UMAALON ATA ANG PALIGID. Napayuko ako at sinubukang mangapa sa bawat gilid ko ng kahit anong pwedeng mahawakan para 'di ako tuluyang mawalan ng balanse. Nahihilo ako at alam ko, any minute from now, babagsak na ako sa sahig. “I told you to never accept drinks from strangers.” Seryoso ang boses ni Heiro nang bumulong sa bandang tenga ko. Wala mang sapat na liwanag para maaninag ko ang mukha niya pero alam kong siya iyon. Nanoot sa ilong ko ang pamilyar niyang pabango kaya hindi na ako umangal nang maramdamang may humapit sa bewang ko para magawa akong alalayan. Masakit sa mata ang malilikot na mga ilaw sa 'di kalayuan. Napapatakip na rin ako ng mga tenga dahil halos makabasag na ng eardrums ang malakas na music na umaalingaw-ngaw sa buong paligid. “Ayo