REVENGE

1234 Words
Chapter Fifteen -Marie- Mabilis ang naging pagkilos ko para mailagan ang balang dapat na tatama sakin ngayon. Naririto kasi kami sa isang hide out sa Italy at sympre kasama ko parin ang tatlo kong mga tauhan. Mula kasi ng malaman ko ang nangyari kay Jax ay hindi ako tumigil para ipaghiganti ito. Pansamantala ko munang iniwan ang triplets sa mga magulang ni Jax para magawa ko ang mga dapat kong gawing. Hindi na rin naman ako pinigilan ng Ama nitong si Mr. Jacinto dahil kilala na rin naman niya ako kung paano ako kumilos at magtrabaho. Nagulat pa nga ako ng malaman, na alam pala nito na noon pa man na ako ang tumutulong sa mga Anak niya tuwing nasa panganib ang mga ito. Nangliliit ako sa aking sarili dahil buong akala ko ay wala itong alam, pero nalaman ko rin na wala itong pinagsabihan isa man sa kanyang mga Anak o maging sa kanyang mahal na Asawa. Pero hindi ko parin masasabing buo ang tiwala nito sakin dahil sa Anak pa rin ako ng taong naging kaaway ng kanilang pamilya. Pero ganon pa man ay sinabihan ako nito na magsabi lang kung kaylangan ng tulog n’ya. Nalaman ko ang lahat kay Migis at kung ano ang totoong nangyari kay Jax , kaya gumawa agad ako ng plano para tapusin ko ang laban na sinimulan ni Jax bago ito naaksidente. “Clear 1st floor Boss mother” Sambit ni Mich sa mouthpiece na sout naming. “Clear 4th floor Boss mother” Sagot naman ni Gemma. “Ok sige malapit na rin ako matapos dito magkita kita tayo sa parking lot dahil siguradong dun tatakbo ang mga daga.” Salita ko sa kanila. Mabilis akong kumilos at tulad parin ng dati ay mabilis kong ko rin tinapos ang lahat ayokong patagalin pa dahil marami pa akong dapat patumbahin ngayon. Nagsisimula pa lang ako at hindi ako titigil hanggang’t hindi ko nauubos ang mga kumakalaban sa angkan ng mga De Lana. Papalabas na ako ng building ng makita ko ang tatlo na nakatayo sa isang puno at mukhang ako na lang ang hinihintay para makaalis na rin kami sa lugar na yon. Napatay naming lahat ng tauhan ni Mr. Solis at maging ito rin ay tinapos ko na ito rin naman, isa kasi itong drug lord at matagal na ring salot sa ibat-ibang bansa at matagal na ring tinuturis ni Jax. Nabasa ko ang listahan nila ni Migs at marami-rami pa ang mga salot sa Lipunan. “Boss mother, uwi na tayo masyadong nakakapagod ang gabing ito.” Inaantok na salita sakin ni Mich. Tumago lang ako dito at tumingin kay Nicole para pasabugin ang buong lugar siya kasi ang may hawak ng remote para sa mga bombang kinabit naming kanina habang nakikipaglaban kami. Tumango lang din ito sakin at wala pang ilang sigundo ay sumabog na ang buong lugar. Lulan na kami ng sasakyan pauwi ng biglang may humarang sa aming dinaraan, lahat kami ay napasubsob ng biglang mag preno si Gemma. “s**t naman ano ba yon at nagpreno ka ha?” Inis na tanong ni Mich dito. “Tignan Ninyo kung sino ang humarang satin.” Sagot naman ni Nicole at itinuro ang mga sasakyan na nasa aming harapan ngayon. Naningkit ang akin mata habang isa-isa kong tinitignan kung sino ang mga nakaharang samin. Nang laki ang aking mga mata ng mapagtanto ko kung sino ang mga iyon. “Jamil…!” Mahinang sambit ko at napatingin ako kay Gemma na bumababa at mabilis na nilapitan si Jamil ang kapatid ni Jax. Naguguluhan akong tumingin kila Mich at Nicole, pero kahit ang mga ito ay walang maisagot sakin. Nagkipit balikat lang ang mga ito, muli ko namang tinignan si Gemma at nakikipag-usap na ito nagyom kay Jamil. “Wow,,, para silang mag-asawa na nahuli ang babae na nakikipag-away.” Salita ni Mich habang pagod na nakasandal sa binta ng sasakyan. “Sila ba? Pero pano nangyari?” Pagtatakang tanong naman ni Nicole. Pero ni isa samin ay walang sumagot, hanggang sa magulat na lang kami ng biglang sinuntok ni Gemma si Jamil sa mukha at walang nagawa ang binata maging ang mga body guard nitong nakapalibot sa kanila. Ilang saglit pa ay nakabalik na si Gemma sa sasakyan at pinaandar ang kotse wala rin nagawa ang mga ito dahil kung hindi sila tatabi eh sasagasaan sila nito. Hindi ko alam ang nangyayari sa dalawa pero sa ngayon ay hahayaan ko muna si Gemma, alam kong kaya niyang lusutan ang pinasok n’yang problema kung problema nga talaga. “Grabe Gemma iba ka talaga, imagine isang Jamil De Lana sinapak mo lang.” Pang-aasar ni Nicole dito. “Manahimik ka yan Nicole baka sipain kita palabas.” Banas namang sagot ni Gemma dito. “Stop if you don't want to go out without going through the door." Nakapikit kong salita sa mga ito nahilot ko pa ang aking ulo dahil sa kumikirot ito. Sa dami kong iniisip dumagdag pa si Gemma sa mga iisipin ko ngayon. Hating gabi na rin ng makarating kami sa bahay na pag-aari ni Nicole dito sa Italy. Hindi ko rin malaman dito sa mga tauhan ko napakaraming bahay, feeling ko tuloy minsan mas mayaman pa itong mga to sakin eh. Pasalampak akong naupo sa isang sofa dito sa sala, ngayon ko naramdaman ang pagod at sakit ng mga katawan ko. Naririnig kong nasa kusina ang mga ito at naghahanap nh pagkain. Gabi na pero ang tatlong to eh daig pa ang tanghaling tapat sa lakas ng mga boses. Napapailing akong nagtungo na lang sa aking kuwarto gusto ko na talagang magpahinga dahil na rin sa pagod makipaglaban. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako na hindi man lang nagpapalit ng damit o nakapaglinis man lang ng katawan. Napakusot ako sa aking dalawang mata, at pagkatapos ay naunat muna ako ng mga buto ko. Pababa na sana ako ng makarinig ako ng dalawang taong naguusap sa labilang kuwarto. Kung hindi ako nagkakamali ay silid iyon nila Gemma at Nicole. Sumilip ako dahil sa nakauwang ang konti ang pinto at nakita kong naguusap ang tatlo. "Sa tingin mo ba hindi na papansin ni Boss mother ang kinikilos mo Gemma kagabi ha. Kilala mo iyon kapag nalaman n'yang pagbubuntis tiyak na hindi ka na noon pasasamahin sa lakad natin" Sambit dito ni Mich. "Tama, at hindi kana talaga makakasama samin dahil itatali ka daw ni Jamil hahahaah" Natatawag sambit ni Nicole habang nagaayos ng laptop niya. "Alam ko naman yon eh, kaya nga nakikiusap ako sa inyo na wag n'yo sabihin para hindi niya ako ibigay sa mokong na De Lana na yon." Hinging pakiusap ni Gemma sa dalawa. Nakita kong nakatinginan ang dalawa at sabay pang nagbuntong hininga. "Patay tayo kapag may nangyari sayo Gemma, kaya mas maaaga pa eh sabihin muna kay Boss mother tutal sa tingin ko naman may alam na siya kung anong meron kayo ng lalaking yon." Nakanguso pang sabi ni Mich. Bumababa na lang ako at hinayaan ang tatlo na mag-usapa wla na rin naman ako magagawa dahil. Hindi kaylan man mapipigilan ang isang De Lana kaya sana ay makaya ni Gemma ang darating na pagsubok para sa kanilang dalawa ni Jamil. "Kamusta kana sana kapag natapos ko na ang lahat ng ito ay nakabalik ka na para sa mga anak mo Jax." Mahinang sambit ko sa aking isipan bago tuluyang pumasok sa kusina para kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD