa isip ng dalawang yun at sumama sa mga put*nginang ungas na yun!" sabi ni Dexter na napahubad pa ng jacket na suot sa galit. "Hindi nya sinasagot ang tawag ko kahapon pa to eh hindi ko alam kung anong problema nya sakin hindi nya ko kinakausap." sabi ni Darwin habang panay ang contact kay Suzet Sa canteen ng school habang kumakain sina Ana, Suzet, Steve at Bryan. Tinignan ni Suzet ang cp nya at nakita nya ang maraming missed call at message ni Darwin. Maya maya ay nakita nyang tumatawag na naman ito. " Suzet bakit ba tinatawagan ka pa ni Darwin. Girlfriend na kita ngayon ha kaya ayoko na sanang lumalapit at sumasama ka pa sa kanya." Sabi ni Steve sabay hawak sa kamay nya na nakapatong sa mesa na bigla namang hinatak ni Suzet. "Naku Steve malabo yan karugtong na ng puso ni Suzet si Darwin kaya hindi mo mapaghihiwalay yan." Sabi ni Ana sabay irap kay Steve "Basta Zet ha huwag ka ng sasama sa kanya at kahit sa tropa nya. Sa amin na lang kayo sumama" pagpupumilit na sabi ni Steve "Mga kaibigan ko sila kaya hindi pwedeng hindi ako sumama sa kanila" nairitang sabi ni Suzet. Sa isip isip nya kung bakit ba kasi sinagot nya ang lalakeng to nadala kasi sya ng naramdaman nyang pagkainis kay Darwin kaya bigla bigla ang naging desisyon nyang sagutin si Steve. "Oo nga sa amin na lang kayo sumama. Mas masaya pa kami kasama kaysa doon sa mga kaibigan nyong mga abnoy". Sabi ni Bryan sabay tawanan nila ni Steve. "Itong dalawa yata ang abnoy eh" bulong ni Ana kay Suzet. Binuksan nya ang cp nya at nabasa nya ang maraming text ni Reymund sa kanya. "Ana nasan ka ba bat kasama mo si Bryan? Diba may usapan na tayo jan" text ni Reymund Pagkabasa nun ay bigla napatayo si Ana at niyaya ng umalis si Suzet "Tara na bes hinahanap na tayo nila Reymund" pagyaya ni Ana kay Suzet sabay kuha ng bag nya. "Dito na muna kayo. Mamaya na kayo umalis" paghawak ni Bryan sa braso ni Ana para pigilan sya umalis. Inalis naman agad ni Ana ang kamay ni Bryan na nakahawak sa braso nya. "Sige na alis na kami" paalam ni Suzet kay Steve. "Tang*na naman Zet diba tayo na" sabay hawak ni Steve sa braso nito. "Sorry Steve wala naman talaga ko gusto sayo eh kaya break na tayo" sabay hila nya sa braso nyang hawak ni Steve. Nagmadaling umalis ang magkaibigan. Naiwang napatanga si Steve. "Tang*nang yan" sabay sipa sa upuan na nasa tapat nya. Dahil sa pagmamadali hindi napansin ni Ana na naiwan ang cp nya sa table. Maya maya ay nagvideo call si Reymund. "Pre sagutin mo dali" nangingiting sabi ni Steve kay Bryan. Sinagot ito ni Bryan. "Hi" sabi ni Bryan at Steve habang kumakaway kaway at nagtatawanan Biglang natulala si Reymund dahil hindi nya expect na ang mga ito ang sasagot sa phone ni Ana. "Tang*na naman Reymund nagde date yung mga tao dito istorbo kayo tawag kayo ng tawag mga abnoy talaga kayo" natatawang sabi ni Bryan. "Put*nginaka Bryan nasan sila Ana gago kang hayup ka!" nanggigil sa galit si Reymund "Si Ana. Edi nasa puso ko!" sabi ni Bryan sabay hagalpak na tawa nila ni Steve "Tang*na ka!" nanginginig sa galit si Reymund. "Tang*namo relax ka lang kung makareact ka naman parang minotel na namin yung mga babae bawal ang menor de edad doon hindi din kami papasukin" sabay tawa ni Bryan "Nandito lang kami sa canteen oh" sabi ni Bryan na nilibot ang camera sa canteen. "King*naka hintayin mo ko jan dudurugin kitang gago ka" dali daling nagpunta sa canteen ang apat Kinuha ni Dexter ang cellphone kay Reymund. "King*na nyong mga lamok kayo maghanap kayo ng ibang sisipsipin nyo ha mga put*ngina nyo!" pasigaw na sabi ni Dexter kay Bryan sa video call. Panay ang tawanan ni Steve at Bryan. Maya maya ay nakita nila na bumalik si Ana at Suzet para kunin ang cellphone na naiwan. "Tang*na Dexter kaya pala parang mga asong ulul din kayong nakabuntot dito sa dalawang babae eh ang sasarap titigan ng mga mukha ang babango pa." Hinarap ni Bryan ang camera at finocus si Suzet at Ana. "Tang*naka hintayin mo lang ako jang hayup ka." nagtatakbo bigla ang apat papuntang canteen. "Cellphone ko ba yan?" sabi ni Ana sa hawak ni Bryan. Ga*o ka talaga Bryan eh" "Mamaya na kayo umalis papunta na din dito mga kaibigan nyong abnoy!" Tumawa si Bryan. Maya maya ay narinig nila si Steve na kausap ang mga tropa nila sa cp at pinapapunta ang mga ito sa canteen. Naisip ni Ana na may hindi magandang mangyayari kung pumunta sila Reymund sa canteen kaya kailangan nilang pigilan ang mga ito. Nang tatangkain ng kunin ni Ana ang cellphone kay Bryan ay bigla nitong nilagay yun sa bulsa ng polo nya. Pinilit ito kunin ni Ana ngunit umiiwas si Bryan. Nang mahawakan ni Ana ang bulsa ng polo ni Bryan ay hinawakan ni Bryan ang kamay nya at sa ganoong posisyon sila naabutan nila Reymund. Pagdating ng apat sa canteen ay halos liparin ng mga ito ang kinaroroonan nila Steve at Bryan. Biglang hinawakan ni Bryan si Ana sa mga balikat para ipangharang at hindi sya malapitan nila Reymund. "Aray ko Bryan ano ba bitawan mo nga ko." pasigaw na sabi ni Ana ng masaktan dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Bryan sa kanya. "Tang*naka Bryan bitawan mo si Ana papatayin kitang tarantado ka." galit na galit na sabi ni Reymund Pagkalapit naman ni Darwin kay Steve ay agad nya itong sinipa sa tyan pagkatumba nito sa sahig ay pinagsusuntok nya ito sa mukha. "Tama na Darwin ano ba baka mapatay mo sya!" Pag awat ni Suzet kay Darwin ng makita ang dugo sa mukha ni Steve. "Papatayin ko talaga tong gagung to!" Namumula sa galit si Darwin habang panay ang pagsuntok kay Steve. "Tang*na ka namang ungas ka diba matapang ka bakit nagtatago ka sa likod ng babae umalis ka jan tang*naka" pasigaw na sabi Dexter kay Bryan. "Hindi lang ako bobong katulad nyo. At kahit naman yakap yakapin ko to syota ko naman to". Sabay kapit nito sa bewang ni Ana. Nag init ang dugo ni Reymund sa narinig agad agad syang kumuha ng isang upuan at akmang ipupukpok kay Bryan ngunit hindi din nya magawa sa pagaalalang matamaan si Ana. "hoy kapal ng mukha mo hindi kita syota bitawan mo na nga ko" pilit tinatanggal ni Ana ang mga kamay ni Bryan na nakapulupot sa bewang nya. "kanina lang ang sweet sweet mo sakin. Pinahiram mo pa nga sakin cellphone mo eh" sabay ngisi ni Bryan. "hoy siraulo ka huwag ka magimbento ng kwento ha" pinipilit pa rin ni Ana na kumawala sa mga kamay ni Bryan. Dahil sa kakadakdak ay hindi namalayan ni Bryan na nakalapit sa kanya si Marc, sinipa siya nito sa mukha na ikinatumba niya. Agad na pinagsisipa ni Dexter si Bryan pagkabagsak nito sa sahig. Pinagtulungan nila ni Marc na gulpihin ito. Kasamang napahiga si Ana. Agad agad syang tinulungan ni Reymund na makatayo. "Okay ka lang nasaktan ka ba?" pagaalala ni Reymund. "Okay lang ako. Huwag ka maniwala sa mga sinabi nya. Hindi kami" paliwanag ni Ana kay Reymund. "Doon ka muna sa gilid." sabi ni Reymund sabay lapit sa nakahigang si Bryan agad agad nya itong pinagsusuntok sa mukha. Pinagtulungan ng apat bugbugin si Steve at Bryan. Maya maya ay nagdatingan ang mga tropa ng dalawa at nabaliktad ang sitwasyon. Kitang kita ni Ana at Suzet kung paano pagtulungan ng grupo ni Bryan ang mga kaibigan nila. Ang mga nanonood ay kanya kanyang kuha ng video sa nangyayari. May mga teacher din na nagdatingan ngunit hindi nagpaawat ang mga nag aaway. Sa Guidance Office.. "Lahat kayong nandito, bukas na bukas dalhin nyo mga magulang nyo dito naiintindihan nyo" sabi ng Guidance officer "Mr. Cruz pang ilang warning ko na to sa inyo. Last time diba ang sabi ko kapag naulit pa hindi lang suspension ang magiging parusa nyo." Sabi ng guidance officer kay Bryan at sa grupo nito. "Basta may kaguluhan dito sa skwelahan parating kayo ang sangkot ha. Sino ba nagpasimuno ng kaguluhan na to?" "Mam hindi po kami ang nag umpisa. Sila Darwin po ang biglang sumugod sa amin." Sabi ni Steve na panay ang pahid ng dugo sa ilong nya. "Mga p*tangina kasi kayo eh" natatawang sagot ni Dexter. "Tang*namo Dexter. Kumakain lang kami sa canteen bigla kayong sumugod." Sagot ni Bryan. "Kayo ang tatanungin ko Ms Valiente Ms Santos sino sa mga ito ang naunang gumawa ng gulo?" Tanong nito kila Suzet at Ana. Nagkatinginan si Suzet at Ana. Alam nila na ang mga kaibigan nilang lalake ang sumugod sa canteen ngunit hindi nila magagawang ilaglag ang mga ito. Hindi makasagot ang dalawa. "Ano hindi kayo magsasalita ha" sabi ng officer sa kanila. "Tang*namo Suzet magsalita ka sabihin mo sila Darwin ang nauna kumakain lang tayo sa canteen eh" galit na sabi ni Steve kay Suzet. "Tang*naka huwag mong mamura mura si Suzet gag* ka" Hindi na naman napigilan ni Darwin ang init ng dugo nya kaya nasipa nya si Steve sa mukha at tumaob ito sa kinauupuan nya. Tinadyakan naman sya ni Bryan sa tyan at natumba si Darwin. Sinuntok ni Reymund si Bryan pagkakita sa ginawa nito kay Darwin. At doon na naman nagsimula ang kaguluhan sa loob ng Guidance office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD