NAALIMPUNGATAN akong nagising dahil pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko. Pagmulat ko nga ay namilog agad ang aking mga mata nang may malaking brasong nakadagan sa aking tiyan. May hita pang nakadantay sa hita ko kaya napabalikwas ako ng bangon at sinipa ko siya pero malaki din ang katawan niya kaya hindi siya nahulog sa kama. “Ikaw?” umalingawngaw ang boses ko pero siya ay ngumiti lang. Talagang nagulat ako nang mamukhaan si Walter. Nakadapa kasi siya sa kama at biglang tumihaya at bigla akong nanginig nang nakaboxer lang siya. Mabilis kong sinipat ang aking sarile nakauniform pa naman ako at mukhang maayos naman ang sarile ko. “Don’t think too much. I just want to sleep next to you.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinanap ko ang aking bag pero hindi ko makita. Sa halip a