“Anak, princess. Hindi puwedeng dito titira si mommy. Kasi—“ Biglang umiyak si baby Jillian kaya si donya Adelina ay agad na lumapit sa apo niya. “Dito titira si mommy apo. Huwag ka nang umiyak, magkakasama na kayo ni mommy. Diba mommy?” Baling sa akin ng donya at ang mata niya ay may pagbabanta at agad akong tumango. “Oo, anak. Dito na si mommy titira para magkasama tayo.” Sumang-ayon na lang ako para hindi umiyak ang anak ko. Ayaw ko siyang masaktan at lahat ay gagawin ko para sa kanya. “Yehey! Yehey! Daddy, magkakasama na tayo! dito na si mommy titira!” Tuwang-tuwa ang anak ko at nangingibabaw din sa puso ko ang kasiyahan lalo na ang ngiti sa labi niya. Lumapit sa akin ang anak ko at nagpabuhat kaya agad akong tumayo at binuhat ko siya. “Gessa, pasok na sa loob.” Pag-aayaya