NAGISING ako agad nang marinig ko lang ang tilaok ng manok. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at madilim pa ang paligid. Pagtingin ko nga sa orasan ay alas singko pa lang ng umaga. Bumangon ako at naghilamos at nagsipilyo. Pagkatapos ay sinuot ko ang leggings ko at sports bra ko at pinusod ko ang aking buhok. Sinuot ko ang sneaker ko na niregalo pa sa akin ni Emman no’ng valentines. Magaan ito sa paa kaya gustong-gusto ko. Pagkatapos ay uminom lang ako ng tubig at nagsimula na akong magjogging sa gilid ng kalsada. Ganito ako tuwing umaga kaya hinahanap-hanap na ng katawan ko ang pagjojogging. Maliban na lang kung may dalaw ako. Wala pa masyadong mga habal-habal ang nadadaanan ko sa kalsada. Palakad-lakad at takbo ang ginagawa ko. Ilang minuto nga lang ay nakarating na ako sa bayan ng sant