Chapter Twelve
-Marie-
Papasok ako ngayon sa bakuran ng aming bahay pero sa kotse pa lang ay naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa mga anak kong naglalaro sa garden kung saan pinalagyan ko ng mini park para kahit dito sa loob ng bahay ay meron silang mapaglaruan.
Iniwan ko kasi ito kagabi ng tumawag sakin si Jacson ang pinsan ko sa Ina na hindi alam ng karamihan.
Ang pamilya kasi ng aking Ina ay hindi kilala sa lipunan na tulad ng aking Ama, kaya naman walang nakakakilala sa mga kamag-anak nito. Nakilala ko si Jacson ng minsan ko itong nakita sa puntod ng aking Ina dito ko nalaman ang lahat na magkamag-anak kaming dalawa.
Si Jacson ay matalik na kaibigan ni Jax, pero hindi nito alam na magpinsan kami ni Jacson. Matagal na rin niyang alam ang tungkol sa nararamdaman ko kay Jax kaya naman isa ito sa pinagbabantay ko dito habang nasa poder niya ang binata.
Tinawagan ako ni Jacson dahil sa sobrang kalasingan daw ni Jax na ngayon ay nasa kanyang bar, hindi na sana ako pupunta pero sinabi nitong wala itong bantay dahil pinaalis nito ang lahat ng tauhan at ngayon nga ay lasing na lasing na ito.
Namalayan ko na lang ang aking sarili na nagmamaneho papunta kung saang bar ito naroroon, hanggang sa mabilis ko ring nalaman kung sang private room ito umiinom.
Nakita ko itong matutumba na kaya naman mabilis ko itong inalalayan para maiayos ng higa sa isang sofa na naroroon. Mabuti at nasa isang private room ito kaya madali ko lang itong naayos ng walang nakakakita sakin. Patay na rin ang CCTV ron kaya wala akong dapat na ikatakot na makikita ako nito.
Hindi ko man aminin pero sobra ko itong namimiss, sobra ang nais kong makita at makasama ito. Malaki ang naging kasalanan ko dito dahil sa paglilihim ko at ang pagtatago ko sa mga anak namin.
Inalisan ko ito ng karapatan bilang isang Ama at alam kong darating ang araw na pagsisihan ko ang bagay na yon. Pero ganon pa man ay handa akong tanggapin ang lahat kahit sabihan pa ako nito ng masasakit na salita, kahit kalimutan pa ako nito ay magiging ayos lang sakin.
Kung gusto niyang magpakaama sa aming mga anak ay ibibigay ko sa kanya kahit na hindi na ako ang gusto niyang makasama.
Nang gabing yon ay ako mismo ang naghatid sa hotel nito, alam ko naman kung san ito nakatuloy na hotel saka masasabi kong madali lang ang malaman ang tungkol dito.
Wala rin akong dapat na ikabahala dahil naka monitor naman sa CCTV footage si Nicole hanggang sa makapasok at makalabas ko ng hotel na yon.
Bago ako umalis ay ipinagluto ko pa ito ng mga paborito n’yang pagkain naisip kong baka ito na rin ang huli kaya naman hinaluan ko ito ng tunay na pagmamahal para kahit sa pagkain man lang ay maipakita ko dito ang aking paghingi ng tawad sa mga bagay na nagawa ko.
Nang masigurado kong maayos na ang lahat ay tahimik akong umalis sa kuwarto nito pero bago yon ay muli ko itong hinalikan sa kanyang mga labi kahit na alam kong hindi nito nalalaman.
Pero tulad pa rin ng dati ay sinigurado nakuha ko ang lahat ng hiden camera na meron ito para ng sa ganon ay hindi nito malaman kung sino ako.
Bumalik lang ako sa aking sarili at tinigil ang pag-iisip sa kung ano ang nangyari kagabi, ng makita kong papalapit sakin si Gemma na may dalang tray na may lamang pagkain at mukhang para ito sa mga anak ko.
Kaya naman bumababa na ako ng kotse para puntahan rin ang mga ito.
“Boss mother, kamusta ang lakad mo? Basi sa aura mo ay mukhang successfully naman ano nagkita naba kayo ni Dream boy mo?” Nakakangisi nitong salita sakin. Inirapan ko na lang ito at hindi na pinansin ang sinasabi nito.
“Boss mother, magkuwento ka naman yan oh, sige ang damot mo naman eh.” Habol nitong salita sakin.
“Tumigil ka baka marinig ka ng mga bata, sasapakin talaga kita.” Inis kong sambit dito.
“Magkuwento kana kasi Boss mother para hindi na kita kulitin pa.” Sagot nito sakin. Tinitigan ko lang ito at nagmamaktol na umalis sa aking harapan.
Napapailing akong tinignan na lamang itong papunta sa mga anak kong naglalaro pa rin.
Sa kanilang tatlo itong si Gemma ang pinakamarites ito rin ang isang taong nakilala sobrang daldal sa lahat ng bagay.
“Mommy,” Sigaw ng mag anak ko at nagtatakbong pumunta sa kinaroroonan ko.
“Kamusta ang mga babies ko?” Tanong ko sa mga ito habang isa-isa kong inaayos ang mga buhok nila.
“It's okay, we played hide and seek with Ninang Nicole and Ninang Mich, they made it very difficult for me to find them, Mommy.” Reklamong sabi ni Mahde at tinuro ang dalawa kong tauhan na ngayon ay natatawa pa dahil sa pagsasalita ng aking anak. Kaya sinamaan ko ito ng tingin para tumigil na rin.
Napatingin naman ako sa panganay ko na ngayon ay nakatutok sa kanyang laptop, ito namang isang to kahit kaylan ay hindi maiaalis sa harap ng computer, pero kahit na anong tutok nito sa computer hindi ko nakikitaan ito ng mananakit sa mata kahit maghapon o magdamag pa itong may ginagawa don. Nag-aalala pa rin kasi ako para dito sa murang edad kasi nito marami na itong nagagawang kalokohan din sa computer.
Napabuntong hininga ako bago muling tumingin sa mga anak kong ngayon ay nakaupo na at kumakain ng meryendang dala ni Gemma kanina. Nagpaalam naman ako sa mga ito para magtulo na ng tanghalian dahil alam kong hindi kakain ang tatlong itlog kung hindi ako nagluluto ng ulam maseselan kasi ang panglasa ng mga ito at nagmana silang lahat sa kanilang Ama na may allergy sa mga seafood, kaya nagiging maingat ko sa mga pagkain ng mga ito.
Halos dalawang araw na ang lumipas at wala parin akong natatanggap kay Jacson ng tawag or text. Gusto ko kasing malaman kung nakabalik na bai to ng Maynila o andito parin sa Palawan. Kaso wala akong masagap na balita mula rito, nag-aalala tuloy ako na baka andito pa si Jax at hinahanap parin kami nito.
Panatag naman akong hindi kami makikita nito dahil sa ibang pangalan ang ginagamit ko, pero bakit parang nakakaramdam ako ng kaba ngayon na hindi ko maintindihan.
Pababa na ako ng hagdanan ng magring ang phone ko, dahil na rin sa pagmamadali na si Jacson ito ay nasagot ko ng hindi tinitignan ang caller.
“Yes, hellow Jacson ano ang balita naka balik na ba ng Maynila si Jax?” Mabilis kong tanong sa kabilang linya. Pero natulos ako sa aking kinaroroonan dahil ibang tao pala ang nasa kabilang linya.
“Yes, my love, I am coming back to Manila and I will make sure that you and our children are with me.” Sabi nito na alam kong nakangisi sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya naman hindi ko rin namalayan na nagsasalita naman ito sa kabilang linya.
“Oh, by the way, my love, you are coming down to the dining area so that we can join our children in eating breakfast.” Salita nito kaya bigla ko na lang pinatay ang tawag at dali-dali akong tumakbo papunta sa mga anak ko na ngayon ay masayang kumakain ng umagahan sa may dining area.
Napatulala ako sa nakikita kong naririto na talaga ang lalaking ito habang inaayos ang pagkain ng mga anak ko. Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan dahil sa mga nakikita ko kung paano nagiging masaya ang aking mga anak habang ang kanilang Ama ang nag-aayos ng kanilang umagahan.
“Mommy, let's go and eat. Daddy's pan cake is delicious.?” Sambit ni Mahde sakin.
“Da---daddy?” Nauutal kong sagot sa aking anak at muling tumingin sa lalaking ngayon ay nakangisi na rin.
“Yes Mommy, he said he is our Daddy. He said his work is far away so he just came home to our house today. But now he won't leave and they will take us back to Manila Mommy.” Sagot naman ni Maxwell na ngayon ay nakatingin sa kanyang Ama
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon dahil sa mga naririnig ko sa aking anak.
Hanggang muling nasalita ang kanilang Ama.
“Don't worry children, I promise that from now on we will always be together and I will never let you be away from me again. Not ever again.” Sagot naman ni Jax sa aming mga anak at tumingin sakin habang binibigkas ang huling salita pinakadiinan pa nito ang salitang “not ever again”.
Nang mga sandalling yon parang naubos ang lahat ng tapang nainipon ko para sa aming pagkikita ngayon. Pero sa nangyayari ngayon para wala akong lakas na kalabanin ito ngayon. Naisip kong sumunod muna sa agos para makaisip ako ng tamang paraan kung kaylan ako kikilos.