LIMANG ORAS ang dumaan at pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng kuwarto at tinawagan ko nga si Adriela dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinabi niyang kumalma lang ako at huwag mag-overthink pero hindi ko magawa. Hanggang narinig ko ang pagbusina ng sasakyan sa ibaba at lumapit ako sa bintana. Lumabas roon si ninong at pumasok sa loob, bubuksan ko sana ang pinto upang lapitan siya ngunit natakot ako. Hindi ako nagu-guilty dahil alam ko sa sarili kong wala akong kasalanan at aksidente ang nangyari ngunit ang kinatatakot ko ay sinabi niyang pregnant si ate at ang galit niyang mukha sa akin kanina ay para bang nagbabanta. Paano kung anak niya ang pinagbubuntis ni ate? paano kung nakunan? At paano kung ligtas ang bata, paano? Paano na kami? Papanagutan niya ba si ate?” Napapasabunot ako