Adeline’s POV
NAPATINGIN ako sa wall clock, mag-aalas otso na ng gabi pero wala pa rin si ninong. Mahapdi na ang tiyan ko. Binitiwan ko ang ballpen at tumayo ako at lumapit sa refrigerator at nang mabuksan ko iyon ay napanguso ako nang isang pitsel lang ang laman ng ref. Bumalik ako sa lamesa at binuksan ang bag mabuti na lang at may isang skyflakes na natira at iyon ang kinain ko at uminom ako ng tubig. Sumandal ako sa upuan at giniya ang mga mata sa paligid. Malinis ang condo ni ninong dahil may cleaner na pumupunta dito tuwing lunes at huwebes. Kumpleto rin ang kagamitan, ang kaso kahit may bigas at delata naman ay hindi ako makakain paano hindi ako marunong magsaing at hindi rin ako kumakain ng delata na hindi dumadaan sa apoy. Ngayon ko narealise ang sinasabi palagi ni yaya Salud na hindi habang buhay ay kailangan niya akong pagsilbihan. Katulad ngayon, wala ang yaya ko kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kasi wala sa isip ko ang matuto sa gawain bahay dahil ang goal ko ay mag-aral lang nang mag-aral. Kapag bumaba kasi ang grades ko ay patitigilin ako ni daddy kaya wala akong ibang ginawa kundi ang pag-igihan sa klase dahil gusto kong makapagtapos at makahanap ng trabaho nang sa ganoon ay makaalis na ako sa puder ng mga magulang ko.
Nang tumunog ang doorbell ay nilapag ko ang natirang biscuit sa notebook ko at tumakbo patungo sa pinto at binuksan iyon. Si ninong Wilson na basa ng ulan at inabot nito sa akin ang paperbag ng Jollibee.
“N—nabasa ho kayo, ninong. Maligo ho kayo para hindi kayo magkasakit.” Wika ko na ikinangiti niya. Nagbaba ako ng tingin, hindi ko alam kung ano ‘tong nararamdaman ko at subrang lakas ng dating niya sa akin lalo na kapag nakangiti.
“I’m glad that you’re worried about me, Adeline.” Tugon ni ninong at agad akong tumalikod at lumapit sa lamesa.
“Syempre naman ho, ninong ko kayo.” Sagot ko habang tinatanggal ang mga papel ko sa lamesa at nilagay sa sofa.
“Yeah, that’s it.” Sagot muli ni ninong at hindi na ako nagsalita pa at kumuha na lang ng pinggan at kutsara.
“Paano n’yo ho nalaman na kumakain ako neto?” pag-iiba ko sa usapan dahil parang walang plano ang ninong ko na tumigil sa kakasalita dahil inungkat pa neto ang mga araw na inaabutan ito ng ulan sa kalsada.
“Because those are the kids’ favorites.” Nainis na naman ako sa sagot ni ninong ko at nang mapatingin ako sa kaniya ay napangisi siya. Halatang nanunuya kaya umupo na lang ako at hindi ko na inalok si ninong na kumain. Madalas akong kumain sa mga fastfood chain kasi hanggang doon lang ang budet na binibigay sa akin ni daddy. Kapag nililibre lang ako ni Adreila saka ako nakakain sa mga mamahaling restaurant at kapag kinakailangan akong isama ni mommy sa labas kasi paminsan-minsan ay hinahanap ako ng mga amiga niya at kahit napipilitan ay kailangan akong isama ni mommy.
Napatingin na lang ako kay ninong nang umakyat siya sa itaas at bitbit ang bag niya. Nang matapos akong kumain ay tinakpan ko lang ang natirang ulam at kanin sa mesa. Kinuha ko ang French fries at umupo sa sofa at binuksan ang TV hanggang hindi ko namalayan at nakatulog na ako.
Paggising ko kinaumagahan ay nasa kuwarto na ako. Napakagat ako sa ibabang labi kung paano ako napunta dito dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ako umakyat. Bumangon na lang at pumasok ng banyo at naligo. Naghahanda na ako sa pagpasok ko sa skwela at nang pababa ako sa hagdan ay narinig ko ang kausap ni ninong sa phone.
[“She’s fine, Tito. I’ll watch her, yeah I promise.”] Nang marinig ko iyn ay tumigil ako sa paglalakad. Binaba ni ninong ang phone niya at nag-ayos ng sapatos nito saka ako nagpatuloy sa paglalakad na parang kakababa ko lang. Ayokong makabalita anuman sa pamilya ko.
“Good morning little girl, drink this milk I prepared for you. Gumawa rin ako ng sandwich and juice baon mo sa school.”
Napangiwi ako, gayunpaman ay wala akong nagawa kundi inumin ang gatas at kunin ang sandwich at juice at ilagay sa bag ko. Sabay kaming lumabas ng condo at napangiti ako ng lihim nang hinawakan niya ang pulsuhan ko papasok sa elevator.
Pinahatid niya ako sa driver niya sa school, tinanong ko nga kung bakit hindi na lang siya ang maghatid sa akin pero sabi niya ay next time daw. Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay tiningnan ko siya sa bintana at bigla siyang kumaway. Hindi ko maiwasan mapangiti.
****
HAHAHA! Humagalpak ng tawa ang kaibigan kong si Adriela nang ipakita ko sa kaniya ang juice at sandwich na ginawa ni ninong. Akala ko nga ay tutuksuhin niya ako pero ang walang hiya ay pinagtawanan lang ako.
“Seroiusly, Adel? Kinikilig ka sa lagay na ‘yan?” muli na naman siyang tumawa nang malakas at kulang na lang ay paalisin kami ng may-ari ng canteen pero dahil kilala nila kami ni Adriela na anak ng kilalang personalidad ay pinagpasensyahan nila kami.
“Bakit, ano ba kasing nakakatawa? Walang nakakatawa sa effort no’ng tao!” pagtatanggol ko kay ninong. Uminom muna siya ng tubig at kumuha ng tissue at dinampi-dampi sa kaniyang bibig.
“Oo nga, naroon na tayo ang kaso, bakit ka niya pababaonan ng ganiyan? Ano ka kinder?”
Napatanga ako sa sinabi ng kaibigan ko at muli na naman siyang tumawa. Bakit hindi ko iyon naisip kanina doon sa condo. Oo nga pala, nagmistula akong maliit na bata neto. Napansin ni Adriela ang pananahimik ko kaya sumeryoso na siya sa akin.
“Adelina, matanda ka na, nasa college na tayo at bolbolin ka na tas pababaonan ka ng juice?” bagamat nakangiti pa rin ang mga mata ay nilalabanan ni Adriela ang sarili na huwag tumawa.
“Ano ba ang gagawin ko? kung hindi ko tatanggapin baka ma-offend sa akin si ninong, nakikitira lang ako sa puder niya, ‘diba?” saad ko. Bumuntong hininga si Adreila
“Best, ito seryoso huh, ‘wag kang magagalit sa akin pero parang ang tingin sa iyo ng ninong mo ay bata pa rin. Ma-offend na siya kung ma-offend pero ang kailangan ay ipamukha mo sa kaniya na hindi na ikaw ‘yung Adeline na nakilala niya. Malaki ka na oh, puwede ka na nga makagawa ng totoong bata eh!” Giit nito sa akin.
“Eh, paano kung hindi ko mabago ko ang pagtingin ni ninong at bata pa rin ang trato niya sa akin? nakawala na nga ako sa parents ko pero parang minalas naman yata ako dito sa ninong ko.” humalukipkip siya sa mesa.
“Gano’n talaga best, mahirap dumepende sa ibang tao. Doon ka na lang kaya sa akin nang sa ganoon ay matapos na ang problema mo sa buhay?”
Napasandal ako sa upuan at tumango-tango. Magandang ideya ang minungkahi ng kaibigan ko.
Natapos ang oras ng vacant namin at umalis na kami sa canteen at dumiretso sa math subject. Pag-ganitong Wednesday ay halos mga lalaki ang mga classmates namin ni Adreila. Tumabi sa akin si Gerald, engineering siya at heartthrob ng campus kaya ang tumabi sa akin ang bagay na ikaiinisan ko. Mabait naman si Gerald ang kaso ay maraming mga babae ang halos isumpa ako sa tuwing nadidikit sa akin ang ‘crush’ nila.
“Hi, Adeline. It’s nice to see you again.” Nakangiti niyang sabi sa akin at nagulat ako.
“Huh?” ito lang ang nasabi ko.
“Ang ibig kong sabihin ay hindi na kita masyadong nakikita sa court, sa bar, at kung saan-saang galaan. At wala na akong nababalita recently na may kaaway ka.”
“Ah? iyon ba? oo, kailangan ko nang magpokus sa study ko.” Sagot ko. Marami pa kaming napagkuwentohan ni Gerald hanggang dumating ang prof namin at nagsimula nang magdiscuss.
KATULAD kanina ay sinundo pa rin ako ng driver ni ninong pauwi ng condo.
“Si Wilson po? nakauwi na?” tanong ko sa driver. Tumingin muna ito sa rear mirror bago ako sinagot.
“Wala pa ho ma’am. Mamayang 3am ko pa po siya susunduin.” Sagot niya.
“Madaling araw na iyon ‘diba? Paiba-iba po ba ang schedule niya sa hospital?” tanong ko muli.
“Hindi ko po alam, ma’am. Ang habilin lang sa akin ni sir ay susunduin ko siya sa mansyon ninyo.”
Sagot muli ng driver at biglang nabundol ng kaba ang dibdib ko. Ibig sabihin ay pupunta na naman niya si ate Marivick mamaya. Hindi na ako muling nagtanong hanggang nakarating kami sa condo.
Maraming pagkain ang nakahain sa mesa nang dumating ako. Mula sa banyo dito sa ibaba ay lumabas ang isang babae na may hawak na mop.
“Good afternoon ma’am. Ako po ang katulong na kinuha ni doc, pinagluto ko na po kayo at nilabhan ko na rin ang mga labahin at nakapaglinis na rin ako. Puwede na ho ba akong umalis?” tanong niya sa akin.
“Hindi ko ho alam, ano po ang usapan ninyo ni Wilson?” tanong ko lang at pinaliwanag nitong stay out lang siya dahil may maliit pa siyang baby. Tumango lang ako at umalis na siya.
Umupo lang ako dito sa center table at nilabas ang bag ko at muli akong nag-study. Dumaan ang ilang oras at nagugutom na ako. Tinanggal ko ang takip sa mesa at kumain ako. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kuwarto ko sa taas at naglinis ng katawan. Nahiga ako pero hindi ako makatulog kaya muli akong bumaba at binuksan ang TV. Ngunit ang aking isip ay lumilipad patungo kay ninong Wilson. Alas onse na ng gabi, bigla kong naalala ang senaryo na naabutan ko sa mansyon namin.
Ohh, deep… deeper, love!
Napasabunot ako sa aking buhok at dinikit ko ang aking mukha sa aking tuhod habang nakaupo sa sofa. Nagsusimiksik sa aking utak ang aking nakita, ang ari ni ninong na nasa loob ng bibig ni ate habang hawak ito at ang mukha ni ninong na hindi maipinta halatang nasasarapan siya sa ginagawa noon ni ate. Tiyak na sa mga oras na ito ay baka lagpas pa doon ang ginagawa nila. Paano kung mabuntis ni ninong si ate? hindi naman ako nag-aalala para sa babaeng iyon kundi ang pinag-aalala ko ay tiyak na papanugatan ni ninong ang bata kung sakali. Binunggo-bungo ko ang aking ulo sa aking tuhod, saan pa nga hahantong ang relasyon nila kundi sa pagpapamilya rin. Ano ba ‘tong mga walang kuwentang naiisip ko, kailan pa ako nanghimasok sa buhay ng tao.
HINDI ko na namalayan ang oras dahil nakatulog pala ako sa sofa habang bukas ang TV. Hanggang naramdaman kong umangat ako sa ere at dahan-dahan kong minulat ang aking mata at naghiwalay ang aking labi nang makita ko ang guwapong mukha at matangos na ilong ni ninong. Buhat niya ako ngayon paakyat sa hagdan at nakapokus siya sa hagdan kaya pinagsasawa ko ang mga mata ko sa mukha niya at iwan ko ba at gumalaw ang kamay ko sa likod at napansin iyon ni ninong kaya mabilis akong pumikit at nagkunwaring tulog.
Naramdaman ko ang malambot na kama sa aking kamay pero hindi pa ako nalalapag sa kama nang biglang akong mabitawan ni ninong at mabilis ko siyang hinatak at hindi na ako nagkunwaring tulog kaya halos magdikit ang aming mukha at nalanghap ko ang amoy alak at scent ng pabangong gamit niya. Naghahalo iyon kaya nakakahumaling ang mabangong amoy ng leeg ni ninont at ang amoy alak sa hininga niya.
“You’re awake?” mahinang sambit ni ninong
“You’re drunk?” mahing tugon ko at halos maduling ako dahil sa subrang lapit ng aming mukha at nahihirapan akong huminga sapagkat nakadagan sa akin si ninong at ang lakas ng kabog ng aking dibdib na tila mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo habang nakipagtitigan ako kay ninong.
“N—ninong…” napasinghap ako nang naramdaman kong may biglang tumigas sa aking puson at alam kong ang alaga iyon ni Wilson. Kitang-kita ako ang pagbaba ng tingin ni ninong mula sa aking mata pababa sa aking labi at hindi nakaligtas sa akin ang paggalaw ng kaniyang adams apple. Bumaba pa ang kaniyang tingin sa aking leeg at ang mas nakaagaw sa tingin niya ay aking dibdib at halos kalahati ng aking dibdib ay lantad lalo pa at wala akong bra. Natatakpan ng dibdib niya ang aking dibdib, ang kaniyang kamay ay nasa ilalim ng aking baywang at dahan-dahan niyang tinanggal iyon at paggalaw niya ay tuluyan na niyang nakita ang isa kong dibdib at biglang umawang ang kaniyang labi na nakatutok roon.
“Wilson... sambit ko at parang nagising ito at biglang umalis sa aking ibabaw at isang iglap ay naabot nito ang kumot at tinakip sa lantad kong dibdib.
Hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali at bigla na lang nagsalubong ang kaniyang kilay at walang salitang lumabas ng aking kuwarto.