FRIDAY MORNING, nakatanggap ako ng text galing kay Eustace. Dala-dala ko ang mga libro ko at may kabigatang bag kaya hindi ko magawang makapagreply habang naglalakad sa lobby ng building. Kaya nang makakita ako ng bench sa ‘di kalayuan, tumigil muna ako do’n at naupo. Five minutes. He should be grinning from ear to ear if he’s to witness my efforts just so I could reply to his texts. From Eustace M : Kailangan nating magkita mamaya. Dahil sa loob lang ng university sila mag-uusap ni Dustin, kailangan nating humanap ng lugar na walang ibang taong makakaistorbo. To Eustace M : At saan naman ‘yan? From Eustace M : Mas mabuting sa isa sa mga secluded rooms. Nangunot ang noo ko pero nagpatuloy ako sa pagtipa ng reply. To Eustace M