Chapter Thirteen
-Jax-
Habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko na ngayong ay natutulog sa kanilang kama ay hindi ko maiwasan mapangiti. Kanina habang kumakain kami ng agahan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kasiyahan.
Unang kita ko pa lang sa mga ito kanina ay bumilis agad ang t***k ng puso ko na animoy kinakabahan ako na hindi ko maintindiha.
Kahit na alam kong naguguluhan at nabigla ang mga ito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magpakilala sa mga ito na ako ang tunay nilang Ama.
Alam kong marami silang katanungan pero alam ko ring matatalino ang mga anak namin kaya alam kong maiintindihan ng mga ito kung ano ang meron kami ng kanilang Ina.
Inayos ko muna ang mga kumot ng mga ito at isa isa ko ito hinalikan sa kanilang mga noo, bago ako lumabas ng kanilang kuwarto para puntahan ang kanilang Ina.
Kung maraming tanong ang aking mga anak sakin, sympre marami din akong tanong sa kanilang Ina.Marami kaming dapat pag-usapan, kung hindi ko pa natuklasan ang lahat ay siguradong hindi ko parin sila makikita.
Mabuti na lang talaga at malakas ang pakiramdam ni Migs, siya mismo ang nagsabi sakin na parang may mali ng gabing nalasing ako sa bar. Kaya mula non ay nagsimula na itong magimbistiga sa bar lalo na sa kaibigan kong Jascon.
Hindi ko na lang sana papansinin ang mga kutob ni Migs pero parang naguudyok sakin na hayaan lang si Migs sa kanya kutob.
Hanggang sa may natuklasan siya sa tunay na pagkato ng ni Jacson.
Pinsan pala ito ni Marie, at nakita ko rin sa CCTV footage na si Marie ang kausap nito sa parking lot noong araw na nakita ko rin ang mga ito doon. Napakuyom ang aking kamao ng malaman ko ang buong katotohan.
At dahil sa kaibigan ko ito ay hindi ako basta nagalit dito pero binigyan ko siya ng pagkakataon na sabihin niya sakin lahat ng nalalaman niya tungkol kay Marie at kung saan ito nakatira ngayon. Wala na rin naman siya magagawa dahil talagang may kakalagyan siya sakin oras lokohin pa ako.
Kaya ng marinig ko ang lahat mula dito ay hindi na rin ako nag-akasaya ng panahon at pinuntahan ko ang aking mag-iina.
Nasa kabilang isla lang pala ito nakatira at simple ang pamumuhay na meron ito dito. Malayong malayo sa buhay nito sa Maynila. Habang papalapit ako ng papalapit sa mismong bahay ni Marie, ay hindi ko maiwasang kabahan na baka hindi ko tanggap ng aking mga anak.
Pero isang pagkakamali dahil tanggap na nila ako ngayon bilang kanilang Ama.
Pababa na ako ng hagdanan ng makita ko itong nakatayo sa pintuan at nakahilig ang ulo sa gilid ng pinto nakatalikod ito kaya naman dahan-dahan akong naglakad papalapit dito. Pero ng malapit na ako dito at bigla naman itong naglakad papalayo bago humarap at masamang tumingin sakin.
Nagbuntong hininga ako bago lumapit dito.
“Tell me what you need? And when you get out of here?” Mautoridada na salita nito sakin.
“It's simple that you and our children come with me. And let's just go back to Manila, their lives will be better. They will only learn a little more than here in the province.” Seryosong sagot ko dito. Ayokong magpakita dito ng galit na meron ako dahil alam kong may dahilan siya kung bakit niya nagawa ang bagay na yon.
“What makes you laugh, and why should we join you? Then you have no right to my children. Did you hear that they are only my children, because I was the only one who made them suffer from then and until the end.” Natatawa nitong sagot sakin.
“Better start forgetting us because you have no right. And besides, you didn't like me before, so go away, you don't need me here. They don't need you.” Dag-dag pa nito, pero hindi ako nagpatalo dahil hindi na ako papayag na hindi sila sumama sakin, lalo na at may mga anak kami na alam kong nangangailangan ng isang Ama.
Kung kinakailangan kong kalabanin ang kanilang Ina para lang pumayag ito na sumama sakin ay gagawin ko.
“Do you think I'm not ready? When the DNA test comes out, I will make sure I have the right to my children. But if you want to go to court, that's fine with me. You know me, I don't want to lose any fight.” Nakangisi kong sagot dito at lumapit pa dito hanggang sa mahawakan ko ang bewang nito.
Nakita ko ang paglunok nito at kasabay ang panglalaki ng mga mata rin nito na lalo ko naman ikinangisi. Pinakatitigan ko ang mukha niya at masasabi kong lalo lamang ito gumanda sa paningin ko, well Maganda na rin naman ito dati kaso parang mas gumanda lang ito lalo ngayon. Gumaganda pala lalo ang mga babae kapag nagkakaanak na salita ng aking isipan.
“Ano ba lumayo ka nga!” Inis nitong salita sakin, pero lalo ko lamang ito inilapit sakin at niyakap ko na ito ng mahigpit.
“If you think you can escape me again, you are wrong my love. It's been almost four years since I've gone crazy looking for you. Get ready too because now is the start of my charge.” Malambing kong salita dito at hinalikan ko ang ilalim ng tenga nito. Naramdaman ko ang paninigas nito kaya mas lalo akong natuwa dahil alam kong nadadala ito sa ginagawa ko sa kanya.
Kung sa ganitong paraan ko ito makukuha ay gagawin ko hanggang sa tuluyan na itong sumunod sa mga gusto ko.
Sa bagay kaya ko naman s’yang gawing reyna ko, at kung tutuusin alam ko namang hindi ito magpapailalim sa mga kagustuhan ko, pero gusto ko parin gawin ang lahat wag lang ulit ito mawala sakin. Alam ko kasing ikakabaliw ko kung sakaling mawala ito at maging ang mga anak ko.
Muli akong humarap dito at walang sasabi sabi na hinagkan ko ang mga labi nito na natural na mapupula, nasasabik akong muli itong matikman, kahit na wala akong maalala sa unang pagtatalik naming ay nakakaramdam pa rin ako ng labis na pagkasabik dito.
Nagulat pa ito saking ginawa pero kalaunan ay tumugon na rin ito napapangis ako ngayon sa aking isipan dahil alam kong nagiging gusto nito kung paano ang pamamaraan ko ng paghalik dito.
Pero ang masayang pakiramdam ay nahinto ng makarinig kami ng nahulog na bagay kaya naman mabilis na nakakilos si Marie at napalayo sakin. Sabay naman kaming napatingin sa mga dumating at malalaki ang mga mata nitong napapalit ng tingin sa aming dalawa.
Tatlong babae ang nakatayo sa aming harapan at makikita sa mga ito ang gulat at pagtataka.
“Boss mother, ano to? Ano meron teka dba siya si ------!” Sabit ng isang babaeng maputi at makikita ang pagkakikay nito dahil sa kulay pink ang lahat ng suot nito. Pero naputol ang sasabihin nito ng takpan ang bibig nito ng isa pang babaeng maikli naman ang buhaok at mukhang tomboy sa unang tingin.
Habang isang babae ay naupo sa isang upuan at naghimay ng manggang hilaw.
“Bakit kayo andito? Hindi ko naman kayo pinapapunta ha?” Inis na sambit ni Marie.
“May masama sana kaming balita sa iyo, kaso mukhang alam mo na rin naman” Sagot ng babaeng kumakain na ngayon ng manggang hilaw napapangiwi naman ang ibang kasama nito dahil sa asim ng kinakain nito. Pero ito parang wala lang ang pagkain dito.
“Yes, boss mother saka mukhang hindi naman pala masama dahil mukhang happy ka pa.!” Natatawa naman sabi ng babaeng kikay. Sinamaan naman ito ng tingin ni Marie mabilis ang galawa na pinukol ito ng kutsilyo.
Sa sobrang bilis nito ay hindi ko nakita kung san ito kumuha ng kutsilyo, samatalang mabilis naman ito sinalo ng kikay at maghimay na lang ng mangga.
Hindi ko sila kilala kaya wala akong mabanggit na pangalan ng mga ito. Nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang mga ito habang nag-uusap pero mukhang napipikon na si Marie sa mga ito.
Hanggang sa makarinig kami ng mga boses ng mga bata na tinatawag ang kanilang Ina. Mabilis naman ang pagkilos ni Marie na lapitan ang aming mga anak. Nakita ko kung paano mabilis na niyakap nito ang tatlong batang lalaki na ngayon ay patuloy pa rin sa pag-iiyak.
“My babies, Mommy is just here, so don't cry anymore ok. hold on ok” Malambing na sambit nito sa tatlo, yumakap dito ang mga bata at ilang sandali lang ay tumahan na rin ang mga ito. Hanggang sa nakita ako ni Mahde na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanila.
Mabilis ang pagtakbo nito sakin at yumakap ng mahigpit sa aking mga hita. Tinukod ko ang aking isang tuhod para mayakap ko rin ito ng mahigpit.
“I had a dream that someone took Mommy, and then she wouldn't come back to us, that's why we cried because we didn't want to lose our Mommy, Daddy.” Salita nito na umiiyak pa.
“Don't cry, Daddy is here, I won't let someone take your Mommy from us, is that ok? Daddy will watch over Mommy so bad people don't take her.” Sagot dito para mapakalma ang mga ito.
“Mommy, I don't want to go to Manila? can we just stay here please?” Sagot naman ni Maxwell habang nasa tabi ng Ina at nakayakap dito.
Napalingon naman ako kay Marie at sakto din ang pagtingin nito sakin. Pero nagtataka akong hindi ko mabasa ang nais nitong sabihin sa pamamagitan ng aming titigan.