THE TRAITORS MS. ANGELINE

1624 Words
Chapter Seventeen -Jacinto- Naririto ako ngayon sa aking office at inaayos ang mga report na dapat kong ayusin dahil kaylangan kong pumunta sa Canada para sundan ang aking Asawa. Naroroon ito ngayon dahil sa nagtatampo ito sakin ngayon dahil sa nalaman nito na inilihim ko dito ang tunay na pagkatao ni Marie. Nadag-dagan pa ang galit nito sakin ngayon dahil sa nalaman din nito na si Marie ang ipinalit ko sa naiwang posisyon ng aming Anak na si Jax at nasa ibang bansa si Marie ngayon para tapusin ang sinimulan ni Jax na laban dun. Tiwala naman ako kay Marie, dahil una palang ay kilala ko na ang batang to. Mula ng marinig ko ang pangalan nito kay Jax ay pinaimbistigahan ko na ito at na laman ko rin na Aank ito ni Isarel Del Carmen. Si Isarel ay isa sa mga kalaban ko sa black market, isa din itong sindikato na tinutugis ng lipunan dahil sa pagbebenta nito ng ipinagbabawal na gamot, at ang pagbebenta ng mga babaeng minor de edad. Nung una ay inisip kong ginagamit nito ang kanyang Anak para mapaibig ang aking Anak, pero kalaunan ay nalaman ko din na ang dalaga pala ang lihim na tumutulong sa aking mga Anak sa tuwing napanganib ito. Kaya mula noon ay pinabantayan ko na kilos nito hanggang sa bigla na lang ito nawala ng halos apat na taon. Kahit ang mga tauhan ni Jax ay hindi ito mahanap, nakikita ko sa aking Anak na gusto niya ang dalaga kaya hinayaan ko silang muling magkita. Hanggang sa isang pangyayari ang naganap, napatay ni Jax ang Ama ng dalaga na labis naman ang naging pagsisisi nito. Ang buong akala naming ay maghihiganti ito at magpapakita sa aking Anak pero walang dumating na Marie maging sa burol ng sariling Ama. Ni isa sa kamag-anak ay walang makapagturo kung nasaan ang dalaga, naging tahimik ang lahat ay walang gantihin ang nagyari noon. Napanatag ang aking loob na magiging okey na ang lahat sa paglipas pa ng panahon ay tahimik na ang naging kalakalan sa black market na si Jax na muna ang pinaasikaso ko. Dahil ang ibang kapatid din nito ay nagkaroon ng mga problema sa kani-kanilang mga babae. Hindi ko rin maintindihan ang pamilya namin, kapag natagpuan muna ang babaeng para sayo ay siguradong ikababaliw mo kapag nawala sayo ng walang dahilan. Pero ang inaakala kong tahimik na pamumuhay ay hindi pala. Ilang buwan ng malaman namin na nagkaanak si Jax at Marie ay nangyari naman ang balitang sumabog sa aming buong pamilya. Kasalukuyan akong nasa meeting noon ng makatanggap ako ng tawag mula sa isang tauhan ni Jax at sinabi nito ang nangyari. Halos sisihin ko ang aking sarili sa mga nangyari dahil kung hindi ko s’ya pinapunta sa Italy para ayusin ang gulo dun ay hindi ito mapapahamak at macocomatose na halos ilang taon na rin. Ako kasi dapat ang naroroon pero dahil sa meron pa akong mga meeting na hindi pa natatapos ay si Jax ang pinapunta ko dahil na sa Rome na rin naman siya ng mga sandalling yon. Napapakamot ako sa aking batok ng biglang bumalik sa akin ang mga nangyari, hindi ko maisip kung papaano ko matatapos ang lahat ng ito. Nasa ganon akong pag-iisip ng bigla na lang pumasok ang triplets kong apo at kasama ang Ina nitong si Marie. “Lolo pogi” Sabay-sabay na banggit nito sakin at mabilis na nakasanpa sa aking kandungan. Napangiti naman ako sa mga ito at isa-isa kong hinalikan ang kanilang mga noo. Matapos ay si Mahde na lang ang naiwan na nakakandong sakin, dahil si Maxwell ay kinakalikot na ngayon ang laptop ko at kung ano-ano ang pinipinod doon. Samantalang si Mannix naman ay tinignan ang mga collection ko ng baril at iba’t-ibang klase ng patalim na nakadisplay sa aking bandang likuran, don ko nilagay para madali para sakin na makuha ito kung sakaling kaylanganin ko. “How are my grandchildren? It's good that you visited your Lolo pogi.” Masaya kong sambit sa mga ito. “We miss you, Lolo pogi, and then we will ask you for money to buy ice cream.” Nakangiting sabi sakin ni Mahde habang hinihilot ang aking kaliwang kamay. Napapailing naman ang kanilang Ina sa kadal-dalan nito. “Yes, Lolo pogi, please, we would like some mango flavored ice cream.” Dag-dag pa ni Mannix na ngayon ay nasa gilid ko at tinitignan ang suot kong salamin. “Okay, let's deliver mango flavor. As for you Maxwell, what flavor of ice cream do you want?” Tanong ko kay Maxwell na ngayon ay busy parin sa harap ng laptop ko. “I don't want ice cream Grandpa pogi.” Sagot nito sakin. “So, what do you want?” Tanong ko dito. “New computer, grandpa pogi.” Sagot nito at mabilis na binaksak ang computer ko na kanina lang ay kinakalikot nito. Napatayo naman ako at tinignan kong nasugatan ito dahil sa malakas na pagpagsak ng computer sa sahig. “Are you okay my grandson? Tell me if something hurts you and to take you to the hospital right away?” Nag-aalala kong tanong dito at sinusuri ang buong katawan nito at baka meron itong sugat. Pero napahinga ko ng mapagtanto ko na maayos ang kalagayan nito. Nakanguso pa itong tumingin sakin at may inabot na maliit na papel na hindi ko nakitang isinulat nito kanina. Kuno’t noo kong tinignan ito bago binasa ang nakasulat roon. “Don't be so loud, someone is watching us, Grandpa please.” Salita na nakasulat sa papel na iniabot nito sakin, napatingin naman ako sa kanyang Ina at nakita ko itong tumango sakin. Mabilis ko rin nabasa ang tingin ng triplets na ngayon ay nasa aking harapan na. Makikita sa mga mata nito na mangpanggap na walang alam sa mga nangyayari, napabuntong hininga naman ako at mabilis ang pagkilos na tinawag ang aking secretary para ayusin ang nabasak na computer. “Clean that up well and my grandkids might get hurt if something is left bruised.” Sambit ko sa aking secretary ng may dala na itong panglinis. Napapakamot ako sa aking ulo iniisip ko kung sino ang traydor dito sa aking opisina at nagawa nitong lagyan ng hide camera ang computer ko ng hindi ko nalalaman. Habang nag-iisip ako ay napansin ko ang paglapit ni Mannix sa aking secretary. “Hi, what's your name?” Nakangiti nitong sabi. “Ah, Angeline po, young master.” Sagot naman ng aking secretary at nakahuyo habang patuloy sa paglilinis. “How many years have you been our Lolo Pogi’s secretary?” Tanong nitong muli. “It's been almost two years, young master.” Sagot ulit nito, at sa pagkakataon na ito ay nagpaalam na itong lalabas para kumuha ng iba pang gagamitin sa paglilinis. Napatingin naman ako sa triplets at sabay-sabay na ng tanguan na parang may ibig sabihin. Hanggang sa si Marie na ang lumapit sakin at may inabot na kulay itim na sobre, tinignan ko ito bago sana bubuksan ang sobre ng pigilan ako nito. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang mga nangyayari ngayon. Di kaya dala ng aking katandaan kung kaya humihina na rin ang aking pakiramdam. “Let's go boys, your grandpa seems to be busy, so let's have ice cream first.” Sambit nito pero sa akin parin nakatingin napatango na lang ako at mabilis naman ang naging pagkilos ng triplets at isa-isang humalik sa aking pisngi. “Bye, Lolo pogi we love you po” Salita sakin ni Mannix. “We love you po” Sabay na sambit nila Maxwell at Mahde. “I'm sorry my Grandchildren, and Lolo Pogi has been busy. But I promise I'll get back to you next time and I'll make sure everything is fine.” Sagot ko sa mga ito pero ang triplets ay tumawa lang ng malakas at lumabas na ng aking opisina na parang walang nangyari. Pabagsak naman akong naupo sa aking swivel chair at tinignan ang hawak kong itim na sobre na bigay ni Marie, may note ito na sa bahay ko na lang daw ito buksan. Kaya naman mabilis ko itong ipinasok sa sout kong pants para wala na rin makakita pa. Ilang sandali pa ay pumasok na ulit si Angeline ang aking secretary pinagmamasdan ko ito habang patuloy ito sa paglilinis. Napatayo naman ako at kumuha ng alak sa center table at ininom, lihim ko itong pinagmamasdan. Nang maaalala ko ay pamangkin pala ito ni Aling Linda isa sa mga kasambahay namin sa kabilang mansion. Pero bakit kaya ito tinanong ni Mannix kanina mukha kasing may nakikita ito sa dalaga na hindi ko makita. Napapailing ako bago muling uminom ng hawak kong alak. “Master, I have finished cleaning. I have ordered a new computer again and don't worry about your emails, it will be fixed easily, Master.” Magalang nitong salita sakin habang nakayuko. May na pagtanto naman ako sa mga sinasabi nito, napatingin ako dito at lihim na pangisi ng maalala ko na ito pala ang nakabasag ng computer ko dati nang hindi ni sinasadya na natabig ito dati. At ito rin ang nagpalit at nag-ayos noon, alam ko na ngayon kung bakit ito kinausp ni Mannix at kung bakit binasag ni Maxwell ang computer ko. Grabe din ang babaeng to, hindi ko sukat akalain na halos dalawang taon din akong ginawang tanga nito, pero nagkamali ka ngayon babae. Salamat sa matatalino kong mga Apo at nalaman ko kung sino na ngayon ang traydor sa loob ng aking opisina. Pero bago yon dapat kong malaman kung sino ang mga kasabwat nito para madali na rin para sakin na mahuli ito. Ngayon makikita n’yo kung anong parusa ang kaya kong gawin sa mga tulad ninyong mga traydor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD