NAKAKAPIT ako sa braso ni Adriela habang palabas kami ng campus. Sasabay daw siya sa sasakyan ko pauwi. “Binilisan natin Adel, baka abutan tayo ng ulan.” Saad niya at hinila ako kaya sumunod ako sa kanya ngunit bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. “OMG! Yung doctor mo nandito, Adel!” Sinundan ko ang tingin ni Adreila at biglang lumakas ang t***k ng puso ko, si ninong nga nandito at nakasandal na naman sa kotse niya. Pero ngayon ay nakasibilyan lang siya, wala yata siyang pasok sa ospital. “My Adeline?” Tawag sa akin ni ninong at parang kiti-kiti sa tabi ko si Adriela, tinukso-tukso ako tuloy ay napangiti ako at nanginit ang aking buong mukha. “Tapos na ba ang klase n’yo?” “Opo, tapos na. Pauwi na nga kami, kayo po?” si Adriela ang sumagot kay ninong at napatingin sa