MABILIS na lumipas ang isang buwan at tatlong linggo. Mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa ni ninong. Siya na rin ang naghahatid at sundo sa akin sa school ng isang public school kung saan ay nagpa-practice teaching ako. Si ate naman ay mas lalong naging busy kaya halos hindi na kami nagkikita sa mansyon kaya tuwang-tuwa ako. Hanggang dumating na nga ang graduation day ko. Subrang kaba at excitement ang aking nararamdaman dahil sa wakas ay magtatapos na ako sa kolehiyo. Makakaalis na rin ako sa puder ng mga magulang ko, siyangapala, c*m laude ako. Talagang itinago ko kay ninong dahil gusto ko siyang isurpresa mamaya sa stage. Alam kong magiging proud sa akin si ninong at hindi ko mahintay ang gabi. Alas sais pa lang ng umaga ngayon at katext ko siya kagabi. Nag-iba na naman ang