CHAPTER 2

1593 Words
Araw ng kasal ng Tita ni Ana. Abay silang magkakaibigan. Nakalinya na ang entourage para sa procession sa simbahan huling dumating ang magkaibigang Ana at Suzet. "Ayan na pala sila Ana at Suzet oh!" Tumuro si Dexter sa likod. Tumingin naman doon si Reymund at parang biglang tumigil ang mundo nya pagkakita kay Ana. Feeling nya ay parang nag slow motion ang paligid habang naglalakad si Ana papunta sa lugar nila ng nakangiti. Napakaganda nito ng araw na iyon. Noon lang nya nakita si Ana na nakapustura. "Naligaw kasi yung driver ng sinakyan naming van. Bigla kasi nawala sa paningin nya yung van na sinasakyan nyo kung san san tuloy kami umikot" paliwanag ni Ana. Maya maya ay tinawag si Ana ng mama nya kaya pinuntahan nya ito. Kinalabit ni Reymund si Dexter na nasa harapan nya. "Dexter palit tayo!" "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Dexter. "Basta palit tayo dali!" Ani Reymund. Napatingin si Dexter sa kapareha ni Reymund. Nang mapagtanto na maganda ito ay dali dali itong pumayag. Maya maya ay bumalik na si Ana. "Oh bat ikaw ang nanjan. Nagpalit kayo?" Nagtatakang tanong ni Ana pagkakita na si Reymund na ang makakapareha nya. Pinilit ako ni Dexter eh para ganahan daw sya maglakad kapag maganda yung makakapartner nya." Pagkukunyari ni Reymund. "Ah ganon. Ang kapal ng mukha mo Dexter." Asik nito kay Dexter na nasa likuran. "Oh anong ginawa ko sayo?!" nagtatakang tanong ni Dexter sa sinabi ni Ana. Siniko ni Reymund si Ana "Hayaan mo na mas gwapo naman makakapareha mo ngayon" pagyayabang nito kay Ana. "Ha. Nasan yung gwapo??" Tumawa si Ana. Kinabukasan. Tinignan ni Reymund ang oras alas 7 na ng gabi. Pumuwesto sya sa terrace ng bahay nila na katapat ng bahay nila Ana. Madalas syang pumwesto doon lalo kapag gusto nyang makita si Ana. Hindi nya maintindihan pero itong mga nagdaang araw mas lalong tumitindi ang pagkagusto nya na parati itong makita. Habang nakamasid sa terrace nakita nya ang mga kuya ni Ana na nakapwesto din sa terrace ng bahay nila. Si Ana ay bunso sa apat na magkakapatid at puro lalake ang mga kapatid nito. Nang makita sya ni Kuya Erick na panganay na kuya ni Ana. "hoyy bayaw halika dito" tawag nito sa kanya. Gustong gusto nya pag tinatawag sya ng mga ito ng bayaw. Nagsimula yun noong napansin ng mga ito na parati silang magkasama ni Ana. Mula noon parati ng bayaw ang tawag sa kanya ng mga ito. Lumabas sya ng bahay at pumunta sa bahay nila Ana. "Magandang gabi po tita" bati niya sa Mama ni Ana. "Oh Reymund pasok ka!" Hinanap ng paningin nya si Ana ngunit wala ito. Naisip nya baka nasa loob ng kwarto. Dumireto sya sa terrace kung saan nandoon ang mga kuya ni Ana. "Bayaw kumusta nagaaral ka ba ng mabuti. Pagbutihan mo para sa future nyo yan ni Aning" sabi ni Kuya Erick sabay bigay sa kanya ng basong may alak. "Oh tumagay ka marunong ka na ba uminom nyan" sabi nito kay Reymund. "Hooyyy huwag nyo nga painumin si Reymund itutulad nyo pa yan sa inyong mga sunog baga kayo!" Asik ng Mama nila pagkakita na inaabutan ito ng alak. "Isa lang naman ma" natatawang sabi ni Kuya Carl na pangalawang kuya ni Ana, graduating na ito sa college. Maya maya ay ininom ni Reymund ang bigay na alak. Dahil first time makainom ng alak ay naubo ito. "Ganyan talaga pag first time hayaan mo masasanay ka din basta parati kang nandito sa bahay." Natatawang sabi ni Kuya Ethan na pangatlong kuya ni Ana, nasa kolehiyo na din ito. Mga ilang minuto ay dumating si Ana. Sinabi kasi ng mama nito na nandoon si Reymund at pinapainom ng alak ng mga kuya nya. "Sangko huwag nyo nga painumin si Reymund may pasok pa kami bukas eh." Sabay kapit nito sa braso ni Reymund at hinila paalis doon. "Okay lang naman Ana, ngayon lang naman ako iinom eh" sabi ni Reymund na pinipigilan ang paghila sa kanya ni Ana. "Ikaw naman Aning dapat hindi ka mahigpit sa bf mo sige ka pag yan naghanap ng iba magsisisi ka" sabay tawa ni Kuya Carl "Hindi ko nman sya bf Kuya kaya tigilan nyo na yang kababayaw nyo sa kanya" sabi ni Ana na may halong pagka irita sa mga kapatid. "Sus kunyari ka pa puro picture nyo nga yung nasa kwarto...." Hindi naituloy ni Kuya Erick ang sinasabi ng takpan ni Ana ang bibig nya. "Sige kuya isusumbong kita kay Ate Glaiza umiinom ka na naman" sabi nito habang hawak ang bibig ng nakatatandang kapatid nya. "Tatlong tagay lang yan Aning payagan mo na para makatikim naman ng alak." Sabi ng kuya Ethan nya "oo Ana 3 lang" sabi ni Reymund na nakatitig sa mukha ni Ana. Naisip nya habang tumatagal ay paganda ito ng paganda sa paningin nya. "Oh cge ha tatlo lang ha babantayan ko kayo" sabi ni Ana sabay kuha ng upuan at pumwesto sa tabi ni Reymund. Habang nakaupo ay nagfe f******k si Ana. Maya maya ay nagring ang cp nya. "Bryan bat ka nagvideo call?" Napatingin si Reymund sa cp ni Ana at nakita nyang si Bryan nga ang kavideo call nito. Maya maya ay lumayo si Ana sa pwesto nila. Busyng busy ang mga kuya ni Ana sa pagkukwentuhan habang may tinitignan sa cellphone ay panay ang tawanan ng mga ito. Hindi nila napansin na dala ng sama ng loob ay halos maubos ni Reymund ang alak na nakatimpla sa pitsel. "Tang*na Reymund naubos mo to kalahati pa to kanina ah" sabi ng kuya Carl ni Ana na hawak hawak ang pitsel na wala ng laman. At nagtawanan ang tatlong magkakapatid "Ewan ko basta bigla akong nauhaw eh" natatawang sabi ni Reymund na mukhang nalasing na. Maya maya ay dumating si Ana. "Ano nangyari?" tanong nito "Tignan mo tong jowa mo inubos yung laman ng pitsel hindi mo kasi binabantayan eh san ka ba nagpunta" natatawang sabi ng kuya Ethan nya. "Inutusan ako ni Mama eh. Grabe ka naman Reymund sabi mo tatlo lang". Halika na nga umuwi ka na" sabi ni Ana sabay hawak sa kamay ni Reymund at hinila ito paalis sa kinauupuan. Sumunod naman si Reymund. "Paalam mga bayaw" sabi nito pagkaalis. "Nagtawanan ang mga kuya ni Ana pagkarinig nun. "Dapat hindi ka uminom ng marami first time mo pa lang uminom ng alak eh kaya nalasing ka agad!". Sabi ni Ana habang naglalakad sa labas na nakaalalay kay Reymund. Biglang huminto sa paglalakad si Reymund "Bakit tinatawagan ka ni Bryan ha. Bakit friend mo sya sa f******k. Kayo na ba?" Ani Reymund na nakahawak sa braso ni Ana. "Eh lahat naman ng kaklase natin friend ko sa f******k. Bakit ka nagagalit? Tinawagan nya ko kanina pero saglit lang yun inutusan kasi ako ni mama eh. Bakit ba?" Sabi ni Ana na nagtataka sa kilos ni Reymund. "Hindi naman natin kaklase si Bryan ah. Tsaka diba nakaaway na yun ni Dexter at muntik na din kami mapaaway sa kanila ng tropa nyang basag ulo dati. Kaya huwag ka lalapit at makikipagusap sa kanila okay" utos ni Reymund kay Ana. "Eh bakit nga? Nagseselos ka noh" nangingiting sabi ni Ana. "Nagseselos ka obvious eh" natutuwang sabi ni Ana "Oo nagseselos ako kaya huwag ka na lalapit sa kanya ha" sabi ni Reymund na hinawakan ang kamay ni Ana "Sige kung yan ang gusto mo" kinikilig na sabi ni Ana. Nang gabing yun ay hindi makatulog si Ana. "ibig sabihin ba nito bf ko na si Reymund" kinikilig sya sa sa isipin na yun. Napatingin sya sa mga picture nila na nasa picture frame katabi ng kama nya. Kiniss nya yung picture ni Reymund at niyakap ito "Reymund bf na kita" napapasipa pa sya sa kama sa sobrang kilig. Matagal na nyang gusto si Reymund natutuwa sya kapag naririnig nya ang mga kuya nyang tinatawag itong bayaw. Kinabukasan excited si Ana na makita si Reymund sa school. Hindi sila nagkasabay pumasok kanina dahil tulog pa ito kaya nauna na sya pumasok. Naisip nya malamang may hangover dahil marami ang nainom na alak kagabi. Patapos na klase nila pero walang Reymund na dumating. Paguwi nila ay dumiretso sya sa bahay nila Reymund. "Hi po tita. Si Reymund po?" Tanong ni Ana sa Mommy ni Reymund pagdating sa bahay nila. "Ayun nakahiga pa. Marami ba nainom nya kagabi eh hindi nagawang bumangon mula kanina. Masakit daw ulo nya tapos kaninang umaga suka ng suka" sabi ng mama ni Reymund. "Ah ganon po ba akyatin ko na po tita." Sabi ni Ana sabay akyat sa taas ng kwarto ni Reymund "Reymund" tawag ni Ana habang kumakatok sa pintuan ng kwarto nito. Walang sumasagot kaya pumasok na sya sa loob. Nakita nya ito na nakatalukbong ng kumot. "Huuy Reymund bumangon ka na 3pm na oh" sabi nito sabay yugyog kay Reymund. Napatingin si Ana sa dingding ng kwarto ni Reymund puro picture nilang magkakaibigan ang nakadikit doon at may nakita din syang mga solo picture nya at picture nilang dalawa. Kinikilig na namn sya pagkakita noon naisip nya hindi lang pala sya ang nagtatago ng mga picture nila sa kwarto. Pati si Reymund ay ganon din. "Anong nginingiti ngiti mo jan!" sabi ni Reymund pagkakita kay Ana na nakangiti sa picture nila. "Wala. Meron din kasi akong ganyan sa kwarto ko nakapicture frame." Tinuro ni Ana yung picture nilang dalawa na nakadikit sa pader. Napangiti si Reymund pagkarinig nun. "Sige na umuwi ka na muna maliligo lang ako. Pupunta ako sa inyo mamaya." "Okay, hintayin kita" Nakangiting lumabas si Ana sa kwarto ni Reymund.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD