NAGISING si Gessa Mae nang may suot na siyang damit. Pagbangon niya ay nasa harapan niya si Greg at nakadekuwatro ito ng upo. “Señorito, kanina pa po ba diyan?” “No.” Maikli nitong tugon. Hindi naman niya nakikitang galit ito hindi rin masaya. “Kailangan ko na pong umuwi dahil hinahanap na ako ni lolo.” Saad niya at tumayo siya ngunit napangiwi siya nang sumakit ang gitna niya kaya na out balance siya at bago pa siya matumba ay nasalo siya ni Greg at sabay silang natumba. Hindi malaman ni Greg kung paano at hindi siya nakatukod at higit sa lahat ay ang posisyon nilang napakaimposible pero nakita natagpuan nila ang isa’t isa na na magkayakap. Ang kamay ni Greg ay nasa baywang niya habang siya naman ay napahawak sa braso nito at ang mukha nilang magkalapit. Nagkatitigan silang dalawa p