TRIPLETS SECRET MISSION

1320 Words
Chapter Eighteen -Marie- Nagugulat talaga ako ngayon sa mga kinikilos ng triplets grabe ang mga bagong kaalaman ng mga ito masasabi kong hindi pangkaraniwang bata ang mga ito lalo na sa kanilang pag-iisip. Nagyaya kasi ang mga ito sa office ng Lolo Jacinto nila at hindi ko talaga alam nung una kung bakit nila gustong pumunta doon ng araw na yon. Hanggang sa ipaliwanag sakin ni Maxwell ang totoong dahilan ng mga ito, at kung ano meron sa loob at labas ng office ng kanilang Lolo Jacinto. “Aminin n’yo nga sakin paano n’yo nalaman ang lahat ng ito? Naguguluhan ako sa mga kinikilos n’yo kanina tapos ngayon malalaman ko na ganito pala ang plano n’yong tatlo. Naririto kasi kami ngayon sa kuwarto ni Maxwell at pinapanood naming ang isang cctv footage na kuha mismo sa loob ng office ng kanilang Lolo. Makikita kasi sa cctv footage ang isang babae na malayang nagbubukas ng mga drawer na naroroon. Mukhang sanay na rin siyang gawin ito at alam kung paano mabubuksan ang lahat ng drawer, pero mapapansin din na panay ang tingin nito sa cctv na nasa kanyang harapan. Pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi man lang ito natatakot kahit alam n’yang may cctv sa loob at nakikita ang kanyang ginagawa. Ilang sandal pa ay may nakuha itong mga document sa isang drawer at napangisi pa ito bago dinala ang nakitang folder. Tinignan ko naman ang triplets at kanya-kanya sila sa kanilang ginagawa sa kanilang mga laptop. Pinagmasdan ko ang mga ito at makikitaan ang mga ito ng katalinuhan dahil sa isang iglap ay nakuha agad ng mga ito ang totoong copy sa cctv footage sa loob ng office. At ang babaeng tinutukoy ko ay walang iba kung di si Angeline ang secretary ni Sir. Jacinto. Kuno’t noo ko tinignan ang triplets at dahil alam nila ang ibig kong sabihin kaya sila na rin mismo ang nagkuwento sakin ng kanilang mga nalalaman. “I'm sorry Mommy if we kept a secret from you. We just want to protect Lolo pogi against that girl.” Salita ni Mannix at tinuro pa ang litrato ng babae na si Angeline sa sariling laptop. “Tell me everything you discovered?” Sabi ko sa mga ito. “That girl is Angeline Flores. But that's not Lolo pogi's female secretary. The woman was kidnapped two years ago but none of her family knew. Because on that day it disappeared, it was replaced by someone who looked just like it, even in its behavior and especially in its appearance, you would think it was the real Angeline Flores.” Paliwanag ni Maxwell na animoy isang teacher na naglelecture dahil may hawak pa itong stick na pinangtuturo sa litrato ng babae na nakapost sa laptop. “That's right and she is now pretending to be Lolo pogi's secretary. But because Lolo pogi didn't know the real Angeline either, he accepted her and became his secretary now.” Dag-dag pa ni Mannix dito. “Kung ganoon alam n’yo kung nasaan ang tunay na Angeline Flores? At sigurado din akong kilala n’yo kung sino ang nagpapanggap na ito.?” May paniniguradong tanong ko sa triplets na ngayon ay nagtitinginan na. Kilala ko ang mga ito hindi ito gagawa ng isang bagay kung hindi sila sigurado na maaayos nila ito. Tumango sakin si Maxwell at may binigay na papel na may nakasulat na address. Napabuntong hininga na lamang ako at napagtatanto ko na magaling pala ang mga anak ko sa pagiimbistiga. “Sino pa ang may nakakaalam ng tungkol dito?” Pag-uusisang tanong ko sa kanila. Pero ibang tao ang sumagot mula sa aking likuran. “Present, Boss mother.” Sagot mula sa aking likuran na ikinataas ng kilay ko. “Mich?” Pasigaw ko tanong dito. Napatakbo naman ang triplets dito at masayang nagtatawanan, nag-apiran din ang mga ito at makikita sa kanila ang closeness ng mga ito. “Boss mother, wag ka nang magalit sa triplets mo, ang totoo n’yan ako mismo ang nagsabi sa kanila na delikado ung gagawin nila, kaso sadyang makukulit ang mga anak mo. At s’ympre hindi naman ako papaya na mapahamak ang mga cuties kong mga inaanak noh. Kaya ako ang gumawa ng paraan para mahanap ang tunay na Angeline Flores at ligtas na ito ngayon sa pangangalaga ko s’ympre. Habang ang tatlong itlog na ito binabantayan ung fake na kasama ni Lord Jacinto.” Mahabang paliwanag nito sakin. Napapailing akong tumingin dito at walang makikita ni bakas na takot sa kanyang ginawang pagtulong sa mga anak ko. “Paano mo ginawa, eh halos kasama kita sa lahat ng lakad ko sa Italy kayo ni Nicole di ba?” Takang tanong ko dito. Pero ang gaga ay tumawa lang ng malakas at ngumisi pa sakin na parang nangaasar. Siningkitan ko ito ng mata at makikita na sa akin ang inis dito. “Nung inamaan ako sinadya ko yon para makauwi pansamantala dito dahil nakita na ng mga inutusan ko si Angeline. At kung matatandaan mo palagi akong late dumating sa hideout at puro dahilan ang ginawa ko non. Yun ay dahil tumutulong ako sa mga anak mo Boss mother ginagawa ko ang lahat ng paraan para mapagtagumpayan nila ang una nilang misyon at masaya ako dun Boss mother, kaya sana hayaan mo ang mga anak mong gawin nila ang nais nila dahil natitiyak kong magagaling silang bata.” Paliwanag nito sakin at tumingin pa sa triplets na ngayon ay busy na ulit sa kanilang mga laptop. Nagpakawala akong hangin dahil piling ko ay sumasakit na ang dib-dib ko sa mga nalaman ko. Hindi ko inakalang habang nasa ibang bansa ako at nakikipaglaban sa kalaban ni Jax. Ay may ginagawa ring kakaiba ang aking mga anak para maprotektahan ang pamilyang kanilang pinagmulan. Masasabi ko ngang dugong De Lana ang nananalaytay sa kanilang mga dugo, hindi dahil anak sila ni Jax kung di dahil sa pagiging matalino ng mga ito at magaling dumiskarte lalo na sa oras ng panganib. Alam ng mga anak ko kung paano kikilos o gagalaw kung sakaling nasa paligid lang ang mga kalabang nakaabang para mapabagsak ang kanilang minamahal na Lolo pogi. Sa edad ng mga ito na mahigit limang taon ay hindi normal ang kanilang ginagawa, imbis na naglalaro ang mga ito ay naririto sila sa loob ng kuwarto ay gumagawa ng paraan kung paano maproprotektahan ang kanilang pamilya. Imbis na naghahabulan ang mga ito sa labas at nagsasaya kasama ng ibang bata, ay hawak ang patalim para matutunan kung paano ipagtatanggol ang kanilang mga sarili sa oras ng panganib. Hindi ko alam kung masasabi kong isa akong mabutong Ina, dahil sa mga anak ko maagang namulat sa kung anong buhay meron sila. Nagagawa nila ang lahat ng gusto nila pero hindi ko sila mabigyan ng Kalayaan na parang isang bata na makikita mo sa kalsada na naglalaro at nagtatakbuhan kasama ang ibang bata at masayang nagtatawanan. Naluluha ako habang nakatanaw sa mga anak kong ngayon ay natutulog na sa kanilang kama. Gusto ko silang iaalis sa ganitong mundo pero hindi ko alam kung paano dahil karugtong ng kanilang buhay ang panganib na meron ang isang De Lana, dahil isa sila mismo dito. Isa-isa kong hinalikan ang kanilang mga noo, at kinumutan ko rin ang mga ito. Nagpunas ako ng luha ng maramdaman ko ang pagtulo nito sa aking pisngi. Ilang araw na ang lumipas muna ng malaman ko ang mga pinagagawa ng triplets. hindi naman ako nagalit pero pinagsabihan ko ang mga ito na magiingat dahil mahina pa ang kakayahan nila para gawin ang isang bagay na hindi pa naaayon sa kanilang edae. Nasa ganoon akong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko at si Migs ang caller nito. “Boss queen, you need to go to the hospital now because something happened to Boss Jax--------“? Hindi ko na ito pinatapos pa at mabilis akong nagpunta sa hospital. Naguguluhan man pero mabigat ang aking dib-dib ng sandaling yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD