Seven years later... NAKAYUKO siya habang pinagmamasdan niya ang mga isda sa aquarium. Lumapit sa kanya ang kasambahay at magalang siyang kinausap. “Good evening madame, dinner is ready.” “How long have these fish been here?” Sa halip ay tanong niya sa kasambahay. “Yesterday, madame.” Tugon ng babae. Umayos siya ng tayo at tiningnan ito na ngayon ay nakayuko sa harap niya. “I don't want to see these fish anymore. They needs to be out of that box.” Saad niya at napaangat ng mukha ang kasambahay. “Pardon, madame?” taka nitong tanong sa kanya. “Ibalik mo siya sa lugar niya, sa dagat. Ayokong makakita ng mga nakakulong. Ang mga isda ay karapatan nilang mabuhay na aayon sa kagustuhan nila at hindi ikulong sa kahon na ‘yan, gusto ko malaya sila.” Sabi pa niya pero hindi siya nai