DAHIL sa malakas na pag-ulan maghapon ay hindi natuloy ang graduation sa high school. Naiinis ang dalaga dahil kung kailan super excited siyang pumaso sa plaza ay saka naman nagpasali ang ulan. “Mang Carding, tao po, Mang Carding? Gessa?” Sunod-sunod na sigaw ng boses lalaki sa labas ng bakuran nila. Tumayo si Gessa pero pinigilan siya ng lolo niya. “Ako na apo ang titingin ng tao sa labas. Diyan ka lang!” saad sa kanya ni Mang Carding kaya nabalik sa pag-upo si Gessa. Ngunit hindi pa nakakalabas ang lolo niya nang kumalampag ang pinto nila at nabuksan iyon ng tao sa labas. Si Mang Malou, ang hardinero ng mansyon. “Oh, Malou, bakit?” tanong ng lolo niya. “Pinapasundo kayo ni donya Adelina dahil may paparating na bagyo. Tara na sa mansyon habang hindi pa lumalaki ang baha. Tiyak k