3 years later… NAKALUHOD sa harap ng altar ang dalaga at taimtim na nananalangin. Makalipas ang trenta minutos niya sa simbahan ay lumabas na siya. Dumaan muna siya sa palengke para bumili ng isda at sigarilyo na rin para sa lolo Carding niya. Mula kasi ng araw na umuwi siya noon sa bahay nila ay nanghina bigla ang lolo niya. Pabalik-balik na ito sa hospital at sinabi na lang ng doctor na isang taon na lang ang ilalagi ng buhay ni Mang Carding dito sa mundo. Dala ito ng paninigarilyo niya kaya minabuti niya at ayon pa sa doctor ay ibigay niya na lang ang lahat ng naisin ng Lolo niya para hindi ito ma stress at baka mapaaga pa ang buhay nito. Kaya heto siya binilhan niya ng ilang pakete ang Lolo Carding niya. “Gessa Mae?” Napalingon siya sa tumawag sa kanya si Alfredo kaklase niya sa