SOMETHING FEELS

1545 Words
Chapter Two -JAX- Papalabas na ako ng aking kotse ng magsalita ang tauhan ko sakin. “Master, there is the girl who likes you again.” Nakangisi nitong salita sakin at tinuro ang isang dalagang nakaupo sa isang baytang ng hagdanan dito sa may parking lot ng building ng office ko. “Get rid of it” Walang imosyonal kong salita dito. Bumababa na ako ng aking kotse at nang lalapit sakin ang babae ay hinarang ito ng mga tauhan ko. “Honey, my loves good morning ito may dala akong breakfast mo baka lang kasi hindi ka pa kumakain kaya nagdala ako ng food para sa’yo.” Masaya nitong sabi pero hindi ko na lang ito pinansin at mabilis akong sumakay ng elevator papunta sa office ko. Ni hindi ko rin ito tinignan pa dahil naiirita ako sa pagsunod nito sakin. Minsan ko pa lang ito nakita sa isang party ng mga kaibigan kong sila Rico, at kaibigan pala ito ng girlfriend niyang si Myla. Pero mula noon ay palagi ko na ito nakikita kung saan san,. Basta lagi itong nakasunod sakin. Nalaman ko ring si Rico ang nagbibigay ng impormasyon dito, sinabi na rin nito kung ano ang kanyang nararamdaman sakin pero sadyang ayoko sa babaeng nauunang nagkakagusto sakin. Mas gusto ko na ako ang mangliligaw at hindi sila. Makalipas ang halos anim na buwan na pagsunod-sunod nito sakin, at kahit pa sa ibang bansa ay kaya nitong makapunta kaya naman mas lalo na akong nagtaka rito. Inalam ko ang background nito at nalaman kong simpleng tao lang ito, wala na rin itong mga magulang dahil sa isang apunan lang ito lumaki, nakapagtapos ng pag-aaral dahil working student ito. Wala akong nakitang kahina-hinala dito pero nakakaya nitong masundan ko kahit sang bansa ko pumunta. Hanggang sa magkaroon kami ng labanan dito sa isang bansa sa Europe na pinamumunuan ng kapatid kong si Jamil. Pero habang nasa gitna kami ng laban at nakikita kong malapit na kaming matalo ay biglang may dumating na mga black ninja naikinagulat ko. Nakahingi na kami ng tulong pero hindi naming alam kung ito ba ang tulong na pinadala sa amin ng kapatid kong si Jehem. Makikita kung gaano ito kagagaling makipaglaban. Sa bilis at liksi ng mga ito ay siguradong dumaan sa isang matinding training ang mga ito. Pero kung titignan mabuti ang katawan ng mga ito ay makikita na mga babae ito kahit na itago pa nila ito samin. Mabilis at malinis natapos ang labanan na walang nasaktan isa man sa mga ninja na dumating. Pero kung gaano naman ito kabilis dumating, ganon din ito kabilis umalis na hindi na rin naming namamalayan pa. Hanggang sa mag ring ang phone ko at si Jehem ang caller. “Bro, we're almost there, just relax, we'll finish them off.” Nagmamadali nitong salita sa kabilang linya. Nagtaka man ako ay tumango na lang ako dito kahit alam kong hindi nito nakikita. Nakauwi na ako ng mansion ni Jehem pero wala parin akong sinasabi dito tungkol sa mga ninja na tumulong samin kanina. Hindi na rin ito nakita ni Jamil dahil sa nawalan na ito ng malay dahil sa tama ng bala nito sa likod. At dahil sa misteryong black ninja ay pinaimbistegahan ko ang mga ito. Pinag-aralan ko rin ang iba’t-ibang klase ng balck ninja na naririto sa buong mundo. Lahat ito ay kinilala ko at hindi iyon naging mahirap sakin dahil sa dala kong pangalan. kaya kong gawin ang lahat ng nais ko, kahit ano pa yan o sino pa yan. “Master, I am now bringing all the black ninjas who lead and are under your leadership.” Sambit ni Migs at binababa sa harapan ko ang ilang folder. Tinignan ko mula ito at saka lumabas ng aking office. Isa-isa ko tinignan ang folder pero iba ito sa mga black ninja na nakita ko nung nakaraan linggo. Napapahilot ako sa aking batok dahil sumasakit na rin ang aking ulo sa kakaisip kung sino ang mga ito. Napatingin naman ako sa aking pintuan ng bigla na lang pumasok si Migs, at pinipigilang pumasok si Marie ang babaeng walang tigil na naghahabol sakin. Napasandal naman ako sa aking upuan at sinenyasan si Migs na hayaan na ito na makapasok. Nakita ko pang dinilaan nito si Migs na ikinailing na lang ng aking tauhan. Humarap naman sakin ang dalaga at pinakita ang dala nitong paper bag na may lamang lunchbox. “Honey, my loves kain ka muna ng lunch balita ko hindi ka pa raw kumakain ako nagluto nitong lahat at nalaman kong paborito mo ang kare-kare kaya ito ang niluto ko ngayon tara kain kana honey, my loves.” Masigla nitong pahayag sakin. “You seem to know a lot about me, while I only know your name. Who are you really, Ms. Marie?” Sambit ko dito habang papalapit sa center table kung san niya inaayos ang mga pagkain na dala nito. Nakita kong napahinto pa ito at mukhang napaisip sa aking mga sinabi, pero mabilis din itong nakabalik sa kinikilos at ginagawa na parang hindi man lang inintindi ang sinabi ko dito. “Honey, my loves kumain kana at siguradong gutom lang yan.” Natatawa na nitong sagot sakin. Tinignan ko ang pagkain na dala nito at naaamoy kong masarap ang aroma na nagmumula dito. Napatingin naman ito sakin at ngumiti ng ubod ng tamis. “Huwag kang mag-alala walang lason yan kung gusto mauuna na muna akong kumain para mapatunayan ko sayo na walang akong balak na patayin ka.” Pagkasabi nito ay kumuha ng plato at kumuha rin ng kain at ulam at isinubo sa kanyang bibig at saka mabilis na nilunok, at muling ngumiti sakin. “Nakita mo naman buhay pa ako, kaya kumain kana at walang lason yan.” Nakangisi na itong sambit sakin. Dahan-dahan naman akong kumuha ng kain at ulam at saka kumain na muna, ang totoo kanina pa ako nagugutom at mas lalo pa ako nagutom ng maamoy ko ang luto nitong kare-kare. Napabilis naman ang pagkain ko dahil sa sarap ng luto nito. Naalala ko pa si Mommy Ariya dahil sa pareho sila ng lasa ng pagkakaluto. Hindi ko rin na pansin na naparami na ang kain ko at napadighay pa ako sa harapan nito na labis naman na ikinatawa nito. Napatayo naman ako dahil sa naramdaman kong kahihiyan, nagtungo ako sa table ko at para sana tawagan si Migs. Pero na bitin sa ere ang kamay ko ng magsalita ulit ito sakin. “Huwag mo ng tawagan pa si Kuya Migs, aalis na rin naman ako masaya na ako dahil kahit papaano natikmam mo ang luto ko para sayo. Ang buong akala ko kasi sila Kuya Migs na lang ulit ang kakain ng mga niluluto. Kaya Salamat talaga, bye honey my loves ko ingat ka palagi.” Masaya pa rin nitong sambit sakin at saka mabilis na umalis sa loob ng office ko. Napabuntong hininga naman ako sa mga pinagsasabi nito. Ganon na ba ako kawalang puso para baliwalain ang nararamdaman nito, pero ano ang magagawa ko wala naman akong nararamdaamn para dito. Pero bakit parang kumikot ang puso ko kanina ng sabihin nitong ang mga tauhan ko ang kumakain sa luto nito sa tuwing tatanggihan ko. Naguguluhan na talaga ako sa aking nararamdaman para dito. Nasa ganon akong pag-iisip ng biglang dumating si Julio at Jamil na parehong masama ang aura. “Bro, Daddy is calling us all to the mansion, do you know why we are all needed?” Bungad na tanong sakin ni Julio, sa aming lahat ito ang sobrang takot kapag si Daddy ang nagpapatawag ng hindi alam kung sino ang may kasalanan. “I'm not sure, but it's ok if we follow first so we can find out what it is?” Sagot ko na lang sa mga ito, at kinuha ko ang coat ko na nakasabit sa upuan. Palabas na ako ng building at pasakay na sana sa kotse ng matanaw ko ang isang motor na nakaparada malapit lang sa building ko para lang itong may inaantay at laking gulat ko ng lumapit dito si Marie at sinuotan pa ito ng helmet ng lalaki at malaking ngiti naman ang ginanti dito ng dalaga. Hindi ko alam pero napakuyom ang aking kamao sa nakitang tagpong yon, gusto kong hilahin ang babae at huwag hayaan pasakayin sa motor ng mokong nayon. Pero naisip kong wala akong karapatang gawin yon. Nakabalik lang ako sa aking ulirat ng tawagin ako ni Julio at itulak papasok ng kotse, tinignan ko ito ng masama at natawa lang ito sakin. Habang nasa loob na ako ng kotse at pasimple kong tinignan ang dalawa at paalis na rin ang mga ito sakay ng motorsikto. Naiinis ako isipin na nakadikit ang mga katawan nito at ang dib-dib ng dalaga at tumatama sa likod ng lalaki na papamura ako sa aking isipan sa aking mga naiisip. “s**t,,,,,,F*ck” Nasatinig ko pala kaya napahinto ang sasakyan at napatingin sakin ang mga kapatid ko. “Bro, why? You alright?” Nagtatakang tanong sakin ng dalawa. Umiling na lang ako at isinuot ang shade ko para wag na rin magtanong pa ang dalawa. Ipinikit ko ang aking mga mata pero sa diwa ko at sinasaktan ko ang lalaki, ewan pero sobra akong naiinis ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD