Parang tambol ng lata ang lakas ng tib0k ng puso niya. Hindi niya malaman ang gagawin dahil talagang inisa-isa nito ang mga tinda kaya tiyak na madadaanan siya nito. Kaya naman ay kinuha niya na lang ang isang bilao ng kalamansi at kumuha siya ng plastic. Kinuha niya rin ang maliit na upuan ng gawa sa kahoy at sa lupa siya naupo. Inisa-isa niyang lagyan ng tig limang kalamanse ang plastic. Hanggang sa pag-angat niya ay nasilip niya ang dalawang mapuputing paa sa ilalim na ngayon ay paharap sa kanya. Halos marinig na niya ang kabot ng dibdib niya. Mas lalo siyang napayuko mabuti na lang talaga at natatabunan siya ng mga paninda niya. Subalit, malakas na boses ni Nelay ang narinig niya at ang malala ay tinawag nito ang buo niyang pangalan. “Gessa Mae Sandoval, may customer ka!” Napakuy