Adeline’s Pov
NANG bumaba ako kinabukasan ay naabutan ko si ninong na nakangiti at hindi naman sa akin nakatingin kaya binilisan ko pa ang pagbaba at doon ko nga nakita na si Marivick pala ang kaharap nito. Nagsalubong ang kilay ko nang inaayos ng babaeng iyon ang necktie ni ninong. Muli akong bumalik sa itaas at busangot na umupo sa kama. Hanggang narinig ko ang katok sa aking kuwarto at pagbukas ko ay si ninong na maayos na ang hitsura. Suot pa nito ang labgown at handa nang pumasok sa hospital.
“Why don't you come down? What time is it, you might be late.” Untag niya sa akin pero hindi talaga maalis ang inis ko.
“By the way, your parents have a letter for you, your sister brought it earlier.” Dagdag pa niya pero hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya at bumaba ng hagdan. Wala na si Marivick nang makababa ako pero ang bag nito ay naroon sa sofa.
“Adeline?” tawag niya sa akin pero hindi ko pa rin siya nililingon at inayos ko na lang ang gamit ko at nilagay sa bag at nagsuot ako ng dollshoes. Pagtayo ko ay bigla niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sofa.
“I’m talking to you!” mariin niyang turan at bigla naman akong natakot dahil ngayon ko lang siya nakitang seryoso na ganyan.
“Alam mo na minamaltrato ako sa amin ‘diba? so bakit mo pa tinanggap ang sulat?” sagot ko. Pinapakita ko sa kanya na hindi niya ako puwedeng masindak-sindak.
“I know. Humihingi ng tawad ang pamilya mo at sinabi nilang bumalik ka na—“
“Ayoko ko!” sagot ko agad na hindi na tinapos ang sasabihin pa niya kasi alam ko na ang mangyayari.
“Nangako silang hindi ka na sasaktan at gusto nilang bumawi sa iyo, give them—“ pinutol ko uli ang sasabihin niya.
“Bakit dahil dito mo dadalhin si Marivick? Sagabal ba ako sa inyong dalawa?” prangka ko sa kanya at kumunot ang kaniyang noo at mas lumapit pa sa akin.
“Ofcourse not, sweetheart. Okay fine, hindi na kita pipilitin na bumalik sa pamilya mo. But promise me, one thing?” tanong niya at tumango ako.
“You must respect your ate, she’s older than you.” Ani nito at iniwas ko ang tingin. Ayaw kong makita niya na hindi ako pabor sa hinihiling niya. Ngunit hinawakan niya ang aking mukha upang mag-abot ang aming mga tingin. At sa pagkakataong iyon ay muli akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag, sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat ay hindi ako komportable. Hindi ako natatakot bagkus ay parang may hinahanap ang aking sarili.
“You promise little girl?” mahina niyang wika at kusang gumalaw ang aking kamay at hinawakan ang palad ni ninong na nakahawak pa rin sa aking mukha.
“W—wilson…I pr—“ subalit hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla niyang binawi ang kaniyang kamay at tumalikod.
Napabuga ako ng hangin habang tinatanaw si ninong na lumapit sa ref at uminom ng tubig. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko at nakatingin lang ako kay ninong na ngayon ay nasa harap ng lababo at hawak ang isang baso pero hindi na ito uminom. Nanatili niyang hawak iyon at hindi siya lumilingon sa akin. Pakiramdam ko ay maging si ninong ko ay hindi komportable na nandito ako.
Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ko si, Adriela tinatanong kong papasok ba ako dahil wala pa ako. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nahagip ng aking mata ang juice at sandwich sa mesa at alam kong para sa akin iyon pero hindi ko na inabala pang kunin at lumabas na ako ng pinto.
Pinindot ko ang number patungo sa ibaba at pagpasok ko ay pumasok rin si ninong at nagulat talaga ako nang bigla siyang sumulpot.
“Ninong?”
“I’m going to work too,” tugon nito at ito na ang nagpindot ng number hanggang sa nakababa na kami.
“Ninong, puwede—“ hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang matanaw kong nakaupo si ate sa harapan ng kotse ni ninong at nang makita niya kami ay agad nitong binitiwan ang sigarilyo at inapakan ng heels nito at ngumiti.
“What it is, Adeline?” baling sa akin ni ninong.
“Ah, wala ho, nakalimutan ko na.” Sagot ko na lang at binilisan ko ang paglalakad patungo sa isang kotse na nakaabang ang driver na siyang maghahatid sa akin sa school. Nang makapasok ako sa loob ay sinarado ko agad ang bintana at dahil tainted naman ang kotse kaya nilingon ko silang dalawa na pumasok na rin sa kotse. Gusto ko sanang sabihin na sasabay ako sa kanya at kung puwede ay siya ang maghatid sa akin sa university pero hindi ko na itinuloy dahil si ate ang ihahatid niya sa school din nito. Bigla na lang naninikip ang dibdib ko sa tuwing nakikitang masaya ang ate ko, lalo na kung si ninong ang nagpapasaya sa kanya. Aaminin kong buong buhay ko ay inggit na inggit ako kay ate, kaagaw ko siya sa lahat ng bagay. Mula sa pagmamahal at kalinga ng mga magulang ko, sa mga gamit nitong mamahalin at ngayon naman ay kaagaw ko pa siya kay ninong. Kailan kaya papabor sa akin ang tadhana?
“Nandito na ho tayo, ma’am.”
Untag sa akin ng driver, hindi ko na napansin dahil sa kakaisip ko.
Late na nga ako sa ist subject at limang minuto na lang ay maglalabasan na. Minabuti kong tumambay sa paborito namin tambayan ni Adriela at hindi nga ako nagkamali dahil pinuntahan niya ako matapos ang subject nito. Ikiwenento ko sa kanya ang nangyari pati ang gabi kaya bigla niya akong hinampas pero nang magpatuloy ako sa pagkuwento sa nangyari ngayong umaga ay tumamlay ang hitsura nito.
“Walang malisya ‘yon bhe, dala lang ‘yon ng kalasingan niya kagabi.” Pagtatama nito sa akin at sumipsip ng milktea.
“Teyka nga lang, bakit parang ikaw itong apekatdo sa inyong dalawa?” bigla niyang akong kinurot sa tagiliran na may kasamang panunudyo.
“H—hindi ko alam, pero ang gusto ko ay sa akin lang ang atensyon niya. Gusto kong sabihin na hiwalayan niya si ate.” Sagot ko at bigla niya akong binatukan.
“Gaga! As if naman nanliligaw sa iyo ‘yung tao. Pero sa tingin ko ay concern lang talaga siya sa iyo kasi nga inaanak ka niya. Ang maipapayo ko lang sa iyo, best, ‘wag assuming para hindi ka masaktan, ngayon kung lumalala na ‘yang nararamdaman mo at sa pakiramdam mo ay hindi na tama, umalis ka na sa puder sa niya, gano’n lang kasimple!”
****
Wala akong naintindahan sa lahat ng discussion namin sa maghapon dahil sakop ni ninong ang isip ko at dagdagan pa ng sinabi sa akin ng kaibigan ko. Napailing-iling ako, baka nga ay masyado lang akong affected sa pagiging mabait at caring sa akin ni ninong. Isa pa, ay matanda siya sa akin 12 years ang agwat niya sa akin at kung magboboyfriend man ako gusto ko ay nasa kaedaran ko lang para madali kaming magkasundo.
“Adel? Uuwi ka na?”
Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa akin. Si Gerald pala na may hawak na bola at mukhang kakagaling palang nitong magbasketball.
“Ano sa palagay mo? tsaka lumayo ka nga ‘yung pawis mo hindi ka manlang nagpunas, kadire ka!” saad ko. Inamoy pa nito ang sarili at biglang tumawa.
“Wala naman ah, ang bango – bango ko nga, amuyin mo pa oh, oh!”
Tinulak ko siya nang ipagduldulan sa akin ang sarili at inis kong kinuha ang panyo sa bulsa ng palda ko at pinunas sa braso kong dumikit ang braso niya kaya basa rin ako ng pawis. Mas lalo siyang tumawa at hindi naman makakailang mas lumalabas ang kagawapohan niya lalo pa at lumalabas rin ang dimples niya sa magkabilaan. Dahil sa ingay ni Gerald kaya nakaagaw kami ng pansin ng mga estudyante at muli na naman nila akong sinamaan ng tingin. Kung hindi ko lang kasama si Gerald ay baka nilusob na ako ng mga ito at sinabunutan.
“Ang aga pa ah, labas muna tayo. Kain tayo sa labas, treat ko.”
“Huwag na! hindi ako interesado!” pagtatanggi ko at bigla siyang humarang sa daraanan ko.
“Bakit ba napakasuplada mo, Adel? Kaya siguro mas maraming nagkakagusto sa ate mo kaysa sa iyo kasi ikaw ay suplada at ang ate mo ay mabait at namamansin. Kaya siguro walang nagkakagusto sa iyo ano?” saad niya na ikinagalit ko.
“Anong sabi mo?” tumaas ang boses ko, anong karapatan niyang husgahan ako. Hindi porket mabait ang tao sa public ay ganoon din siya sa totoong buhay. At ang ate ko, ang buong pamilya ko ay mga dakilang plastic at iyon ang hindi nakikita ng mga tao.
“Kasi naman ay palagi ka na lang nakasimangot. Tara, labas tayo!”
Nang hilahin niya ang aking kamay ay hindi na ako tumanggi.
Akala ko ay magdadate kami katulad ng iba na kapag inaaya lumabas ay pupunta ng bar at mag-iinuman pero hindi iyon ang nangyari. Sa halip ay dinala ako ni Gerald sa mall at pinapili niya ako ng mga gamit pangbabae. Marami akong gustong bilhin sa sarili ko, gusto ko naman maranasan na bago ang aking mga gamit hindi poro pinaglumaan ng ate ko. O ‘di kaya kapag may binili si mommy na gamit na hindi nagustuhan ni ate ay saka sa akin ipapasa, walang nagtatanong kaya walang nakakaalam kung gaano kasakit ang pagkamuhi ko sa aking pamilya.
“Pumili ka lang Adel, ang daddy ko ang franchisor ng mall na ito.” Saad sa akin ni Gerald. Napatingin ako sa kabuuan niya, maayos na ang hitsura nito dahil nakabihis na ito ng short at damit kaya mukha siyang mabango kung titingnan. Tiwala naman ako dito dahil magkaibigan ang mga magulang namin.
Marami pa kaming mga pinamili at magkabilaan ng aking kamay ang mga paperbags na bitbit ko maging si Gerald ay may mga bitbit din. Kumain pa kami sa restaurant at nag-aaya pa nga si Gerald na manood ng sine kaya nanood na rin kami at iyon nga hindi ko namalayan ang oras at alas nueybe na ng gabi.
“Bakit ka narito sa subdivision na ‘to? Bakit lumipat na ba kayo?” tanong sa akin ni Gerald habang pauwi kami ng condo ni ninong. Sinabi ko nga sa kanya na naglayas ako at kasalukuyang nasa puder ng ninong ko. Tumango-tango naman siya at hindi nag-usisa tungkol sa ninong ko hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan kung kailan malapit na kami sa condo.
Ginarahe niya ang sasakyan at hinatid pa niya ako sa itaas. Bitbit niya ang ilang pinamili namin at pumasok kami sa elevator at nakalabas na kami. Pinipindot ko ang password dahil alam kong wala pa si ninong dahil patay ang lahat ng ilaw at tiyak naroon na naman iyon sa mansyon kasama si ate.
“Pasok ka muna Gerald, gusto mo ba ng kape?” nilingon ko pa siya.
“Yeah.” Sagot nito.
“Okay.” Sagot ko hanggang pumasok na ako sa loob at binuksan ang ilaw at bigla akong natulos sa aking kinatatayuan nang tumambad sa akin si Wilson na nakaupo sa sofa pinaharap pa nito patungo sa pinto kaya kitang-kita ko ang madilim nitong mukha habang hawak ng isang kamay ang kopita. Giniya ko ang tingin at subrang gulo ng paligid. Maraming pilsen ang nasa sahig na wala nang laman, may dalawa pang serbesa ng beer na ubos na at ang isang brandy na alak na kalahati na ang laman. Ang tinidor at pinggan ay nakataob sa floormat.
“Where have you been?” Baritinong boses ni ninong na kunot ang noo.
“This is laptop Adel. Unahin mo muna ito.” Saad ni Gerald at tuluyan na rin nakapasok. Bumalik ang tingin ko kay Wilson, nakatingin ito kay Gerald at hindi nakaligtas sa akin ang paghigpit ng kamay nito sa hawak na kopita at tiningnan niya rin ang maraming paperbags na hawak ko at bigla akong natakot kaya niyakap ko 'yon nang mahigpit at nang magkatitigan kami ni ninong ay biglang umigting ang kanyang panga.