5th Step: “Sana”

2724 Words
IBA NA PALA ang mga tao ngayon. Mamukhaan at mapagkamalan ka lang na kakilala pwede nang mapingot ang ilong mo. Nakakaloka at nakakainis. Napailing-iling na lang ako at pinilig ang ulo. Humigop ako sa kape na kanina ko pa tinimpla pero hindi ko pa naiinom. Payapa akong nag-inat ng katawan sabay upo sa harapan ng sarili kong study table. Mahigit isang oras na simula nang nakauwi ako sa apartment. Isang oras na rin ang lumipas nang nakita ko ulit ang lalaking pumingot sa ilong ko kanina. But he has a different vibe from the last time I saw him. Matapos niyang bitiwan ang magkabila kong balikat dahil nagawa ko nang tumayo nang maayos, he just said he's sorry. Napagkamalan lang daw niya akong kakilala niya. Nothing more, nothing less. Matapos sabihin iyon, naglakad na siya paalis. Okay. Ano pa ba ang inaasahan kong sasabihin niya? Wala naman. Napabuntong hininga ako. Kesa kung saan-saan pa mapunta ang isip ko, napagdesisyunan ko na kumalma na lang at hintayin ang tawag nina Mom at Dad sa skype. Nagsisimula na silang mag-alala sa akin. They shouldn't worry though. Ilang buwan pa nga lang simula nang umalis ako pero panay na ang pagsasabi nila sa akin na baka gusto ko nang umuwi. I said I'm perfectly fine here in Manila. Pero sabi nila, gusto nila akong makita kahit hindi sa personal. They said a video call would be enough. “Hey, Mom and Dad!” masiglang bati ko matapos kong sagutin ang tawag nila sa akin sa skype. “Avie, dear,” malumanay na sabi ni Mom. I could see glimpse of tiredness in her eyes. Inilapit ko ang mukha ko sa screen ng laptop para mas pakatitigan siya. The obvious proof of her restlessness were the dark circles under her eyes. “Mom, are you alright?” “Yes, yes. I am. Hindi lang ako nakakapagpahinga nang maayos sa mga nakalipas na araw. But you don't have to worry. I'm good and so as your dad. He's getting better.” “I'm glad to hear that, Mom. Maayos din po ako rito.” “You sure, Avie?” tanong naman sa akin ni Dad na nasa tabi ni Mom. “How's your studies?” “Yes po. Ayos lang po ako rito. You already knew that I rented a small apartment at wala naman po akong problema sa may-ari. When it comes to the university I've enrolled in, maganda po ang eskwelahan, Dad. I think I would be learning a lot here.” Isang tango ang nakita ko mula kay Dad. Mabilis naman na nagsalita si Mom. “You should, Avie dahil ikaw ang magmamana ng kompanya. Sa ngayon, hindi pa rin 'to nakakabawi. Maraming mga investors na nagwithdraw ng investments nila. And it's vital 'cause the company is still in it's shaky state. Wala ng sapat na pundo. Liabilities were already greater than our assets. Ang totoo, nahihirapan na kaming isalba ito, but we will, for you and for our family.” “Thank you, Mom.” Ngumiti siya sa akin. “So, you and Heiro are in the same school. Nagkikita ba kayo? Please send my regards to his parents.” Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway. “S-si Heiro po, Mom? O-opo, nagkikita po kami at syempre nagkakausap," malapad ang ngiti kong saad. Pero nararamdaman ko ang paninigas ng mga panga ko. Hindi ko inakala na magagawa kong magsinungaling kay Mom. “I’ll tell him, Mom.” “I heard that their shipping line's having an excellent performance and that they've been ranked first among the shipping industries in the country. They are even trying to extend their route abroad.” Tumango-tango ako pero nahalata ata ni Mom na ngayon ko lang iyon nalaman. “Hindi ba nasabi ni Heiro sa'yo?” “We don't usually talk about business, Mom.” “Oh, yes. 'Wag na lang muna iyon ang pag-usapan niyo. Wait, what are you drinking? Coffee again?” “Uh. . . yes.” “Baka magpalpitate ka na niyan, Avie,” pagsingit ni Dad. “Hindi naman po ako araw-araw na umiinom ng kape. Tas hindi naman po matapang ang kape na 'to,” sagot ko at ngumiti sa kanila. “Alagaan mo ang sarili mo. Lalo na at malayo ka ngayon sa amin. Huwag kang magdalawang isip na tumawag agad sa amin kapag may problema ha? You know we're always here for you.” Napangiti ako nang marinig ang sinabi ni Dad. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. “Kinikilig ako, Dad ha,” saad ko, maririnig ang pagcrack ng boses. “Namimiss ko na po kayo.” “Oh, dear,” saad naman ni Mom at unang nagpahid ng luha. Agad na inalo ni Dad si Mom. Napangiti ako nang makitang pinahiran ni Dad ang mga luha ni Mom pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi. Parang may humaplos sa puso ko. They've been very affectionate to each other. Nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. “Pinaiyak mo ang Mom mo,” nagbibiro na saad ni Dad. “O s'ya, gabi na at baka may kailangan ka pang gawin. Have enough sleep, Avie. 'Wag kang magpupuyat.” “Yes, Dad.” “Tumawag ka sa amin kapag may problema. We love you. Take care of yourself, okay?” ani Mom. “Opo, mag-iingat din po kayo d'yan. I love you.” “Sige na, anak. Baka mas lalo pang umiyak ang Mom mo rito.” Pabirong hinampas ni Mom si Dad sa braso. Napailing-iling na lang ako. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi. “Mom, tahan na,” saad ko. “Puputulin ko na po ang tawag. Magpahinga na rin po kayo. Lalo ka na, Dad. I love you. Bye for now.” Tumango silang dalawa. Kumaway ako bago tuluyang pinatay ang tawag. Narinig ko ang tunog ng pagclick ko sa end button. Huminga ako nang malalim, napangiti sabay inom ng kape sa mug. It was nice talking to Mom and Dad. Kahit na saglit lang iyon. Atleast hindi pa rin ako nawawalan ng communication sa kanila. Napatitig ako sa mug na hawak-hawak. Gabi na at umiinom pa ako ng kape. Paano ako makakatulog ngayon? Tiningnan ko ang ilang sites na nakabukas sa laptop ko. Nang makitang walang gaanong kaganapan sa mga social media accounts ko, pinatay ko na ‘yon. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa mesa at nagplug-in ng earphones. Mabilis akong tumakbo sa kama ko at patalon na humiga roon. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid ng apartment. Ngayon ko na lang ‘yon ulit ginawa. Hinayaan ko ang sarili ko na punahin ang buong paligid. Nagre-arrange ako ng mga gamit noong isang araw at ngayon ko lang naappreciate ‘yon. Mas naging spacious ata ang maliit kong apartment sa paningin ko. Nakahiga ako sa kama pero kitang-kita ko ang isang medium size na sofa sa bandang gilid ng pinto, maliit na banyo at sa kitchen sa 'di kalayuan kung saan nakalagay ang coffee maker, microwave at iba pang gamit. Tatlong paintings ng iba't-ibang uri ng bulaklak ang nakasabit sa dingding. Sa gilid ng kama ay may study table. Iyon na at wala nang ibang bagay sa loob ng apartment. Nagtagal ang paningin ko sa study table na katabi lang ng kama. May pictures doon; picture namin nina Mom at Dad, picture ko, at kwelang picture naming dalawa ni Heiro kasama si Lexie. Mas lalo akong tumitig doon. Napangiti ako, nang hindi na napigilan ang sarili, bumangon ako saglit para abutin iyon. Hinaplos ko ang picture naming tatlo at tinitigan nang mabuti. Pareho kaming nakasuot ng nerdy glasses. Magulo ang medyo may kahabaan pang buhok ni Heiro. At may kulay blue na icing sa kanyang kaliwang pisngi. Sa Lexie ay nakataas ang mga kamay habang nasa gitna naming dalawa ni Heiro. Malaki ang ngiti niya. Siya lang ang may malinis na itsura habang ako naman, sa kanyang tabi ay nakabusangot at puno ng pink na icing sa sariling buhok. Napatitig ulit ako kay Heiro. I noticed some changes. Lalo na sa buhok niya. Noon, he doesn't care much about his hair. He loved it that way. And I also do. Pero ngayon, iba na ang haircut niya. Hindi na gaanong mahaba ang kanyang buhok at medyo clean cut ang magkabila nitong gilid. But he still looks the same, maybe a bit mature. This time, with his hawk-like eyes and bored expression. Sa study table, kung saan nakalagay ang mga study paraphernalia ko sa bandang kanan, sa kaliwa naman ang lamp light at isang alarm clock, may isa pang litrato at kaming dalawa ni Heiro lang ang nasa picture. Tinitigan ko ang sarili ko na nasa tabi niya. May kulay pink na icing sa gilid ng buhok ko. Magulo din iyon. Nakaakbay siya sa akin habang malaki ang ngiti. Nakatingala naman ako sa kanya habang nakapout. Hindi ko muna binitiwan ang litaro, I scanned it again but this time, I made sure to take notice of the emotions evident in my eyes. My eyes were upturned, it was emphasized since I looked at the camera when the picture was taken. My eyebrows were in a perfect arch and my slightly thin lips were in a pout. Even my face was radiant, probably because that time, deep inside of me, I was extremely happy. Hinaplos ko ang frame. . . makinis. May mahadpi sa didbib ko. Sumisikip. Bumibigat ang dibdib ko. These pictures were taken during Lexie's birthday. Nag-asaran at bigla-bigla na lang nagkaroon ng batuhan ng icing. Ayaw kong makisali kaso mapilit si Heiro. Una niya akong pinahiran ng icing kaya pinahirahan ko rin siya. Bakit ako magpapatalo ‘di ba? Pero tawang-tawa lang ang mokong. Napailing-iling na lang ako. Pinindot ko ang play sa music player ng phone ko. Nagsimulang tumugtog ang isang kanta. Nakashuffle iyon. Tiningnan ko ang title at natigilan nang nabasa iyon. Apologize by OneRepublic. Sampul. Napatikhim ako at sumandal sa headboard ng kama. Pinakinggan ko nang mabuti ang kanta. Halos mapatulala ako nang marinig ang mga sumunod na lyrics. Napatitig ako sa kawalan. Napalunok para mawala ang bara sa lalamunan. Bakit parang, patama sa akin ang kanta? Na parang iyon mismo ang gustong sabihin ni Heiro sa akin. Humiga ako nang maayos sa kama at mabilis na pinatay ang music player. Kahit sa kanta, ipinaparamdam na talaga sa akin ang katotohanan na baka huli na talaga. Napatingala ako at napatitig sa kisame, huli na ba talaga para magpaliwanag at magsorry ako kay Heiro? Maybe not. Sa tingin ko, magiging huli na ang lahat kapag napagdesisyunan mo nang sumuko. Pero hindi ko ‘yon gagawin. ─◎─ Mabilis na lumipas ang mga araw. Umaga ng miyerkules. Dala-dala ko ang bag ko habang naglalakad papuntang cafeteria. Nasira ang isang strap ng backpack ko kaya kailangan ko iyong bitbitin nang maayos dahil kung hindi, masisira na rin ang isa pa. Hindi naman iyon mahahalata ng ibang tao. Pero paki ko ba kung mahalata nila? Inaano ba sila ng bag ko? Aish. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mag-isa lang. Wala naman kasing ibang sasama sa akin. Pwera na lang kay Gwen na pasulpot-sulot talaga sa bawat paglipas ng mga araw. 'Di ko namamalayan na napapadalas na ang daldalan namin sa tuwing natityempuhan namin ang isa't-isa tuwing break. Kagaya na lang ngayon. “Have you seen Dustin by any chance?” Isang iling ang isinagot ko sa kanya kasabay nang paghila ko sa kanya papunta sa nakasanayan na naming puwesto sa cafeteria sa tuwing kumakain kami. “Hinahanap mo siya? The last time a checked, panay ang talak mo dahil panay ang pagsunod at pangungulit niya sa'yo. Last week lang din nang inaway mo siya, Gwen.” “You know the reason why I did that, Aeyz.” “Hmm.” Nagkibit ako ng balikat at sabay kaming naupo sa mga upuan. Inilagay ko ang bag ko sa mesa. Sinipat niya iyon. “Nasira ang strap?” Tumango ako habang nakabusangot ang mukha. Humalukipkip ako sa harapan niya. Hindi ko na inisip ang nasira kong bag. “So, bakit mo hinahanap sa Dustin?” “Hindi ko siya hinahanap.” Nagtaas ako ng kilay sa kanyang sagot. “It's true, Aeyz,” napapabuntong hininga niyang sabi. “Ang gusto ko lang naman, patigilin na siya sa pangungulit sa akin.” Nakatuon ang atensyon ko sa kanya kaya nakita ko kung paano siya umayos ng upo sa kanyang upuan. “Nakakainis na kasi! Sa tuwing nakikita ko ang messages niya sa mga nakalipas na mga araw, naalala ko ang panloloko niya sa akin!” Ngayon ay nakahilig na siya sa mesa namin, nang hindi pa makuntento ay iniligay niya ang dalawang mga kamay bewang. Inis na ibinagsak ang mga balikat. “And you know what's worst? Sa halip na mas kumulo ang dugo ko sa kanya. Paulit-ulit na nadudurog ang puso ko. Alam mo 'yon? 'Yong durog ka na pero 'di ka pa tinitigilan at dinudurog ka pa nang paulit-ulit." Tumikhim ako. “What if kausapin mo na siya? Sort things out with him. Kung ayaw mo na then cut the ties. Pero kung hindi mo pa siya kayang bitiwan. Risk again?” Pinaglaruan ko ang container ng tuyo at suka na nakalagay sa gitna ng mesa namin. “If he's sincere enough to ask for forgiveness, please, kahit bigyan mo man lang siya ng isang pagkakataon kahit iyon na ang huli.” “Pumapanig ka ba sa kanya?” Umayos ako ng upo. “Ano. . . hindi naman sa ganun. Alam ko kasi kung ano'ng pakiramdaman na gusto mo nang humingi ng tawad pero hindi ka hinahayaan. Masakit, Gwen. Mahirap." Nakita ko ang unti-unting paglamlam ng mga mata niya. “Alam mo naman na may nilalapitan ako ngayon diba?” “Iyong Yvero ba?” Tumango ako. “Yes, Gwen.” Malungkot akong ngumiti sa kanya. Pero ilang saglit lang ang lumipas at kumunot ang noo ko nang nakita na parang may tinitignan siya sa 'di kalayuan. “Siya 'di ba ang Yvero na tinutukoy mo, Aeyz?” Tiningnan ko rin ang banda kung saan siya nakatingin. “Heiro Artouis Yvero? Tama?” Naaninag ko nga si Heiro sa 'di kalayuan. Nakikipagtawan sa kasama niyang si Braire. Tumango ulit ako. Mapait na ngumiti. “Malapit kami sa isa’t-isa noon, pero may nagawa ako para masira ang pagkakaibigan namin. May nagawa akong kasalanan, Gwen." Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin. “Ibang sitwasyon 'yon, Aeyzha.” “Well, yes. Pero isipin mo na lang. Magkaiba man kami ng nagawang kasalanan ni Dustin, pero pareho kami na hindi pinagbibigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag.” Malalim ang naging buntong hininga ko. “Siguro, ayos lang kahit hindi na lang kami patawarin. Hindi kami mamimilit. Kasi alam ko na hindi naman ‘yon madali. But is it too much to just let us say what we wanted to say? Sana man lang pakinggan niyo kami." “Aeyzha,” saad ni Gwen. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi kita pinipilit na kausapin mo si Dustin. Baka lang naman. Dahil mahirap ang hindi pakinggan, Gwen. Lalo na kung matagal mo nang gustong magpaliwanag. At may isinakripisyo ka na para magawa lang iyon pero wala pa rin.” Lumamlam ang mga mata niya habang nakikinig. Nagbaba siya ng tingin. “Pero paano ko ba malalaman na sincere siya?” Tumikhim ako. “Well, kapag hindi pa rin siya sumusuko. Sinabi mo na panay ang approach niya sa'yo diba?” tanong ko. Nakita ko ang pagtango niya. Napaisip ako nang mabuti. “Pero siguro malalaman mo rin ‘yon. Kapag nag-usap na kayong dalawa at tumitig ka sa mga mata niya. I've heard that our eyes are like doors to our souls. Hindi nagsisinungaling ang mga mata. If he speaks with the truth and with his soul, then he is sincere." Ilang minutong natahimik si Gwen. Napatitig sa kawalan na parang pinag-iisipan nang mabuti ang sinabi ko. “Sige, susubukan kong kausapin siya. Pero kung hindi siya sincere, tatapusin ko na talaga ang kung ano'ng meron kami.” Tumango ako. “Hahayaan ko na siyang magpaliwanag, Aeyz. Pakikinggan ko na siya ngayon.” Ngumiti ako at tumango ulit. Lumingon ako sa likuran ko at sumulyap ro'n saglit. Hindi ko napigilan ang sarili kong hilingin na sana. . . ganun din ang gawin ni Heiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD