STUPIDA!
Isang malakas na palad ang dumapo sa kabilang pisnge ni Adeline nang sampalin siya ng ama dahil lamang naiwan niya ang balat ng saging sa sahig dahilan para madulas sa sahig ang ate Marivick niya. Wala siyang reaksyon kundi ang nakayuko lamang at damhin ang hapdi ng mabigat na kamay ng ama.
Tumalikod ang ama at iniwan siya sa sala at agad naman siyang nilapitan ni Manang Salud, ang yaya niya, ang siyang nagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal na hindi kayang ibigay ng kaniyang mga magulang.
“Sanay na ho ako, yaya. Huwag n’yo akong kaawaan.” Turan niya at umakyat sa itaas at pumasok sa kuwarto niya. Doon siya nagwala, sa mga gamit niya ibunonton ang sama ng loob sa mga magulang. Sa galit niya ay maraming nabasag na mga paintings, basag rin ang salamin na bintana maging ang mga chandelier sa kuwarto niya ay hindi na gumagana. Dahil sa ingay ng kuwarto niya na hindi niya naisara ang pinto ay pumasok ang mommy niya na kakagaling pa lang magpa-make-up at sa inaasahan ay sinabunutan siya ng buhok at nginodngod sa sahig.
“Wala ka talagang silbing bata ka! wala ka na nga’ng pakinabang sakit ka pa sa ulo! Kung alam ko lang na ganiyan ka kademonyo sana pala ay pina-abort kita noon ‘de sana ay hindi ka na nabuhay!”
Mga salitang tagos sa puso ng dalagita, sa dami ng masasakit na sinabi ng mommy niya ito na yata ang pinakamasakit na narinig niya dahilan para umiyak siyang nakadapa sa sahig habang sinasaktan ng mommy niya. Hanggang napagod ang mommy niya at binitiwan na siya nito.
“Sabi ko naman sa ‘yo, sana ayy nagtimpi ka na lang. Ayan tuloy mas nasaktan ka tuloy, madami ka tuloy galos.”
Nahahabang damdamin na wika ni Manang Salud matapos gamutin ang mga sugat niya sa tuhod at siko. May mga pasa rin siya sa ibang parte ng katawan niya.
“Pagod na pagod na ako, yaya. Gusto ko na lang mamatay nang sa ganoon ay matahimik na ang mga magulang ko. Isa akong piste sa buhay nila.” Lumuluha niyang sabi at agad na nag-empake ng mga gamit.
“Saan ka naman pupunta? dumito ka na lang muna, kaunting tiis na lang at makakapagtapos ka na rin makakaalis ka na rin sa puder ng mga magulang mo.” Pangaral ng matandang babae ngunit buo na ang desisyon ni Adel lalayas na lamang siya kaysa ang ipagsisiksikan ang sarili sa pamilyang kahit kailan ay hindi naman siya pinahalagahan.
Kahit anong pagpigil sa kaniya ng yaya Salud ay hindi siya napilit at sa huli ay bitbit ang maleta at sling bag nang bumaba siya ng hagdan. Lalabas na sana siya ng pinto nang matanaw niya ang mga magulang niya sa hardin. Nakaupo ang mga ito habang kausap ang isang babae na kung hindi siya nagkakamali ay ang personal assistant ito ng ate Marivick niya. Isang sikat na model si Marivick at kasalukuyan pa itong nag-aaral sa kursong medisina. Ang pagkakaalam niya ay huling taon na nito ngayon at magtatapos na sa susunod na buwan.
“Oh my God, I have a dark spot on my check!” biglang tumili ang ate niya na busy sa kaka-selfie sa tabi ng swimming pool.
“Get rid of that s**t!”
Napangisi si Adel nang mataranta ang mga magulang niya. Kung siya ay halos ilampaso sa sahig kabaliktaran naman sa ate niya. Halos ayaw nilang padapuan sa langaw, ganoon nila ito kamahal kulang na lang ay luhuran nila at sambahin. Hindi nga niya alam eh kung paano siya napunta sa pamilyang ito, kung paano siya naging anak ng mga ito. Maiintindihan pa sana niya kung sakaling sampid lamang siya pero hindi eh, kamukha niya ang mommy niya at pati ang balat nitong morena, tangkad at buhok ay kuhang-kuha niya sa mommy niya kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya gusto ng mga ito.
Bago pa siya maiyak ay sa kusina siya dumaan patungo sa likod ng mansyon at doon siya lumabas at nag-abang ng traysikel. Ipinapangako niya na hindi siya muling iiyak at magpapatalo sa mga ito—lalong-lalo na sa ate niya.
DITO siya napadpad sa bahay ng kaibigan niya, anak mayaman din si Arieda at ang mga magulang nito ay naroon sa ibang bansa at ito na lang mag-isa dito sa condo kaya hindi siya nahirapan.
“Sinabi ko naman sa iyo na lumayas ka na sa inyo, pero napakatigas ng ulo mo!”
Senermonan pa siya nito at kinibit balikat niya lamang iyon. Nilagay niya ang mga damit sa cabinet at pumayag naman si Arieda na magtabi lang sila sa kama kahit pa na mayroon namang kuwarto sa kabila.
“Best, huwag kang magmukmok. Mag-ayos ka at magbar tayo!”
Sa kagustuhan niyang makalimutan ang problema sa pamilya ay pumayag siya agad sa alok ng kaibigan. Nag-suot lang siya ng maikling puting short at itim na tube at naglagay siya ng make-up at kinuha niya ang sling bag dahil naghihintay na sa kaniya ang kaibigan sa sala.
Hindi na bago sa dalagita ang mga ganitong exclusive bar dahil palagi silang laman nito ni Adriela kaya nga sakit siya sa ulo ng mga magulang dahil sa pagiging wild niya.
“Good evening, ladies?”
Nakangiting pagbati sa kanila ng bartender nang makapasok sila at naupo. Si Adriela ang nag-order ng maiinom nila at ilang sandali lang at sinerve na sa kanila ang napiling inumin. Biglang tumayo si Adriela at sumayaw-sayaw sa gitna habang siya ay mag-isang tinungga ang wine.
Bukas na pala ang debut niya, pero siya lang yata mag-isa ang cecelebrate. Wala naman pakialam ang parents niya, sa katunayan ay hindi siya nagbibirthday, same as normal days kaya sanay na siya. Pero itong kaibigan niya lang ang nagpaalala sa kaniya sa darating niyang kaarawan na matagal na niyang kinalimutan.
“Best, arat na, sumayaw na tayo.” Pag-aaya sa kaniya ng kaibigan pero itinaas niya lang ang bote at tumango siya. Napansin naman ng kaibigan niya ang malungkot niyang mukha kaya nilapitan siya nito at umupo sa harap niya at nangalumbaba sa harap niya.
“Best, ano na naman ba ang iniisip mo?” pangungulit nito.
“Iniisip ko lang kasi, kailangan ko kumita ng pera. Tiyak na tatanggalin ni daddy ang allowance ko dahil nga naglayas ako. Hindi ako puwedeng huminto sa pag-aaral isang semester na lang ay magtatapos na ako, tayo.” Saad niya.
“Ako na ang bahala sa iyo. Bibigyan kita ng pera kung ayaw mo ay papautangin na lang kita tapos saka mo na ako bayaran kapag nakapagtrabaho na tayo.” Tugon ng kaibigan niya.
“Hindi puwede, ayokong dumedepende sa iyo, gusto kong ipakita kay mommy at daddy na kaya ko ang sarili ko.” Giit niya.
“Sabagay, pero ano naman ang trabaho na papasukin mo kung sakali eh ang mahal ng tuition natin kahit nga sahod ng manager sa bangko ay hindi pa sapat para sa tuition natin.”
Napabuntong hininga siya at buong tapang na sinalubong ang tingin ng kaibigan.
“Papasok ako sa porn, malaki daw ang kita doon.”
“Ano? nababaliw ka na ba?” sa subrang galat ni Adriela ay napataas pa ang boses nito sabay na kinalampag ang lamesa kaya napatingin sa kanila ang ibang tao.
“Total ay masamang anak naman ang tingin sa akin ng pamilya ko ede ituloy ko na lang. Wala rin naman magbabago maging mabuti man o masama ay manatiling wala akong silbi sa kanila.” Mapait siyang napangiti at muling tumangga ng wine. Buo na ang desisyon niya at hindi na siya mapipigilan pa.
“Teyka, yung ate mo, Adelina!” untag ni Adriela nang buksan nito ang phone upang sana’y mag-log-in sila sa site pero nagnotify sa phone nito ang news.
“Ano na naman ang tungkol sa kaniya?” boring niyang tugon at kumunot ang noo niya nang mapatayo pa ang kaibigan niya at ang kamay ay nasa bibig.
“Boyfriend pala ng ate mo si Dr. Wilson Montenegro? ‘diba ninong mo ‘yon na naroon ngayon sa States pero ang sabi ay narito raw sa Pilipinas at kanina lang dumating!” Hindi makapaniwala ang reaksyon ni Adriela pero wala siyang pakialam. Kahit president pa ng Pilipinas ang boyfriend ng ate niya.
“Napakamalas naman ng lalaki kung sakali!” ngumisi pa siya at agad siyang hinampas sa braso.
“Ninong mo ‘yon ‘diba?” pag-uulit nito.
“Never kong naging ninong iyon, ni hindi ko nga kilala ‘yon.” Pagtatama niya. Ngumuso lang si Adriela kasi kahit ito ay hindi pa nakikita ang ninong niya. Alam nila ay ninong niya iyon pero masyado pamisteryoso ang ninong niya dahil walang nakakakita sa hitsura nito. Mayroon pa siyang isang ninong si Don Rodulfo kasing edad ng ama niya na kahit minsan ay hindi naman naging ninong sa kaniya kaya hindi niya rin kinilala ang lalaki. At ang ninong Wilson niya ay katulad lang din ni Rodulfo. Napangisi na naman ang dalagita dahil napakaarte ng ate niya tapos sa isang matanda lang pala ito babagsak. Napailing-iling siya sa naiimagine siguro ay subrang yaman ng ninong niya kaya pinatulan nito, sabagay ay hindi naman sila talaga mayaman ayon sa kuwento ng lola niya ay labandera ang mommy niya naasawa ang daddy niya at si ate Marivick niya ay nagmana sa nanay niyang mukhang pera.
“Best, best, si tito tumatawag?”
Napatingin siya kay Adriela at kunot ang kaniyang noo. Hindi pa siya nakapagsalita nang sinagot nito ang tawag at tumango-tango ang kaibigan niya. Sa inis niya at inubos niya ang wine na parang tubig lang dahil gusto niyang makalimot kahit ngayon gabi lang ngunit kaunti na lang at mauubos na sana niya ang wine nang malakas na tinabig iyon ng kamay ni Adriela kaya tumilapon ang bote sa sahig at inis niyang tiningnan ito.
“Best, best, mag-ayos ka. Nasa condo si tito sinusundo ka hinahanap ka daw ni Dr. Wilson. OMG! Natatandaan niya pala na inaanak ka niya. Ano kaya ang regalo niya sa iyo—tito?”
Namutla bigla si Adriela nang narito na pala sa bar ang daddy niya at agad siyang pinuluputan ng blazer.
“You’re b***h, Adelina! Ano na lang ang sasabihin ni Wilson kapag nakita kang ganiyan ang ayos mo!” galit ang boses ng ama niya. Winaksi niya ang kamay nito ngunit sinampal siya at agad na pinilipit ang braso niya at napadaing siya sa sakit.
“Ano pa ba ang gusto ninyo sa akin, dad? Lumayas na nga ako ‘diba? puwede ba hayaan mo na lang ako!” sigaw niya at mas hinigpitan pa ang braso niya at napaluha na siya sa sakit.
“At sa tingin mo ay pakialam kami sa iyo? kinakailangan lang na umuwi ka ng bahay dahil hinahanap ka ni Wilson at ayaw kong may masabi siya sa pamilya kaya sa ayaw at sa gusto mo ay susunod ka at magpapakabait ka lalong-lalo na sa harap ng ninong mo!”
Walang nagawa ang dalagita nang kinaladkad siya ng ama papasok sa kotse pabalik sa mansyon nila.