Chapter Fourteen
-Marie-
Sa mga sandali ngayon hindi ko alam ang gagawin lalo pa at alam na ni Jax ang buong katotohanan. Nalaman ko rin na kay jacson nito nalaman ang totoo, wala na rin ako magagawa dahil nangyari na at narito na rin siya kasama ng aming mga anak.
Bumalik ang lahat ng ala-ala na ginagawa ko sa kanya sa nakalipas na halos apat na taon na rin.
Andito ako ngayon sa kusina at nag-aayos ng hapunan, samantalang siya ay kasama ng mga bata sa kanilang kuwarto. Naging busy ako sa pagluluto at hindi ko namanlayan ang paglapit sa akin ng anak kong si Maxwell. Na ngayon nga ay nakaupo na sa isang upunan na malapit lang sakin at tahimik na nagmamasid sa aking ginagawa.
Napa singhap pa ako ng makita ko ito dito.
“Grabe ka naman anak ginulat mo si Mommy! Ano pala ang ginagawa mo dito bakit ayaw mong samahan ang mga kapatid mo sa kuwarto niyo?” Tanong ko dito, pero seryoso lang itong nakatingin sakin na parang may gustong malaman.
Hindi ito agad sumagot kaya hinayaan ko na lang baka kasi naiilang pa ito na makasama ang kanilang Ama.
“Mommy, why did you leave Daddy? why didn't you tell him that you gave birth to us and that he is our father? Why?” Tanong nito sakin pagkalipas ng ilang minutong pananahimik.
Napatigil ako sa paghahalo ng aking niluluto ng makinig ko ang mga sinasabi nito ngayon sakin. Nilingon ko ito pero tulad kanina ay tahimik lang ito at seryoso parin ang aura.
Sa lahat ng anak ko si Maxwell talaga ang iniiwasan kong magtanong sakin, dahil sa sobrang tahimik nito magugulat ka na lang sa kung ano ang lalabas sa bibig nito.
“I know you will say that we are young and will not understand you, but have you not thought how messed up it is for us now. We know we have a Daddy because we can't be formed without you alone. But if you don't want to answer, that's fine, the important thing is that we met him. But if you don't want to be with him, it's fine with me not to go with him. But the two brothers definitely want to be with Daddy.” Mahabang paliwanag nito na lalong nagpatulala sakin.
Magsasalita na sana ako ng mapansin kong umalis na ito sa aking tabi at mabilis na nakabalik sa kanilang kuwarto, nang hihina ang mga tuhod kong naupo sa isang upuan don.
Napahawak pa ako sa aking dib-dib dahil sa nararamdaman kong sakit na parang pinipiga ang aking puso sa mga narinig ko sa aking anak. Hindi ko akalain na maiisip niya at masasabi ang lahat ng yon sakin.
Ang buong akala ko pa naman ay ayos lang ito tulad ng kanyang mga kapatid pero nagkamali ako.
Nasa ganon akong pag-iisip ng marinig kong masalita si Gemma sa aking likuran at kasama sina Mich at Nicole.
“Grabe hindi ko akalain na ganon katalino ang inaanak naming yon, natulala ka boss mother ah!” Pangaasar ni Gemma sakin.
“Oo nga eh, imagine at three-year-old baby boy nasabi iyon sa kanyang ina.” Seryoso namang sabi ni Mich.
“Pero aminin n’yo may point ang bata ha?” Sagot naman ni Nicole.
“So, ang magiging plano mo boss mother? Goin in Manila or not?” Tanong sakin ni Gemma.
Napatingin ako sa kanilang tatlo pero walang kahit na anong lumabas na boses sa aking bibig. Kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. At nanahimik para mag-isip ng tama akong gagawin.
Makalipas pa ang ilang araw na pananatili ni Jax dito ay nagpasya na ito na umalis muna at bumalik sa Maynila dahil meron itong importanteng gagawin sa underground world.
Hindi na rin naman lingid sa akin kung anong mundo meron ito.
“I'm leaving but that doesn't mean I won't come back to you. Because when I come back, I will make sure that you will come with me. And with my children I will introduce you to my whole family.” Bulong nito sakin bago sumakay ng kanyang sasakyan.
Napuno naman ng maraming body guard ang buong bahay namin. Iniwan kasi ni Jax ang ibang tauhan niya para magbantay samin dahil sa ayaw na nitong muli kaming mawala sa kanya.
Ang totoo wala na rin naman akong planong tumakas dahil lam kong mahihirapan ang mga anak ko.
Sa sandaling panahon ay napalapit na sa kanila ang mga bata, kaya naman alam kong hindi na nito gugustuhin na mawalay sa kanilang Ama ng matagal.
Napapaisip ako kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya nito kapag nalaman nila ang totoo. Lalo pa at nakilala ko ang step mother nito alam kong magtataka ito at baka hindi nito matanggap ang kanilang mga apo dahil sa ginawa kong pagsisinungaling dito noon.
Samantala halos araw-araw na magkakausap ang mga anak ko at ang Daddy nito sa phone, wala din itong palya magpadala sa aking ng pera pero hindi ko naman ginagastos dahil ayoko paring magmukha akong pera sa pamilya niya. Masaya na rin ako sa ganitong set-up nila sa kanilang Ama kaso minsan na papaisip pa rin ako na baka hanggang dito na lang din kaming dalawa.
Lumipas pa ang ilang buwan at sa phone pa lang din nag-uusap ang kanilang Ama. Hindi ko na rin ito pinansin pa dahil hindi rin naman ako nito hinahanap, isang beses ko lang ito nakausap at tungkol lang din sa mga bata ang aming napag-uusapan.
Ang totoo ay may puwang sa aking puso na umaasa akong magiging maayos pa kami tulad ng matagal ko ng pangarap na maging asawa ito at mapabilang sa kanilang pamilya. Pero napapailing akong isipin na malabong mangyari ang lahat ng yon dahil sa wala rin naman itong sinasabi sakin na kahit na ano.
Galing ako ng bayan para mamili ng mga stock naming ulam dahil ayokong palaging nawawala sa paningin ng aking mga anak. Papasok na ako ng gate ng mapansin ko ang iba’t-ibang klase ng mga sasakyan na nakaparada sa gilid, at hindi ito pamilyar sakin.
Kaya mabilis ang aking pagkilos at nakapasok aagd ako sa loob at hinanap ko agad ang aking maga anak.
Nakita kong nakaupo ang triplets sa sofa at may kasamang dalawang may edad na matanda. Nanglaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang mga ito.
“Mommy, tawag sakin ng triplets at lumapit sakin.
“Babies, ok lang ba kayo?” Nag-aalala kong tanong sa mga ito.
“We are ok, Mommy.” Nakangiting sagot sakin ni Mahde. Hinimas ko ang mga ulo nito at isa-isa kong hinalikan bago lumapit sa aming mga bisita.
“Good morning po Ma’am/Sir” Bati ko sa mga magulang ni Jax.
“Good morning din sayo iha, kami pala ang mga magulang ni Jax.” Sagot sakin ng Stepmother nito.
“Honey, I think she has known us for a long time, or maybe even our whole family. Am I right Ms. Del Carmen?” Mautoridad naman salita ni Mr. Jacinto De Lana. Napalunok naman ako at parang nanunuyo ang aking lalamunan dahil na rin sa mga titig nito sakin.
“Ano ka ba naman honey, wag kang ganyan magsalita sa aking daughter in law, at baka sumama ang kanyang loob.” Saway naman ni Mrs. Arriana De Lana dito, nahampas pa ng Ginang ang kanyang asawa sa binti nito na ikinailing lang din nito sa Ginang. Nahihiya naman akong nakayuko sa harapan ng mga ito.
“Ah, iha pagpasensiyahan muna ang aking asawa kanyan lang talaga ito magsalita pero mabait naman ito lalo na kapag nakasundo kayong dalawa.” Magalang nitong sabi sakin.
“Ayos lang po iyon ma’am, wag po kayong humingi ng tawad sakin.” Magalang ko ring salita dito, napatingin naman ako sa kanyang asawa pero hindi nagbabago ang pagkaseryoso nitong tingin sakin.
Hindi na rin ako magtataka pa dahil alam ko na alam na nito ang tunay kong pagkatao.
“Mawalang galang na po bakit po kayo na punta rito?” Tanong ko sa mga ito. Nakita ko naman ang pagtingin ng dalawa kaya napakuno’t ang aking noon a tinignan ang mga ito.
Dahil sa naging sitwasyon ay kinausap ko ang triplets na pumunta muna sa kanilang kuwarto dahil meron kaming mahalagang pag-uusapan na hindi maaaring marinig ng mga bata.
“Pwde na po ninyong sabihin sakin kung anong dahilan kung bakit po kayo naririto ma’am?” Tanong kong muli sa mga ito.
“Iha, kaylangan kasi namin ang tulong mo at ng mga anak mo.?” Mahina nitong sagot at hinawakan pa ang aking dalawang kamay.
“Maaari ko po bang malaman kung anong dahilan po?” Sagot ko dito na may pagtataka. Napatingin ito sa kanyang asawa bago muling tumingin sakin.
“Our son Jax is now comatose.” Seryosong salita ng Ama ni Jax, na ikinalingon ko dito at ikinalaki ng aking mata, gusto kong maintindihan ang sinasabi nito pero parang nabingin ako sa huling sinabi nito na comatose ngayon si Jax.
“Yes, at alam kong nabigla ka rin. Kaya kami naririto para isama kayo sa hospital kung nasan ngayon ang aking anak, ang sabi kasi ng doctor ay kaylangan daw ay naririnig nito ang mga mahal niya sa buhay para mabilis ang recover nito. Kaylangan na madalas din itong kinakausap ng kanyang mga anak para alam daw nito na meron pa siyang dapat balikan. Nung una wala akong maisip na ibang tao na makakatulong samin dahil sa hindi ko alam ang tungkol sa inyo, hanggang sa nabangit na kayo samin ni Migs. Kaya naging mabilis ang pagpunta naming dito, sana ay mapagbigyan mo kami iha.” Mahabang kuwento ng kanyang Ina na ngayon ay lumuluha na rin katulad ko.
At dahil sa bigat ng aking nararamdaman ay hindi ko na naitago pa ang lumuha, nagsisisi ako ngayon dahil hindi ko ito nailigtas sa panganib na noon pa man ay iniiwasan kong mangyari dito.
“Opo, sasama po kami ng mga anak sa inyo ma’am.” Tumatangong sagot ko sa Ginang, mabilis naman akong niyakap nito at nagpasalamat.