NAPASIGAW sa sakit sa Gessa habang pinapa-ere siya ng mga doctor. Espesyal pa nga ang panganganak niya dahil ito ang gusto ng donya Adelina pero hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala na baka mamatay siya sa panganganak paano na ang Lolo niya, paano na ang mga pangarap niya?” “Ere pa ineng, ere. Malapit na! sige, kaya mo ‘yan. Nararamdaman ko na ang ulo ng baby.” Buong lakas na umere si Gessa talagang binigay niya ang buong lakas niya hanggang nga sa tuloy-tuloy na lumabas sa kanyang puwerta ang baby. Narinig niya ang maliit na boses na pag-iyak ng bata. Kung gaano kasaya si Adelina na naroon sa room ay kabaliktaran kay Gessa. Nilagay sa dibdib niya ang baby niya pero iniwas niya ang tingin at iyon na yata ang pinakamahirap na nagawa niya sa buong buhay niya. Sobra pa sa sobra ang pag