ISANG BUWAN ang lumipas at ngayon ay pang apat na beses nang mag-pregnancy test si Gessa at iisa ang result. Dalawang linya kaya tiyak na siyang buntis na nga siya. Last two weeks pa lang ay sinubukan nang ipa-PT siya ng donya at doon pa lang ay lumabas na agad na buntis siya at ngayon nga ay walang palya. Narito siya ngayon sa mansyon at halos hindi magkanda ugaga ang mga kasambahay na paglingkuran siya. Kulang na lang pati pagpasok niya sa banyo ay alalayan pa siya. Ito kasi ang habilin ng donya kasi baka daw madulas siya o kung ano mang aksidente ang hindi inaasahan na mangyayari bagay na ikinatatakot niya rin kaya hinahayaan niya ang mga kasambahay na alagaan siya. Alam na rin ni Greg na buntis siya pero halos hindi sila magkita ng binata dahil wala ito madalas sa mansyon. Mabuti n