Chater Four
-JAX-
Kanina pa ako nababagot sa meeting na meron kami ngayo at kasama ko sila Daddy at Mommy sa isang Chinese restaurant. Nakipagset kasi ng appointment si Mr. Anthony Chen kay Daddy pero dahil makulit si Mommy na makilala si Mr. Chen ay isinama na lang niya ito, at sympre tinawagan ako ni Daddy dahil nais daw akong makilala ng matandang Chinese.
Matagal na itong Ka business ni Daddy dito sa China, maayos naman itong pagdating sa business world na meron ang pamilya ko.
Pero sa nakikita ko sa mga mata ni Mr. Chen hindi business ang gusto nito sa pamilya ko, kung di ang ireto ako sa anak nitong babae na kasama nito ngayon at malagkit ang tingin sakin.
Akala siguro nito hindi ko kilala ang kanitong klaseng babae, puwes nagkakamali s’ya. Alam na alam ko ang mga ganitong kilos na halos maghubad na kaharapan ko.
Napapakamo’t na lang ako sa aking batok dahil sa sobrang pagkabagot, hindi ko alam pero parang may nakatingin sakin mula sa malayo. Iginala ko ang aking paningin pero wala akong makitang kahina-hinala kaya naman nagpokus na lang muna ako sa pagkain.
Ang totoo hindi ko malunok ang pagkain dahil hindi ako mahilig sa Chinese food mas ok pa ako sa pagkaing Italian at Korean food gusto ko talaga ang lasa ng mga ito.
"Son, are you okay?" Mahinang tanong ni Mommy sakin, napansin na rin siguro nito ang kawalan ko ng gana. Sasagot na sana ako dito ng matanaw ko ang isang babaeng nasa kabilang mesa at palihim na sumisilip sa newpaper na nakaharang sa mukha nito.
Kahit hindi ko lapitan ay kilalang kilala kung sino ito. Napapangiti akong isipin na hanggang dito talaga ay kaya niya akong sundan, hindi naman ako nainis o nagalit ang totoo mas napangiti pa nga ako ng mapagtanto ko na ito siguro ang panay tingin sakin kanina pa.
Napaharap ako kay Mommy at nagpaalam na pupunta lang sa restroom. Tumango naman ito sakin at nag excuse na rin ako sa mga taong kasama namin roon.
Nang makaalis ako sa mesa ay mabilis akong imikot sa kinaroroonan ni Marie para gulatin ito. Pasilip na sana ito ng pigilan ko ang kamay nito at ipinatong ko sa balikat nito ang baba ko at ngumiti ng ubos ng tamis.
"Are you looking at me?" Magiliw kong tanong dito. Napayuko naman ito at malaya kong nakikita ang pamumula ng pisngi nito. Napapangiti akong hindi ko maintindihan ng makita ko ito ngayon.
Pero nagulat ako sa ginawa nitong mabilis na paghalik sa pisngi ko at mabilis na umalis sa harapan ko. Napatulala ako at hindi agad nakapagreak sa naging turan nito sakin.
Nang matauhan ako ay mabilis ko itong hinanap sa paligid pero, wala kahit anino nito. Hinanap ko ito maging sa labas ng restaurant pero wala na ito.
Hanggang sa isang kamay ang humawak sa braso ko, ang buong akala ko ay siya na pero nawala ang ngiti ko ng makita na ibang babae ito.
"Babes, who are you looking for out here? Let's go inside and Daddy and Tito are still talking." Malanding salita ni Zhane Marie ang anak ni Mr. Chen. Ngayon ko lang naisip na kapangalan pala nito si Marie ang babaeng ninakawan ako ng halik.
Naiireta ko naman itong tinignan pero baliwala lang dito ang galit na pinapakita ko. Inalis ko ang kamay nitong nakahawak sa braso at mag-isang naglakad pabalik sa mga magulang ko. Hindi ko na rin ito pinansin pa dahil pinapakita nitong pagkagusto sakin.
Hinayaan ko na lang na matapos ang lahat ng araw na yon, dun muna ako tumuloy kila Daddy sa mansion dahil na rin sa pakiusap ng aking Ina, pinagbigyan ko na lang ito dahil matagal na rin naman kaming hindi nagkakasama.
Wala din kaso ngayon ang iba kong kapatid dahil busy rin ang mga ito sa kanya kanya nila business.
Kinabukasan ay nagpasundo na ako kay Migs dahil meron akong kaylangan gawin sa office ko. Pero ng makasakay ako ng kotse biglang tumunong ang phone ko si Julo ang caller.
"Bro, we need your help. Many of my men have been wounded and killed. The enemy rushed us to my hideout." Malat na sabi nito sa kabilang linya at maririnig sa boses nito na nahihirapan din ito magsalita.
"Julo, relax and just hide in a safe place and we're on our way." Nagmamadali kong sagot dito, pero namatay ang tawag nito kaya labis kong ikinakaba. Mabilis namang pinaharurot ni Migs ang kotse alam na rin naman nito kung san kami pupunta.
Pero kasabay ng pagmamaneho nito gamit ang isang kamay ay tinawagan nito ang lahat ng tauhan ko na malapit lang kung asan ngayon si Julo para mas mabilis ang pagsagip dito.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa lugar, nguni’t laking pagtataka ko na parang walang nangyaring labanan dahil sa malinis na ang lugar. Nagtataka kong tinignan ang mga tauhan kong naunang dumating doon.
"Explain?" Maikli pero mauotoridad na utos ko sa mga ito para ipaliwanag ang mga nangyayari dito?
“"Master, this is all we have received. And based on the letter we saw; our wounded personnel were taken to a safe hospital. And with Master Julo who survived, for now I have sent him to the said place I'm just waiting for news about Master Julo's condition there." Paliwanag ng tauhan ko at inaabot sakin ang maliit na papel, mababasa dito ang address ng hospital kung san dinala nga ng mga ito ang tauhan naming sugatan.
“Migs, fix all this, you already know what to do with our dead people. I don't want any problems; you know what I mean." Salita ko dito at muling sumakay ng kotse para puntahan si Julo sa hospital.
Tumango naman ito sakin at mabilis ang pagkilos ng mga ito na sundin ang lahat ng utos ko.
Papasok na ako sa hospital ng makita ko si Marie na nasa may nurse station at kinakausap ang isang doctor, makikita ang pagiging close ng mga ito kaya naman napayukon ako ng kamao. Pero lalapit na sana ako dito ng mapansin ko ang suot nitong black pants at black t-shirt kung titignan mabuti para itong assassin.
Pero ipinaling ko ang aking ulo sa aking naiisip dahil malayong mangyari na marunong itong makipaglaban. Dahil nakita ko na ito kung paano mangatog ng magkaroon minsan ng putukan sa parking lot ng aking building. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi namalayang nakaalis na pala ito sa nurse station at hindi ko alam kung san ito nagpunta pa.
Mabilis na lang ako naglakad para makarating sa operating room sakto namang tapos ng operahan si Julo.
Na isang kuwarto na ito at nagpapahinga na, kasama nito sa loob ng kuwarto si Joger ang kanang kamay nito. At tulad ni Julo ay kakatapos lang din ito gamutin dahil sa dib-dib naman ang tama nito, pero hindi naman ganoon kalala kaya naman kaya nitong kumilos kahit papaano.
Babangon na sana ito ng makita akong papasok ng pinigilan ko itong gumalaw. Natanaw ko naman sa kabilang kama si Julo at wala paring itong malay at maraming operato ang nakakabit dito.
Nakaupo ni Joger ng muli ko tinignan. Nakayuko ito at makikita sa ilos nito ang labis na pagsisi dahil sa nangyari sa Master nito.
Lahat kasi kami ay binigyan ni Daddy ng mga tauhang na sa kanya mismo galing, sa dami naming kalaban hindi alam ni Daddy kung sino ang pwdeng pagkatiwalaan. Kaya naman limang lalaki din ang pinili nito para makasama naming sa lahat ng oras at lahat ng ito ay dumaan sa matingpagsubok bago mapabilang sa aming grupo.
Ang totoo mayayaman din ang mga tauhan naming kung tutuusin nga hindi nila kaylangan na magtrabaho samin dahil sa mayaman din ang mga ito. Pero dahil na rin sa pangalan na meron kami ay hindi naming maiiwasan na makakuha ng mga taong magiging tapat samin.
"Joger, I want to know everything that happened and if you know the person who helped you earlier?” Mahina kong tanong dito habang nakaupo sa isang upuan na malapit lang sa kama ni Julo.
“Master, we were leaving the hideout when we heard an explosion, we hide to prepare to fight but I saw that many of my comrades were wounded and died. Master Julo was with me but I finally saw that he had a gunshot wound to the back. I was going to help it in case someone hit me in the chest. But I heard that he asked you for help so I know someone will come to help us. But to my great surprise, the black ninjas came to..." Salita nito na pinahinto ko gamit ang kanang kamay.
“A black ninja?” Kuno’t noo kong tanong dito.
“Yes, Master black ninja helped us. I don't know them and who they belong to and above all what is their reason for helping us earlier. I didn't see any identification on them so I can't say who they belong to." Nakayuko nito pahayag sakin.
Mas labis akong napapaisip kung sino nga ba ang mga black ninja na sinasabi nito, at kung tama ako ng hinala iisa lang kaya ito sa black ninja na tumulong sakin ilang linggo na ang nakakaraan.
Napahilamos ako ng mukha bago tumayo at tumingin sa bintana, iniisip kong mabuti kung paano ko makikilala ang mga black ninja na ito, at ano ba talaga ang dahilan nito bakit palagi ito nagpapakita sa tuwing nasa panganib kami.
Dapat ko ng makilala ang mga ito, baka merong kapalit ang ginagawa nitong pagtulong samin. Sambit ko na na lang saking isipan.