HOSPITAL VISIT

1486 Words
Chapter sixteen -Marie- Halos dalawang taon din ang itinagal ko dito sa Italy bago ko matapos ang dapat kong tapusin dito. Hindi ko akalain na ganito pala karami ang kalaban ng mga De Lana. Sobra ang naging pagod ko at hindi ko maisip kung paano ko napagtagumpayan ang lahat ng yon. Malaki din naman ang naging tulong sakin ng mga kapatid at Ama ni Jax, lahat ng klaseng tulong ay binigay nila sakin kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para matapos ito ng malinis at maayos. Pero nagtagumpay man ako sa laban, pero hindi si Jax dahil magpahanggang nagyon ay nakahiga parin ito sa kanyang hospital bed at wala pa rin buhay ang makikita dito. Nakakaawa ang ayos nito, hindi mo aakalain na isa itong Mafia boss na walang awang pumatay ng mga taong abusado sa lipunan. Pero ganon pa man ay nanatiling matatag ang buong pamilya nito, ni minsan ay hindi nila sinukuan si Jax kahit na ilang beses na itong muntik ng mawala sa kanila. Hindi ko rin maintindihan ang takot na nararamdaman ko ng malaman ko na muntik na itong mawala sa amin ng kanyang mga anak. Parang hindi ko rin makakaya na mawala ito o hindi makita ng tuluyan. Mabuti na lang talaga at hindi ito sumusuko sa laban na meron ito ngayon. Samantalang sobra naman ang pagkamiss ko sa aking mga Anak. Puro video call lang ang nangyayari sa tuwing gusto nila ako makita at makausap. Ang buong akala nila ay nagtatrabaho ako dito katulad ng isang ofw, lingid sa kanilang kaalaman na puro panganib ang sinusuong ko dito. Sa paglipas ng araw, buwan at taon ay na sanay na ako sa naging buhay ko dito sa Italy sa umaga ako tulog, at pagdating ng gabi doon ako nakikipaglaban. Iyon na rin ang naging routine ko sa loob ng halos dalawang taon ko dito. Napaayos naman ako ng upo ng mag magsalita na ang piloto ng eroplano na malapit na raw kaming maglanding at naririto na kami ngayon sa pilipinas. Inaayos ko ang dala-dala kong gamit actually wala rin naman akong gaanong dalang damit dahil madalas at black t-shirt lang din ang lagi kong suot doon at hindi rin naman ako naglalabas dun dahil ayokong makilala ko ng ibang tao na naroroon. Pababa na ako ng matanaw ko si Migs na mukhang kanina pa nagaantay sa pagdating ko. “Boss queen, good morning!” Lord Jacinto sent me to pick you up, let's go.” Magalang nitong sambit at yumuko sa aking harapan. “Ok thank you Migs.” Mahinang sambit ko dito, hindi na sana ako magpapasundo pero ayaw pumayag ng Daddy ni Jax kaya wala na rin ako magawa pa. Tahimik ako sa loob ng sasakyan at inaantok pa rin ako dahil saktong alas tress ng madaling araw ang arrival ko dito sa pinas. Napatingin naman ako sa front mirror ng tumingin din sakin si Migs na parang may gustong sabihin kaya ako na mismo ang nagsalita dito. “If you want to say something. Tell me first Migs I'm not a fortune teller to guess what you want to say.?” Salita ko dito bago ko ayusin ang suot kong jacket dahil nakakaramdam ako ng lamig. “Sorry boss queen, I know I have no right to say this but your friend Gemma is missing. Boss Jamil couldn't see her, Gemma didn't even leave a trace, so it was difficult for everyone to find her. I just thought that you might know where your friend is?” Alanganin pa nitong sabi sakin. Lihim naman akong napangisi dahil kahit hindi ko alamin ang tungkol kay Gemma ay alam ko pa rin kung ano ang plano nito ngayon. Mula kasi ng malaman kong nabuntis ito ni Jamil ay pinatigil ko na itong pasamahin sa mga lakad na meron ako. Alam ko kasi ang pakiramdam ng buntis kaya dapat lang namagpahinga na lang muna ito, hindi rin naman ako nagalit dito. Ang totoo ay masaya akong makita ang mga tauhan ko na mayroong sariling mga pamilya at masayang namumuhay. Nagpanggap na lang ako na walang pakialam, ganon kasi ang pagkakakilala nila sakin bilang isang Mafia queen. “What happened, why did Gemma leave him, then I haven't had contact with that girl for a long time. All I know is that she is at Jamil's house.” Seryosong sambit ko dito. “He saw Boss Jamil with his ex-girlfriend Hannah. Gemma thought that Boss Jamil was just fooling her. But the truth is that he met Hannah so they could have a final breakup. When Boss Jamil arrives at the house, Gemma is gone and their child is with them.” Kuwento sakin ni Migs habang patuloy sa pagmamaneho. “It's better if he just let Gemma go, she will come home when she finds out the truth. That's if she knows what really happened.” Sagot ko dito at sumandal sa may upuan at pumukit dahil talagang inaantok pa ako. Wala na rin naman akong narinig na sagot mula dito kaya mas nanahimik na lang ako at inantay ang pagdating namin sa mansion ng mga De Lana doon ako titira kasama ng mga Anak ko. Alam kong mas malaki pa ang haharapin ko ngayon dahil sa hindi pa rin nagiging si Jax. Kinabukasan ay may dala akong prutas para kay Jax naisipan ko kasing dalawin ito. Pero papasok pa lang ako sa room nito ng makarinig ako ng dalawang babaeng nag-uusap. Tahimik akong sumilip para sana makita kung sino ang tao sa loob at nakita ko ang dalawang nurse na kinikilig habang inaayos ang puwesto ni Jax. “Hoy,girl ang pogi talaga ni Sir noh.,? Alam mo kahit comatose at wala itong buhay sa ngayon gusto ko pa rin siya. At alam mo bang ang yaman ng pamilya nito, tiyak na hindi na rin ako magugutom at kahit wala siyang silbi may pera naman na ako kaya ayos lang din.” Malanding sabi ng isang nurse at napapakagat pa ito ng lab isa sobrang kalandian. “Oo nga, alam mo ba narinig ko na binata pa ito pero may anak na raw. Pero kung ganito na rin kayaman aba’t kahit sampu pa ang anak nito ay ayos lang din sakin, basta ako ang reyna diba, ahhahah?” Natatawa namang sagot ng isang nurse. Hindi ko mapigilang ang inis ko habang naririnig ang mga pananasa nito kay Jax, kaya naman hindi na ako nakatiis at pumasok na lang ako para matigil ang mga pantasya ng mga ito sa. Nagulat pa ang mga ito ng makita ako at nagtataka ng tinginan. Napangiti naman ako sa mga ito bago inilagay sa mesa ang dala kong mga prutas at mabilis na lumapit sa puwesto ni Jax at hinalikan ko ito sa labi. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga ito kaya mas lalo ako napangiti ng lihim. Lumingon ako sa mga ito bago nagsalita. “Thank you for taking care of my hubby. By the way, I am Mrs. De Lana.” Nakangiti kong sambit sa mga ito na ikinalaki ng kanilang mga mata, lihim akong natawa sa mga itsura ng mga ito ngayon parang inalisan ng kaluwa sa kanilang katawan dahil nakita ko ang pamumutla ng mga ito. “Ah, it's fine, ma'am, that's our job.” Nauulat na sagot sakin ng isang nurse. “That's right ma'am, it's our duty to take care of our patients. They seem to be recovering quickly, ma'am.” Dag-dag pa ng kasama nito, nakayuko naman ang mga ito at hala na nahihiya. Pero sadyang maloko ako at sinagot ko silang dalawa. “Are you really doing work, from what I heard earlier that you were fantasizing about my husband. I also heard that you only want his wealth and not because of love.” Istriktong salita ko sa mga ito. Wala akong narinig mula sa dalawa kaya mas lalo akong naiinis sa mga ganitong klaseng babae, binababa ang label ng kanilang babae para lang sa pera. “I'm just reminding you; you are a nurse treating the sick. You probably didn't graduate school just to flirt with a comatose person who has a family. The next time I hear you two talking about my husband. I will make sure you will lose your job, and no hospital will accept you.” Mataray kong salita sa mga ito. Tumango na lang ang mga ito at hindi na muli pang umimik. Tahimik din ang mga ito na lumabas ng room ni Jax. Napapailing naman akong tumingon kay Jax at tumabi rito para haplusin ang buhok nito. Nang may biglang pumalakpak sa aking likuran, nanglaki pa ang aking mata dahil ibig sabihin lang nun ay may ibang tao dito sa loob na hindi ko napansin kanina. Napalingon ako dito at nakita ko si Julo na nakangisi habang nakatayo sa gilid ng pintuan ng banyo, mukha rin kanina pa ito naririto at nakikinig sa pag-uusap namin ng mga nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD