NANG makapasok sa mansyon ay hindi niya nadatnan ang mommy niya at ang ate niya. Lumapit agad si yaya Salud na siyang kinuha ang bag niya at hinawakan nito ang mukha niya.
“Akala ko kung napaano kana, hija,” pag-aalala nito sa kaniya. Hindi siya kumibo hanggang sa binato sa kaniya ng ama ang sling bag niya na naiwan sa kotse.
“Ipasok mo na ‘yan sa kuwarto, manang.” Utos ng ama sa yaya at agad siyang kinabig ng yaya niya paakyat sa ikatlong palapag.
“Gusto ko hong mapag-isa.” Turan niya sa yaya niya na mabilis naman tumalima. Umupo siya sa kama at binaon ang kuko sa kutson. Bumalik na naman siya sa impyernong bahay na ito.
Napalinga siya nang may marinig siyang may humahagikhik mula sa bintana. Lumapit siya doon at hinawi ang puting kurtina at dumungaw siya kaya kitang-kita niya mula sa gilid ng pader ang ate Marivick niya na tumatawa hanggang sa sinandal ito sa pader ng nakatalikod na lalaki hanggang sa naghalikan ang dalawa. Kumuyom bigla ang kaniyang kamao, ayaw niyang nasisiyahan ang ate niya dahil naiinggit siya. Kaya naman ay pumasok siya sa banyo at kumuha ng tabo at timba at saka niya sinaboy ang tubig pero hindi ito abot. Buong lakas niyang sinaboy iyon hanggang sa napaghiwalay ang dalawa. Nakita siya ni Marivick at binato pa niya ang tabo sa mga ito pagkatapos ay sinara niya ang bintana.
Hindi nagtagal ay sunod-sunod ang katok sa pinto ng kuwarto niya pero hindi niya iyon binuksan. Nawala ang katok at ilang sandali ay nabuksan ang pinto gamit ang susi ng doorknob ay bumungad ang daddy niya. Nakahanda na ang mukha niya dahil alam niyang sasampalin na naman siya nito ngunit biglang ngumiti ang daddy. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya pinagalitan at naninibago siya.
“Bunso, anak, nariyan si ninong Wilson mo. Hinahanap ka, bumaba ka na at magmano ka sa kaniya at huwag na huwag mong ipapakita ang demonyo mong ugali.”
Sino kaya ang demonyo sa pamamahay na ‘to! Gusto niyang isumbat iyon pero nanahimik na lamang siya. Busangot ang mukha niya nang sumunod sa ama pababa ng hagdan. Narinig niya ang tawa ng mommy niya at dahil nasa likod lang siya ng ama kaya hindi niya pa nakikita ang ninong niya.
“Bunso, anak, your ninong Wilson is here.” Tila mahal na mahal siya ng mommy niya sa paraan ng pananalita nito.
“Where is Adeline?”
Napatingala ang dalagita dahil sa swabe na tinig ng lalaki at pagtagilid ng ama niya ay agad nagtama ang mga mata nila. Ang kaninang kunot noo niyang mukha ay biglang umaliwalas nang magkatitigan silang dalawa. Literal siyang napamaang dahil maling-mali ang akala niya. Napakabata pa at napakagandang lalaki ni Wilson. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at may kakapalan ang kilay at ang mata nitong kulay abo. Hindi rin malaki ang tiyan nito at napakalinis niyang tingnan.
“Adeline? Wow! Dalagang-dalaga ka na. Noong umalis ako ay limang taon ka pa lang, but look at you now.”
Maging ang binata ay hindi makapaniwala sa kaniya. Sa edad niyang desesyete ay hindi akma ang katawan niya sapagkat dalagang-dalaga na ang pangangatawan niya. Mas maalindog pa nga siya sa ate niya dahil mayroon siyang kalakihang dibdib, maliit na baywang at matambok na puwet kaya sinong mag-aakala na isa pa siyang estudyante.
“Magbless ka sa ninong mo hija, mahiyain talaga itong bunso ko.” Plastik na saad ng mommy niya. Lumapit siya sa ninong niya at kinuha ang kamay nito ngunit agad niya rin nabitawan nang may kakaiba siyang naramdaman. Tila nagulat din si Wilson ngunit ikinibit balikat nito iyon at sa halip ay ginugulo-gulo ang buhok niya ng kamay nito. Matangkad kasi talaga ang binata at hanggang dibdib lang siya nito.
“Bueno, kumain na tayo hijo at lalamig ang pagkain.” Wika ng ama niya at bigla siyang tinalikuran ni Wilson at naunang lumapit sa lamesa. Pasimple siyang siniko ng mommy niya at pagtingin niya ay masama ang mukha nito sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mommy niya at sumunod kay Wilson. Eksaktong bumaba ng hagdan ang ate Marivick niya at tatabi sana siya sa ninong niya nang unahan siya nito sa upuan.
“Anak dito ka na sa tabi ko,” saad sa kaniya ng mommy niya kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo paharap sa ninong Wilson niya.
Nagsandok ng kanin ang mommy niya at nilagay sa pinggan ng daddy niya. Nagsandok na rin siya ng kaniya at nang sandukan ng ate niya si Ninong ay pasimple siyang napairap.
“So, kumusta naman ang flight mo hijo?” tanong ng ama niya. Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito kahit na kanina pa niya gustong tumayo at magmukmok sa kuwarto niya. Hindi niya maiwasan na tingnan si ninong at bigla na lang humigpit ang hawak niya sa kubyertos nang pinagbabalat ni ninong si ate niya ng hipon at nilalagay sa pinggan nito. Wala sa sariling napatayo siya at biglang tumalikod kahit pa tawagin siya ng ama ay hindi siya nagpatinag at dire-diretso lang siyang umakyat sa itaas.
Tinawagan niya ang kaibigan na si Adriela at ikuwenento ang buong pangyayari maging ang tunay na hitsura ng ninong niya. Rinig niya ang hagikhik ng kaibigan niya at gusto nitong dalawin siya bukas para makita rin nito si ninong bagay na ikinatuwa niya. Isang oras at mahigit pa yata silang nag-usap ng kaibigan bago niya pinatay ang phone at bumaba siya ng hagdan. Hinanap si ninong Wilson dahil naalala niya na may regalo pala ito sa kaniya.
Sa swimming pool niya ito naabutan nakasandal ito sa gelid at bahagyang nakatingala habang sinusuklay-suklay nito ang buhok.
Lumapit siya sa swimming pool at umupo sa gelid habang ang kaniyang paa ay nakalubong sa tubig. Napansin siya ng ninong niya at agad na ngumiti at talagang laglag ang panga niya nang lumapit pa ito sa kaniya na hanggang shorts na lang ang tubig dahil medyo mababaw na sa parte malapit sa kaniya. Nagpuputok ang abs nito na hindi niya maiwasan pagmasdan.
“How are you little girl?”
Dismayado si Adeline sa pagtawag nito sa kaniya ng little girl. Akala yata nito ay bata pa talaga siya gayong dalagang-dalaga na siya.
“I’m not a little girl anymore, ninong.” Sagot niya bagay na mas lalong ikinatawa ng ninong niya.
“Maybe you’re… not but for me, you’re still my Adeline that I used to dress up.” Giit ni Wilson at tumabi sa kaniya.
“Bakit ho kayo narito sa mansyon namin wala ka bang bahay?” diretso niyang tanong at tumingin sa kaniya bigla si Wilson kaya bigla siyang naasiwaan.
“Ayaw mo ba narito ako?” tanong pabalik ni Wilson.
“May relasyon ba kayo ni ate?” tanong niyang muli.
“Napakabata mo pa para sa ganiyang bagay, Adeline. Pumasok ka na sa loob at lalamigin ka dito.” Sa halip ay pinagtabuyan siya nito. Nagulat siya nang bigla siyang alalayan ni Wilson na tumayo at kahit naiilang ay hinayaan niya si ninong.
“Delia, anong ginagawa mo?” malakas na boses ng ate niya at biglang hinila si Wilson palayo sa kaniya.
“Ano ba sa tingin mo?” palaban niyang sagot at hindi makapaniwal ang ate niya sa inasta niya. Kung dati kasi ay yumuyuko lang siya kapag kausap siya nito pero ngayon ay taas noo siyang nakipagtaasan ng kilay.
“Love, calm down. Gusto kong ibigay kay Adeline ang regalo ko sa kaniya dahil mahabang panahon at maraming pasko ang hindi ako nakapagbigay ng Aguinaldo.”
Hindi nakakibo ang ate niya at masama lang siyang tiningnan nito. May kinuha si Wilson sa bag nito na nakahilera lang sa tabi, hindi niya alam kung bakit nasa labas pa ang mga bagahe nito gayong marami naman kuwarto dito sa mansyon.
“I’m glad to see you again, Adeline. Just for you.” Malambing na wika ni Wilson at binigay sa kaniya ang rose jewelry box. Kaagad niyang inabot iyon at hindi siya magkanda-ugaga sa pagbukas hanggang tumambad sa kaniya ang kuwentas na white gold at may maliit na diamond sa gitna. Hindi niya maiwasan na maging emosyonal at bigla niyang niyakap si Wilson. Sa labis niyang tuwa ay umiyak siya sa dibdib nito kung alam lang ni Wilson na ito ang kauna-unahan na makatanggap siya ng regalo sa buong buhay niya. Kahit kasi mayaman sila pero ni minsan ay hindi siya niregaluhan ng mga magulang na ganitong kagandang kuwentas. Kumalas siya at muling tiningnan ang kuwentas at isinuot ito ni Wilson sa leeg niya at bahagyang hinawi ang mahaba niyang buhok. Nakayuko lang siya at pinagmamasdan ang box dahil alam niyang nasa harapan niya ang ate niya at ayaw niyang masira ang gabing iyon. Nang hinapit siya ni Wilson paharap sa kaniya ay agad na nagtama ang kanilang mga mata.
“Happy 18th birthday, sweetheart.”
Nabitawan ng dalaga ang box sa sinabing iyon ni Wilson. Mabilisan niyang binilang ang taon, oo nga pala birthday niya ngayon. 18th birthday niya ngayon, debut niya pero wala manlang nakakaalala sa importanteng araw ng buhay niya. At si Wilson, ang ninong niya pa ang kauna-unahan na nagbati sa kaniyang kaarawan na dapat ay ang mommy at daddy niya ang gumawa no’n. Napahikbi si Adeline hanggang humagolhol na siya ng iyak at agad siyang niyakap ng ninong niya. Naramdaman niya ang kamay ni Wilson na hinahagod ang likod niya.
“Happy birthday pala, sis.” Pinasigla pa ng ate niya ang boses nito at hinila siya kaya binitiwan siya ni Wilson at niyakap siya ni Marivick nang mahigpit sabay na binulungan siya sa teynga.
“Umakyat ka na sa taas kung ayaw mong isumbong kita kay dad.” Mariin nitong pagbabanta sa kaniya. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sundin ang ate niya. Nagpasalamat siya kay Wilson at pinapangako niya sa sarili na malalaman din ng ninong niya ay ang pamamaltrato sa kaniya ng sariling pamilya. Hahanap lang siya ng tiyempo para sabihin iyon sa ninong niya.
KINABUKASAN nang magising siya ay wala ang ninong niya. Tinanong niya sa kasambahay at ang sabi ay umuwi na daw sa condo nito. Nanghinayang siya, hindi manlang sila nagpang-abot ngayong umaga.
“Kumain ka muna hija bago pumasok sa school.” Wika ng kasambahay
“Sa canteen na lang ho ako kakain, yaya.” Sagot niya at agad na lumabas ng mansyon. Hinatid siya ng driver papasok sa university. Kung siya lang ay mag-cocomute siya pero ayaw siyang payagan ng daddy niya. Hindi dahil sa concern sila kundi ayaw nilang malaman na ganito ang pagtrato sa kaniya lalo pa at tatakbo na mayor ng Maynila ang ama niya sa Mayo at Pebrero na ngayon malapit nang mangampanya ang ama niya kaya kailangan nito ng mabangong pangalan.
Hawak-hawak niya ang kuwentas sa leeg nang pumasok siya ng room. Nauna sa kaniya ang kaibigan na si Adriela at syempre ay pinagmayabang niya ang regalo ni Wilson kagabi na kuwentas. Maging ang kaibigan niya ay masaya para sa kaniya.
Mabilis na lumipas ang oras at alas syete na ng gabi. Martes kasi ngayon at marami siyang subject na pinasukan kaya kahit gabi na ay nasa labas pa siya. Nasa labas siya ng campus at hinihintay ang driver niya hanggang inabotan siya ng isang oras ay wala pa rin ang sundo niya. Hindi kasi sila magkaklase ni Adriela sa last subject kaya nauna na itong umuwi sa kaniya kaya hindi rin siya nakapagsabay.
Ilang sandali pa ang lumipas at wala ñpa rin ang sundo niya kaya napagdesisyonan niyang magcommute na lang. Pero dahil rush hour pa kaya nahirapan siyang makasakay at umabot na lang ng alas diyes ay ng gabi ay nasa jeep pa rin siya mabuti na lang at wala nang masyadong sasakyan sa ganoong oras.
Halos alas onse na ng gabi nang makarating siya sa mansyon at agad siyang nagdoorbell at binuksan siya ng guard.
“Good evening ho señorita, kayo pala? Bakit po nasa labas pa kayo akala ko po ay nagpapahinga na kayo sa itaas?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.
“Bakit hindi ako sinundo ni Mang Marlon? Nasaan ba siya?” inis niyang saad sa guwardya.
“Ay, hindi po ba kayo tinawagan ni señorita MarivickHabilin po ng ama ninyo na sunduin kayo ni señorita dahil urgent na lumipad ang mga magulang ninyo sa probinsya kaninang tanghali kasama si Marlon.” Sagot ng guwardya.
“Kung ganoon bakit hindi ako sinundo ni Marivick?”
Napakamot sa ulo ang guwardya. “ Katunayan ho ay tinanong ni boss Wilson kung umuwi ka na raw sabi ni señorita nasa kuwarto ka na daw at nagrereview para sa final exam ninyo kaya hindi na kayo dinusturbo ni boss.”
“A—ano? napakasinungaling talaga ng babaeng iyon! Humanda siya sa akin!” galit na pumasok sa loob ang dalaga at sinisigaw ang pangalan ni Marivick pero walang sumasagot. Umakyat siya sa itaas at hinanap ang kapatid.
“f**k! Deep… deeper love!”
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang nahihirapang boses ng ninong niya. Hinanap niya ang pinangagalingan ng boses na iyon at mula sa sofa ay aninag niya si ninong Wilson na nakaupo sa sofa at ang ate niya na nakaluhod sa harap nito at pinapaligaya ang sandata ni Wilson. Binuksan niya ang switch at biglang lumiwanag kasabay nang paglingon sa kaniya ng dalawang pares. Mabilis ang kamay ni Wilson na kinuha ang maliit na unan at tinakip sa gitna nito habang si Marivick ay hindi manlang nahiya at tila ikinatuwa pa nito na madatnan niya sa ganoong posisyon.
“s**t!” Malutong na napamura si Wilson at agad na inayos ang suot na pantalon na nakababa hanggang sa tuhod nito.
“What are you doing here, Adeline?” kunot ang noo ni Wilson nang balingan siya na ngayon ay maayos na ang sarile at napameywang itong hinarap siya.
“Bakit dito kayo sa labas? Maraming kuwarto.” Wika niya na nawala ang kaninang galit niya at huminahon ang kaniyang boses.
“Sweetheart—“ agad niyang pinutol ang sasabihin nito.
“Hindi n’yo ho kailangan magpaliwanag ninong, legal age na ho ako kung iniisip ninyong child abuse ang nakita ko.” Saad niya at agad siyang tumalikod. Magsasalita pa sana ang ninong niya nang pinigilan ito ng ate niya. Dire-diretso na lamang siyang pumasok sa kuwarto niya at nag-empake. Hindi siya natulog at hinintay na sumapit ang madaling araw saka siya bumaba ng kuwarto. Tahimik na ang paligid at nakalabas siya sa gate nang walang nakakaalam. Sa pangalawang pagkakataon ng paglalayas niya ay sisiguruduhin niyang hindi na siya babalik pang muli sa mansyon na ito.
“Where are you going, Adeline?”
Napalingon siya sa likod niya at gano’n na lang ang takot niyang naramdaman nang makita si Wilson na may hawak na bote ng alak. Hindi naman ito lasing parang kakabukas pa lang ng bote.
“Lalayas ka?” muling tanong nito sa kaniya.
“Wala na kayo do’n. Kung saan man ako magpunta wala ka nang pakialam doon ka na lang kay Marivick!” inis niyang saad at binilisan ang paglalakad pero hinabol siya nito at hinawakan siya sa kamay at hinapit paharap.
“I know everything, Adeline. Manang salud told me everything you went through with your family. Sumama ka sa akin, iuuwi kita sa condo ko.” Turan ni Wilson at kinuha ang bag niya at hinawakan siya sa kamay papasok sa kotse nitong nakaparada sa labas ng gate.
“Hindi ba magagalit ang girilfriend mo?” nag-aalala niyang tanong. Binuhay ni Wilson ang makina nang makapasok sila at bago nito paandarin ay pinisil ang ilong niya at bahagyang ngumiti.
“Ofcourse not, walang magagalit dahil kapatid ka niya at anak na ang turing ko sa iyo.”
Biglang nasamid nang sariling laway ang dalaga. Iwan niya ba, totoo naman ang sinabi ng ninong niya dahil ganoon naman talaga ‘diba kapag ninong at ninang mo ang isang tao ay inaanak, anak na ang turing sa iyo pero bakit si Wilson? Bakit tila hindi niya matanggap na anak ang turing nito sa kaniya. Hindi siya masaya sa isiping iyon.