Chapter Three
-Marie-
“Oh, boss andito kana pala” Sambit sakin Mich na isa sa mga tauhan ko at nakakaalam sa tunay kong pagkatao.
Tama may hilim ko dahil kapag nalaman ng iba siguradong hindi ko mapoproteksyonan ang lalaking pinakamamahal ko.
Una ko siyang nakilala nong nasa high school at kasalukuyan akong nakatira sa isang bahay ampunan pa ako.
Minsan na ako nitong niligtas sa mga taong gusto ako gawan ng masama, biktima ako ng human trafficking noon. Sa ampunan kung san na ako lumaki noon, at lahat kami ay naging masaya ng may aampon daw saming isang negosyante at pag-aaralin kaming lahat sa ibang bansa. Pero isa pala yung pagbebenta ng mga batang babae sa mga Chinese para dahil sa isang club at ang iba naman samin ay para gawing parausan.
Bata pa ako noon at walang kamuang-muang sa buhay. Natatakot man ay nilakasan ko ang aking loob nilabanan ang takot na nararamdaman hanggang sa dadalhin na kami sa isang hotel na magkaroon ng putukan ng baril.
Mabilis na napayuko kaming lahat at nagdadasal na sana ay maging ligtas pa kami ng gabing yon. Nakita ko kung paano nabaril ang ibang kasamahan kong bata dahil sa ginagamit silang panangga ng mga hayop na dumukot samin.
Hanggang sa mahawakan ako ng isang kalbo at ginawa akong hostage nito para hindi siya mabaril ng mga taong kalaban nito. Nasisilaw pa ako dahil sa matinding sinag ng ilaw na nagmumula sa papalapit na lalaki.
Wala itong takot na binaril ang may hawak sakin at tinamaan ito sa ulo, nanghihina naman akong bumaksak sa sahig ngunit hindi pa man naglalapat ang likod ko dito at may naramdaman akong sumalo sakin.
Nanglalabo man ang mga mata ko ay nakita ko kung gaano ito kagwapo at suwerte ko pa dahil bago ako lamunin ng dilim ay narinig ko ang pangalan nito Jax De Lana.
Hindi ko man alam kung siya yun, dahil hindi ko nakitang lumingon pa ito sa tumawag sa kanya. Basta ang alam ko na lang ay ito ang pangalan niya. Ito ang lalaking malaki ang utang na loob ko.
Nang magising ako sa hospital ay isang ginang ang namulatan ko, nagtataka pa ako kung sino ito dahil hindi ko ito kilala. Nahihilo akong bumangon pero inalalayan lang ako nito at pinainom ng tubig. Kinamusta nito ang pakiramdam ko pero tumango alng ako dito.
Hanggang isang may edad na lalaki naman ang puamsok at mabilis akong niyakap at tinawag na Anak. Umiiyak itong nakayakap sakin ng mahigpit at panay ang hingi ng sorry, na hindi ko maintindihan. Pero kalaunan ay pinaliwanag nito sakin ang lahat. Ikinuwento nito ang lahat, kung bakit ako napunta sa ampunan at kung bakit ako nawalay sa kanila ng aking nasirang Ina.
Namatay daw ito sa sobrang pag-iisip na hindi ako makita , may sakit daw ito sa puso kaya hindi pwdeng malungkot o madamdam. At nang dahil sa pagkawala ko ay ito ang labis na kinamatay nito dahil sa hirap na nararamdaman.
Doon ko lang din nalaman ang tunay kong pagkatao. Ako Marie Del Carmen, ang pamilyang pinagmulan ko ay isa sa mga kaaway ng mga De Lana ang pamilya ng lalaking labis at lihim kong minamahal.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang grupo ko ang tumutulong kapag nasa panganib na ang magkakapatid na De Lana, kahit tauhan pa ng sarili kong Ama ang makaaway ko ay ayos lang dahil alam kong una palang ay mali na ang mga gawain nito. Pinagsabihan ko na rin itong itigil ano man ang mga transaction nito pero ayon dito ay kamatay lamang ang makakapapatigil sa kanilang grupo.
Kaya naman wala akong nagawa kung di ang kalabanin din ito ng hindi nito nalalaman.
Napabalik lang ako sa aking tamang pag-iisip ng tapikin ako sa balikan ni Gemma isa rin sa mga tauhan ko.
“Masyado kang tahimik, wag kang mag-alala hindi ka pa rin mahal nun.” Natatawa nitong sambit sakin.
“Gago, malapit na akong mahalin nun, at sisiguraduhin kong hindi ka imbitado sa kasal naming.” Nakangisi ko naman sagot dito.
“Don’t worry hindi naman ako pupunta.” Mataray din nitong sagot sakin. Kahit talaga ang mga tauhan ko mas matapang pang sumagot sakin, napapailing na lang ako sa mga ito parang kaylangan ko munang magpahinga masakit parin kasi ang sugat ko mula sa huling labanan na pinuntahan namin.
Hindi ko kasi alam na nagkasugat pala ako sa tagaliran ko sa labanang naganap ng iligtas namin ang magkapatid na De Lana, nangsugurin nila ang isang kuta ni Daddy sa isang liblib ng lugar sa palawan.
Nahubad ko na ang t-shirt ko ng biglang pumasok si Nicole ang IT ng grupo ko. Ito ang nagsisilbing mata naming sa laban dahil mabilis ang mga Teknik nito pagdating sa computer, kahit ata tulog ito ay gumagana ang mga kamay sa pagpindot ng keyboard ng laptop nito.
“Hindi pa ba magaling yan, ilang linggo na yan ha..? Halika tignan natin baka labasan na yan ng tren” Natatawa naman nitong sabi.
Napapangiwi na lang ako sa mga tauhan kong mga may sayad sa utang. Ganito sila kapag walang laban pero kapag na gitna ng laban hindi mo sila makikitaan ng hindi seryoso.
“Awww,,, baka gusto mong dahan-dahanin masakit eh.” Sabi ko na halos ikakapos ko na nanghininga dahil sa sobrang sakit talaga.
“Magtiis ka ayaw mo pa kasi magpadala sa hospital para matahi ng ayos eh.” Inis naman sagot sakin ni Nicole habang nililinis ang sugat ko.
“Boss, magpadala kana kasi walang doctor satin saka mamatay ka yan ng maaga at hindi mo mapakasalan ang dream boy mo” Nangaasar naman na salita ni Gemma.
“Oo nga boss, sayang virgin kang mamatay hindi mo man lang natitikman ang luto ng langit.?” Sagot naman ni Mich.
“Mabuti pa magsilayas kayo kung ayaw ninyo pagbabarilin ko kayo.” Kinasa ko na ang baril ko at itinutok sa mga ito, mabilis naman nawala ang mga ito kahit na si Nicole na gumagamot sa sugat ko ay bigla na lang din naglaho.
Napapailing akong nahiga sa kama ko at pumikit para makatulog at ng hindi ko gaanong maramdaman ang sakit.
Kinabukasan ay muli akong bumalik sa building ni Jax para dalhan ulit ng pagakain ng makasalubong ko ang isang tauhan nito na si Kuya Leo.
“Kuya Leo” Masayang tawag ko dito.
“Oh, ikaw pala Marie kamusta naba ang pangliligaw kay Master.?” Tanong nito sakin at natawa pa.
“Ayos naman Kuya, malapit ko ng mapasagot ang suplado mong boss.” Nakangiti kong sambit dito.
“Ganon ba sige, mabuti yan kaso mas maganda kung bibilisan mo kasi balita ko ipapakilala siya ngayon sa isang pamilyang kasing yaman din nila.” Pabulong na sabi nito sakin.
“Alam po ba ninnyo kung kaninong yamang pamilya.?” Pagtatanong ko dito.
Napakamot pa ito sa kanyang ulo at tumingin sa paligid bago muling bumulong sakin.
“Ang sabi-sabi ay isa sa anak daw ni Mr. Anthony Chen, yung Chinese na ka business ng pamilya nila.” Sabi nito, napapatango na lang ako at nagpasalamat inabot ko rin ito ang isang lunchbox na may lamang lutong ulam. Ito na lang ang bayad ko sa impormasyon na binigay sakin nito.
Hindi ko ito pwdeng bigayn ng pera dahil alam ng mga ito ay mahirap lang ako. Habang naglalakad ako iniisip ko kung sino ang Mr. Chen na sinasabi ni Kuya Leo at kung sino ang anak na babae nito. At dahil sa hindi ko maisip kung sino ay mabilis akong pumara ng taxi para makauwi na dapat kong makilala kung sino ang karibal ko.
Nasa harap ako ngayon ng computer at tinitignan kung sino ang Anak ni Mr. Anthony Chen na yon.
“Zhane Marie Chen” Basa ko sa pangalan nito ng makita ko ang social media nito.
“F*ck ka name ko pa ang bruha.” Napalakas ang pagsasalita ko kaya napasugod ang mga tauhan ko sa kuwarto.
“Boss, anong problema?” Tanong sakin ni Mich na may dalang toothbrush at hala kung ano ang ginagawa nito ngayon.
“Bakit boss,,, basted kana ba kay dream boy?” Natatawa namang sabi ni Gemma sakin. Tinignan ko naman ito ng masama at mabilis na pinaputukan ngunit mabilis din itong nakatakbo at nakalabas ng bahay.
“Mga g*g* kayo lumayas kayo dito” Malakas na sigaw ko sa mga ito.
Naririnig ko pa ang mga tawanan ng mga ito, pero hindi ko na lang ito pinansin pa at muling nagpokus sa ginagawa ko sa pagtingin sa social media ni Ms. Chen.