NAPANGANGA si Gessa nang humarap na sa kanya ang binata. Napatingin ito sa kanya pero agad rin binawi ang tingin at sa halip ay tumungga ng alak. “Anak, si Gessa Mae pala. ‘Yong batang apo ng dati mong driver na si Mang Carding. Natatandaan mo ba siya anak? sinama mo nga siya sa bayan noon.” Galak na pakilala sa kanya ni Adelina. “So, it’s her?” Napayuko si Gessa dahil iyon lang ang sinabi ni Greg. Aaminin niyang napahiya siya at napansin naman iyon ni Adelina. “Ano ka ba naman anak ‘yan lang ba ang masasabi mo? Bueno, siya nga at pumayag na siya. Mag-usap muna kayo sa magiging setup n’yo, ah? anak, ikaw na ang bahala kay Gessa at magpapainom muna ako ng gamot sa ama mo.” “But—“ magsasalita pa sana si Greg nang tumalikod na ang mommy niya. Silang dalawa na lang dito sa sala at hi