SABADO ngayon kaya walang pasok. Si Bunoy ay nagpaalam sa kanya na bibisitahin ang mga kapatid nito upang dalhan ng bigas at budget para sa pagkain. Plano nga niya kapag nakapagraduate na siya ay kokopkopin niya ang dalawang kapatid ni Bunoy na dalagita na. Tutulungan niya itong makapag-aral para hindi matulad kay Bunoy na walang tinapos kaya mahirap makahanap nang trabaho. Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa batis para doon niya lalabhan ang mga damit ng lolo niya at pati na rin ang kumot nito at punda. Mayroon naman silang balon pero aabotin pa siya ng siyam-siyam bago matapos sa paglalaba. Kumpara sa ilog na isang banlawan lang. Tsaka, kinalakihan niya sa lola niya ang paglalaba dito sa batis kaya sanay na rin siya. “Ma’am, sasamahan ko na po kayo.” Napalingon si Gessa sa isang a